Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Dumating ang bagong kasal, kasama si Donya Victorina. Nagbatian. Nagkamayan. Naroon na sina Padre Irene at Padre salvi nguni't wala pa ang Kapitan Heneral.
Mabilis ding lumayo si Basilio. Nguni't may nakita siyang isang lalaking tatanaw-tanaw sa bahay. Si Isagani! Niyaya niya itong lumayo. Marahang itinulak ni Isagani ang kaibigan. Nagpilit si Basilio. "Bakit ako lalayo... Bukas ay hindi na siya ang dati." May hapdi ang tinig ni Isagani. Ipinaliwanag ni Basilio ang ukol sa ilawan. Hinila niya si Isagani. Tumutol ito. Mabilis na lumayo si Basilio.
Isa raw biro iyon, ani Don Custodio. Patay na raw si Ibarra. Nang makita ni Padre Salvi ang papel ay namutla ito. Sinabi nitong iyon ang lagda ni Ibarra. Saka nahilig sa sandigan ng silya ang kura -- nanlambot sa takot.
Nagkatinginang takot na takot ang lahat. Tatawag sana ng kawal ang Kapitan Heneral. Walang nakita kundi mga utusang di niya kilala. Nagkunwang hindi takot. "Magpatuloy tayo sa pagkain," aniya. "Huwag intindihin ang isang pagbibiro."
Iminungkahi ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na itaas ng huli ang mitsa ng ilawan. Biglang may mabilis na pumaso, tinabig ang utusang humadlang, kinuha ang ilawan, itinakbo sa asotea at itinapon sa ilog. May humingi ng rebolber, may magnanakaw raw. Ang anino ay tumalon rin sa ilog.
Sisingilin daw niya ang utang ng namintas kinabukasan. Dumating na rin ang Kapitan Heneral. Nawala ang mga dinaramdam ni Don Timoteo. May nagsabi na palubog na ang araw ng Kapitan Heneral dahil natititigan na ito ng harap-harapan.
Nais tumungo ni Don Timoteo sa palikuran nguni't di siya makaalis at wala pa ang Heneral. May pumintas sa mga kromo sa pader. Nagalit si Don Timoteo. Iyon daw ang pinakmahal na mabibili sa Maynila
"Hindi ako dapat magmalabis sa pagtitiwalang inilagak sa akin. Ako'y may utang na loob sa kanya; sa kanila'y wala. Siya ang humukay ng libingan ng aking ina na pinatay nila. Ako'y nagpakabuti; pinagsikapan kong magpatawad, ano ang ginawa sa akin? Mangamatay na nga sila. Labis na ang aming pagtitiis" Nasabi ni Basilio.
Kabanata 35
Ang Piging
Si Basilio ay nasa harap ng bahay at pinapanood ang mga nagdaratingan. Naawa siya sa mga inakala niyang mga walang malay na mamamatay roon. Naisip na bigyan ng babala ang mga iyon. Nguni't siyang pagdating ng sasakyan nina Padre Salvi at Padre Irene. Nagbago siya ng isip.
Nguni't nagsalita si Don Custodio. "Ipinapalagay kong ang kahulugan ng sulat ay papatayin tayo ngayong gabi".
Di nakakiba ang lahat. May nagsabi "Baka lasunin tayo!" Binitiwan ang mga kubyertos. Lumabo ang liwanag ng ilawan.
Nakita ni Isagani na nagtungo sa kainan ang mga tao. Naisip niyang sasabog ang bahay -- kasama si Paulita. Mabilis na nagpasya ito. Samantala, sa loob ay nakatagpo ang nagpipiging ng isang kaputol na papel na ganito ang nakasulat:
Nakita niya si Simoun, dala ang ilawan. Waring kakila-kilabot ang anyo ni Simoun na naliligid ng apoy. Parang nag-alinlangan sa pagpanhik ng hagdan si Simoun. Nguni't nagtuloy rin ito. Nang dumating ang Kapitan Heneral ay sandaling nakipag-usap dito at sa ibang naroon ang mag-aalahas. Saka ito nawala sa paningin ni Basilio
Namayani na naman ang kabutihang-loob ni Basilio. Nalimot ang ina, ang kapatid, si Huli, ang sariling kaapihan. Ninais iligtas ang nangasabahay. Nguni't hinadlangan siya ng mga tanod dahil sa marusing niyang anyo. Namutla si Simoun ng makita si Basilio na iniwan ng tanod-pinto upang magpugay sa mag-aalahas. Matigas ang mukha ni Simoun na tumuloy sa sasakyan at nag-utos. " Sa Eskolta. Matulin!"
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA