Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Simula...

Kasaysayan ng Pyudalismo

Ang institusyong Pyudalismo

Sistemang Manoryal

Pagsasaka:Batayan ng Sistemang Manor

Ang pamamahala sa Manor

Katayuan ng mga Babae sa Manor

PYUDALISMO AT MANORYALISMO

Ang pang-ekonomiyang katapat ng pyudalismo ay manoryalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, ng buhay ng mga magbubukid at ng kanilang ugnayan sa isa't-isa at sa lord ng manor. Ang sistemang manoryal ay ang sistemang pang-akonomiya noong Gitnang Panahon. Sa manor nanggagaling ang halos lahat ng produkto at serbisyong kailangan ng mga tao.

Sa silangan naman ay mga Magyar.

Itinatag ito ni Charlemagne noong 800 C. E. ang Banal na Imperyong Romano.

Ang pyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan ng Verdum.

Noong 843, sa bisa ng Kasunduan sa Verdum, hinati ito sa tatlong apo ni Charlemagne. Ngunit ito ang nagpahina sa imperyo.

Ang manor ay isang malaking lupaing sinasaka. Ang malaking bahagi ng lupain na umaabot sa 2/3 ay pag-aari ng lord.

Sa hilaga, lumusob ang mga horsemen o Viking.

Ang salitang pyudalismo (feudalism) ay hango sa salitang "feodus" o "fief", ang salitang tumutukoy sa lupa na ibinigay sa unang basalyo (vassal)

Ang maharlika ang pinakamataas na uri ng mga tao sa sistemang manoryal na kinabibilangan ng mga panginoon ng lupa, obispo at abbot. Samantala, ang mga manggawa ay nahahati sa dalawang uri: ang malalayang tao o freemen at mga serf o magbubukid.

CHARLEMAGNE

Ang pyudalismo ay isang matibay na institusyon na naitatag noong Panahong Medieval.

Sa timog ay lumusob ang mga Muslim.

Ang sistema nito ay pulitikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa pangangailangan sa maaaring mamuno sa mga tao sa panahon ng kaguluhan. Nakasalalay sa basalyo ang mga gawaing pampulitika, pangkabuhayan at pampulitika.

Ang ibang katawagan naman sa may-ari ng lupa (panginoon o lord) ay liege o suzerain.

Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlika tulad ng mga konde at duke.

Ang lupang ipinagkaloob sa basalyo ay tinatawag na fief.

Bumagsak ang lahat ng mga pamahalaan at naganap ito sa Europa pagkamatay ni Charlemagne.

Ngunit noong ikasiyam na siglo, isang uri ng pamumuhay ang umusbong na naging sandigan ng mga tao- ang pyudalismo.

Ang homeage o seremonya ng paggawad ng fief ay ginaganao bilang patunay ng kanyang pagtanggap ng lupa.

Bilang pagtanggap, binibigyan ng panginoon ang basalyo ng isang sagisag ng kanilang ugnayan. Tinatawag itong "oath of fealty".

Sa sistemang pyudal, ang basalyo ay may layang pamahalaan ang lupang nasasakupan. Siya ang nag-aayos ng usaping legal at namamahala ng sandatahang lakas, suplay ng pagkain at paniningil ng buwis.

Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito.

Ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng mga manor ay tinatawag na three-field system. Hinahati ang lupain sa tatlong bahagdan. Ang isang bahagdan ay maaaring tamnan. Ang ikalawa ay gulay at ikatlo ay hindi tatamnan.

Ang mga babaing nabibilang sa maharlika angkan ay tinatawag na "ladies". Sila ay nagmamana ng lupain at maaaring humawak ng mahalagang posisyon.

Ang mga babaing magbubukid naman ay gumagawa ng lahat ng trabaho sa bukid. Sila ang nagtatanim at nag-aani ng mga butil

Maagang nag-aasawa noon ang babae. Sa gulang na labing-apat, siya ay maaari nang ipagkasundo. May mga pagkakataon na sanggol pa lang ang babae ay maari na siyang ipagkasundo. Maari lamang ikasal ang babae kung mayroon siyang dote na salapi, lupa o produkto na kanyang dadalin sa pagpapakasal.

Ang panginoong pyudal ay karaniwang abala sa pakikidigma. Sa ganitong pagkakataon ang pamamahala sa manor ay ipinagkakatiwala sa mga piling opisyales.

Ang Sistemang Guild

Ang "guild: ay isang samahang institusyonal na ang pangunahing layunin ay protektahan ang interes ng mga kasapu. Bawat guild ay may sinusunod na patakaran. Sinasawata nila ang pagsali sa kalakalan ng hindi kasali sa guild.

Ang kabalyero ay mula sa salitang Pranses na "chevalier" na ang ibig sabihin ay mangangabayo. Ang nagnanais na magkabalyero ay dumadaan sa pagsasanay ayon sa kodigo ng pagiging kabalyero. Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero, ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at maginoo lalo na sa kaibigan.

Ang "steward" ang mgay pinakamataas na ranggo. Siya ang legal na tagapamahala sa korte ng manor.

Pag-usbong ng mga Bayan at Lungsod

"Moneyed Economy"

Sa pagpapalit ng salapi na ito nasabing nagsimula ang pagbabangko. Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikadong mag-iwan ng malaking halaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay ipinauutang din nang may tubo.

Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa hilagang Italya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao buhat sa iba't-ibang lugar.

Ang mga Fair

Dahil sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan, natuklasan ang paggamit ng salapi bilang midyum ng pakikipagkalakalan.

Sa mga unang taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto o "barter".

Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali, naisip ng panginoong pyudal na magtatag ng taunang perya. Dito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Kumikita ang panginoong pyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa rito. Dito sa salaping ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang kanilang salaping barya. Dito nagsulputan ang mga namamalit ng salapi (money changer.)

Pwersa ng Mangangalakal

Ang "bailiff" naman ang nangangasiwa sa mga gawain ng magbubukid at sa pagsasaka. Siya ang namamahala sa pagkukwenta ng salapi at paniningil ng upa, multa at iba pang bayarin.

Nakikipagpalitan sila ng mga produkto sa pamamagitang ng sistemang "barter". Subalit ng madagdagan ang dami ng produkto na ikinakalakal galing sa ibang lugar, ang mga "lord" ng mga manor ay nagtayo ng mga "fair". Ang mga "fair" ay nagsisilbing tagpuan ng mga mangangalakal mula sa iba't-ibang bahagi ng Europa. Ang mga "fair" ay kapaki-pakinabang sa mga "lord" sapagkat nagbibigay ito ng karagdagang kita sa kanila.

Isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Ito ay propesyon na pinagpala ng Simbahan. Tungkulin nila ang ipagtanggol at itaguyod ang Kristiyanismo.

Sa pamahalaang bayan, lumakas ang kapangyarihan ng mga masalaping mngangalakal. Dahil na rin dito, napilitan ang mga hari na ipagbili ang karapatang mangalakal sa mga makapangyarihang "guild".

Hindi nagtagal, umunlad ang kapangyarihan ng hari dahil sa mga bagong sandata nila. Sinasaligan nito ang iba't-ibang antas ng tao. unti-unting nagbigay-daan ang dating sistemang pyudal sa isang matatag na pamahalaan na nasa kamay ng makapangyarihang hari.

Panahon ng ikasampu hanggang ikalabing-isang dantaon nang lumitaw ang mga bagong bayan at lungsod sa Europa. Ang pinakamabilis na pag-unlad ay naganap noong ikalabindalawang dantaon.

Ang "reeve" ay tumutulong sa "bailiff". Sila ang namamahala sa papaparami ng dayami at sa pag-aalaga nito atbp.

Pagbabago ng Katayuan ng Maharlika

Kabalyero

Ang Paglitaw ng Burgis

Maraming lupain ang napagbili noong lumahok sa krusada ang mga maharlika. Ang iba ay nagkautang dahil na rin sa pagiging maluho. Kinakailangan nila ang salapi kaya ito parin ang nging dahilan ng paglaya ng ibang alipin na nakahandang magbayad ng salapi.

Ang krusada ay may malaking naidulot sa malaking pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga lungsod sa Italya at Gitnang Silangan. Nagkaroon ng palitan ng produkto.

Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang mga tao.

Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na mga "burgis". Ang mataas na uri ng "bourgeoisie" ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero. Ang mga "bourgeoisie" ay naging gitnang uri at mababa ang pagtingin sa kanila ng panginoong pyudal dahil sila ay mga bagong yaman lamang.

Ang mga "serf" naman ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Dahil sa wala siyang pinag-aralan at itinuturing na walang alam.

Ang Kabalyero sa Sistemang Pyudal

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi