Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kabanata 6:

Si Basilio

Matapos ang labintatlong taon, nagbalik ang katauhan si Basilio sa El Fili na karugtong ng kanyang unang nobela. Sa mga panahong naulila si Kapitan Tiago dahil sa pag momongha ni Maria Clara, tinanggap si Basilio bilang alila kapalit lamang ay ang pagpapa-aral ng medisina sa San Juan de Letran, Si Basilio ay kilala sa kanyang kabutihan sa panggagamot at kahanga-hangang pagpapagaling, Siya ang manggagamot ni Kapitan Tiago at Katipan ni Juli.

Si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago ay isang kathang-isip na tauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal – ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang asawa ni Doña Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara

Si Simoun ay si Crisostomo Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere at nagbalik pagkatapos ng labintatlong taon bilang isang mayamang mang-aalahas. Siya ay namumukod-tangi dahil sa kaniyang suot na salaming kulay na asul. Inilarawan si Simoun bilang matangkad, matipuno, may kapayatan, may kaitiman ang balat, at laging nakasuot ng damit-ingles. Kilala siya bilang “Kardenal Moreno” sapagkat siya ang sanggunian ng heneral.

Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.

Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanungin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio.

Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.

Muhi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.

Sino si Basilio?

Tauhan

Basilio

Simoun

Kapitan Tiyago

Buod

Talasalitaan

beateryo- institusyon para sa mga relihiyosong babae

sobresaliente- napakahusay

Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon.

Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.

Umalis siya sa gubat. Lumuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kapitan Tiyago na katatapos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Pinag-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po.

ARAL

  • Huwag mong sasayangin ang mga pagkakataong minsan lang dumating sa ating buhay.
  • Kayang abutin ang pangarap kapag may sipag at determinasyon.
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi