Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Opinyon ng Kabataan sa Paggamit ng Bawal na Gamot

Proyekto sa FIL.012 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

BAWAL NA GAMOT

SAKLAW NG PAG-AARAL

Introduksyon

Ang droga ay isa sa mga problema na matagal ng nilalabanan ng gobyerno ng Pilipinas. Maituturing na matinding salot sa lipunan ang bawal na gamot dahil ito ay nagbubunsod sa mga gumagamit na gagawa ng masama na nakakasira sa kanilang pamumuhay. Maikokonekta ang pagtaas ng krimen sa Pilipinas sa mataas ding porsyento ng mga gumagamit ng droga.

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay mga kabataan lalaki at babae na may kilala, kapamilya o kaibigan, na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. May sampung kabataan ang makikilahok sa pag-aaral na sasagutin ang questionnaire na ibibigay sa kanila, na nakakatulong sa kaalaman tungkol sa paggamit ng bawal na gamit. Ang mga kabataang ito ay mga mag-aaral sa Cebu Institute of Technology-University. Ang pag-abuso sa droga ay ang paggamit ng mga pinagbabawal na gamot sa hindi natural na pamamaraan

Paglalahad ng Suliranin

ang pag-aaral na ito ay sisikaping masagot ang mga sumusunod na katanungan:

>>Ano ba ang epekto ng droga sa lipunan, lalo na sa kabataan?

>>Paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng isang pamilya?

>>Paano kaya hikayatin ang mga gumagamit ng droga upang sila ay tumigil sa kanilang masamang bisyo?

halimbawa sa mga epekto ng bawal na gamot

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang iba’t-ibang saloobin at pananaw ng mga kabataan sa pinagbawal na gamot ngunit lumalaganap na paggamit ng droga. Ang mga kabataan ay ang magtataguyod ng kasaganahan, o kung hindi man, ay ang kapinsalaan na maaaring idulot ng pinagbabawal na gamot.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi