Ang Kampanya Para Sa Pagbabago
Maraming Salamat!!
Kung Bakit Nabigo ang Kilusan ng Reporma
Dito Na Nagtatapos ang Kabanata IX
- Nabigo ang kampanya para sa reporma
- Ipinasa ang Batas Maura noong 1893
- Apat na dahilan ng pagkabigo ng mga kilusan para sa Reporma 1)Abalang-abala ang Espanya para sa sarili nilang problema 2) Walang sapat na pondo para sa kampanya 3) Ang mga repormista mismo ay hindi nagkakaisa 4) Maraming maimpluwensyang kaibigan at tagasuporta sa Espanya ang mga prayle sa Pilipinas.
Si Marcelo H. Del Pilar
- Tinaguriang Pinakamagaling na mamamahayag sa purong lahi ng mga Pilipino
- Ipinanganak sa baryo ng Cupang sa Bulacan noong ika-30 ng Agosto, 1850
- Nag-aral sa Colo de San Jose na ngayon at Unibersidad ng Santo Tomas
- Nagtapos ng Abogasya noong 1880
- Itinatag niya ang Diariong Tagalog noong 1882
- Noong 1888 ipinaaresto ng mga prayle si Marcelo Del Pilar
- Naging Patnugot ng La Solaridad
- Sumulat ng La Soberania Monacal en Filipina at La Frailocracia
- Nagsulat sa wika ng masa at isinulat ang "Caiingat Cayo", "Dasalan at Tocsohan", Kadakilaan ng Dios", " Sagot ng Espanya sa Hibik Ng Pilipinas" at marami pang iba
- Namatay siya noong ika-4 ng Hulyo, 1896
Ang Kilisan Para Sa Reporma
Pagkaraan ng Sampung taon matapos bitayin ang tatlong Paring GomBurZa. Nagpatuloy ang pangaabuso ng mga espanyol sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pag-taas ng buwis ng kanilang sinisingil at hindi ito ikinatuwa ng mga mahihirap at ng maging ang mga mayayamang edukadong Pilipino. Kung kaya't nagtungo sila sa espanya upang doon magpatuloy ng pagaaral at bumuo ng kilusang propagandista tumagal ito sa 1882-1892 at sa ganitong paraan maari ng magkaroon ang Pilipinas ng kinatawan sa lehislatura ng Espanya na tinatawag na Cortes at ang Asimilasyon ang paraan nng mga Pilipino upang maging mamamayang Espanyol na matatamasa ang karapatan katulad ng isang purong Espanyol at sa ganong paraan matatawag ng Pilipino ang mga Indio
Ang Mga Samahang Maka-Pilipino
- Naniniwalang ang pagpunta sa Espanya at pakikipagkaibigan sa mga ito ay makakatulong sa pag reporma sa Pilipinas Espanyol man o Pilipino.
- 1882 inorganisa nila ang Circulo Hispano-Filipino(Samahan ng Espanyol at Filipino)
- Inilathala ang pahayagang Revista del Circulo Hispano-Filipino (Journal of the Spanish-Filipino Circle)
- Di nagtagal ay kusang namatay ang samahan at napaltan ng Asociacion Hispano-Filipina, na pinasinayaan noong 1889 at binuo din ito ng mga Filipino-Espanyol
- Ilan sa mga layunin ng samahan: 1)Pag-aalis ng diezmos prediales at ng sanctorum, 2)sapilitang pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng eskwelahan ng bansa 3)pagkakaroon ng mgaradikal na pagbabago sa Unibersidad ng Santo Tomas 4) pag-aalis ng paghagupit bilang parusa, 5) Pagtatatag ng bankong pang-agrikultura 6) reporma sa buwis
- Mas tumagal ang samahang ito kaysa sa Circulo ngunit hindi nabigyang pansin ng opisyal ng espanya ang mga problemang kolonyal.
Ang La Liga Filipina
- Bumalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892
- Hulyo 3, 1892 itinatag ang samahang La Liga Filipina
- Nahalal ang mga sumusunod na Opisyal: Ambrosio Salvador, Presidente; Agustin Dela Rosa, Piskal; Bonifacio Arelavo, ingat-yaman; at Deodato Arelano , kalihim
- Layunin ng samahan: 1) pag-isahin ang buong kapuluan bilang isang matatag na samahan, 2) pangalagaan ang bawat kasapi sa panahon ng pangangailangan, 3) isulong ang agrikultura, komersyo at edukasyon, 4)ipagtanggol ang mga kasapi laban sa anumang uri ng karahasan at kawalng-katarungan, at 5) pag-aralan at pairalin ang mga pag-babago
- Gugulin ang pondo ng samahan sa: 1) anak na lalaki na walang sapat na pondo upang makapag-aral 2) para suportahan ang mahihirap laban sa mayayaman at makapangyarihan 3) para matulungan ang sino mang kasapi na nawalan ng kabuhayan 4) para magbukas ng mga tindahan at pagawaan na magtitinda ng iba't-ibang bagay sa mga miyembro sa mababang halaga 5) makakuha ng makinarya na pangtulong sa industriya.
- Inisip ng mga espanyol na isang malaking balakid ang La Liga Filipina.
- Hulyo 6 ng gabi hinarang si Rizal sa Fort Santiago at nabuwag ang Liga, tinangka man itong buhayin ngunit hindi rin ito nagtagal.
Ang Papel Ng Masoneriya
Si Jose Rizal
Pinakamatalinong Pilipino sa kanyang panahon. Ipinanganak sa Calamba, Laguna noongika-19 ng Hunyo Nag-aral sa Ateneo at Nagpatuloy ng pag-aaral sa Europa ng medisina. Sa edad na 26 isinulat niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tanghere at di nagtagal ay isinulat naman niya ang El Felebusterismo. Sa pagbalik niya sa Pilipinas Itinatag niya ang La Liga Filipina ngunit pinagsuspetsyahan siya ng awtoridad at ipinatapon sa Dapitan at hinatulan ng hukuman na barilin hanggang sa mamatay. Binaril siya sa liwasan ng Bagumbayan noong ika-30 ng Disyembre, 1896
- Pagtatatag ng Revolucion sa Barcelona noong 1889 na natatangi lamang para sa mga Pilipino
- Noong 1890 isa pangsangay sa madrid ang itinatag, Ang La Solidaridad (Kaiba sa isang La Solidaridad)
- 1891 Nagtipon ang mga Pilipinong nang galing sa Espanya
- Layunin ng Organisasyon: 1)Magsikap para sa kalayaan at kaunlaran ng Pilipinas; 2) Magsikap para sa maayos na pamahalaan 3) hilingin na magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes sa Espanya; at 4) kilalanin ang mga repormistang Piliino sa Espanya.
Si Graciano Lopez Jaena
Isinilang sa Iloilo noong ika-18 ng Disyembre, 1856. Ang kanyang mga magulang ay sina Placido Lopez at Maria Jacobo Jaena. Nag-aral siya sa seminaryo ng Jaro sa kagustuhang maging isang Pari ngunit nagbago ang kanyang isip at piniling maging isang manggagamot. Si Graciano Lopez Jaena ay isang mapagmasid na tao at nakita niya ang mga kalupitan at kagahamanan ng mga Prayle at Opisyal ng Pamahalaan kung kaya't nagsulat siya ng isang mahabang kwento patungkol sa Prayle na nagngangalang Fray Botod at di nagtagal kinamuhian siya ng mga prayle. Tumakas siya at nagpuntang Maynila upang maiwasan ang kanilang mga kalupitan at ipagpatuloy ang pag-aaral ngunit ginipit naman siya ng mga awtoridad kaya napilitan siyang lihim na pumunta ng Europa noong 1880 at noong 1889 itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad at may mga layunin ang pahayangang ito; 1) labanan ang mga reaksiyon 2) pigilan ang lahat ng pagsisikap na panatilihing makaluma ang Pilipinas 3)isulong ang liberal na pag-iisip 4)itaguyod ang kaunlaran. Siya din ang nagtatanggol sa Pilipinas at nakikipagtalumpati sa mga Espanyol na bumabatikos sa Pilipinas kaya tinagurian siya bilang "Perlas ng Silangan" at sa isang pahagi ng kanyang talumpati tinawag niya ang Pilipinas bilang isang tumitibok na puso ng Espanya. Ipinahayag niya ang mga kahilingan ng mga Pilipinong repormista 1) Katawanin ang bansa sa Cortes ng Espanya 2) karapatang makaboto 3)kalayaan sa pagsasalita, pagtitipon-tipon, at pamamahayag 4) kahalagahan sa komersiyo 5) pagpapaalis sa mga prayle sa Pilipinas dahil sagabal sila sa kaunlaran 6) edukasyon ng mamamayan 7) Reporma sa mga kulungan sa bansa 8) Pag-aalis ng diezmos prediales o ang pagbibigay nga ikasampung bahagi ng kinita mula sa lupa. Namatay si Lopez Jaena sa matinding gutom at pagkakasakit at namatay sial siya sa BArcelona sa Espanya noong ika-20 ng Enero, 1896