Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading content…
Loading…
Transcript
  • Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila
  • Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa
  • Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino
  • Isa nang manunulat sa gulang na 13,
  • Una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.

Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang dahilan ng pagkamamatay ng kaniyang kasintahan na si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang kinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hindi pa naman humuhupa ang galit niya, siya naming pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinapaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitirhan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong.

"Walang Panginoon" ni Deogracias A. Rosario

Group 6 - St. Liberatus

Buod

Arevalo, Patrick

Santelices, Alfonso

Ibañez, Chrystian

Mariano, Monica

Orleans, Angelie

Crisostomo, Jose

Porto, Miguel

Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsisilbihan.

Ang kwentong ito ay tungkol sa isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang hacienderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay Don Teong. Kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong.Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nilakundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao.

Dahil sag alit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong ng hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mgagamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad nang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kanyang matapang na kalabaw.

Pananaw Naturalismo

Deogracias A. Rosario

  • Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awang kagubatan.
  • Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
  • Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
  • Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay.
  • Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang moral.
  • Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

Mga Ilang Akda

  • Dahil sa Pag-ibig
  • Ang Anak ng Kanyang Asawa
  • Ang Manika ni Takeo
  • Walang Panginoon
  • Dalawang Larawan
  • Ang Geisha
  • Bulaklak ng Inyong Panahon
  • Mga Rodolfo Valentino
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi