Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Noli Me Tangere: Kabanata 46- Ang Sabungan

by: OJ Mirando & Chloe Jundez

Magandang Kaisipan

Buod

“Lumapit sila kay Lucas at inihyag ang kanilang pagsang-ayon sa kondisyon. Tinagubilinan sila ng huli na ang mga sandata ay paparating din kinabukasan, ang utos ay kanilang matatanggap sa ikawalo ng gabi nang ikalawang araw. Pagkatapos ng pakikipagkasundo ay naging abala na ang lahat sa labanan.”

"Duwag lamang ang nabibitay o ang walang salapi o walang tagapagtanggol."-Lucas

Ibig sabihin ay minsan hindi pantay ang hustisya kaya kailangang ipaglaban ang karapatan kahit ano pa ang maging kapalit.

Buod

Noong una ay hindi pumayag ang magkapatid sapagkat kilala nila si Ibarra at kadikit nito ang Kapitan Heneral. Ngunit pagkalipas ng ilang sandali, namataan nila si Pedro na binibigyan ni Lucas ng salapi kung kayat higit silang nanghinayang. Bandang huli ay hindi na rin nakatiis ang magkapatid sa tawag ng sugal. Lalo na at umiinit na ang labanan ng mga oras na iyon: ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiyago.

Buod

“Naiinggit naman ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sapagkat wala silang salapi upang makipusta. Lumapit sila kay Lucas upang manghiram ng salaping maipansusugal, ngunit nagbigay naman ang huli ng kundisyon. Ang kundisyon ay kung sasama sila sa paglusob sa kwartel, at kung sila ay makapag-aakay pa ng iba ay may mas malaki ang kwartang kanilang makukuha. Ayon din kay Lucas, hindi niya magagalaw ang perang inilaan para doon ni Ibarra kung kaya't ipauuutang lamang iyon kung sila ay papayag sa kasunduan. ”

Tauhan

Kapitan Basilio

Kapitan Pablo

Lucas

Tarsilo

Bruno

Buod

Ang Sabungan ng San Diego ay nahahati sa tatlong bahagi. Una ay ang papasok na pintuan, dito nakatayo ang mga sumisingil sa pumapasok sa sabungan. Pangalawa naman ay ang ulutan, kung saan may mga tindera. Katabi nito ang lugar kung saan nangyayari ang mga pustahan at bayaran. Ang huling bahagi ay ang ruweda, kung saan nakapwesto ang mga sultada at ang iba pang may mataas na katungkulan.

Talasalitaan

Buod

  • sultada- tawag sa bawat labanan ng manok
  • "Manonood ka ba ng sultada mamaya?"
  • sultador-tao na tagapagpamahala sa sultada
  • "Matalas ang mata ng sultador na 'yan."
  • sentensyador- humahatol
  • "Siya ang sentenstyador ngayon."
  • lasak-maagna; mabulok
  • "Lasak na 'yang manok na iyan."
  • llamado-pinapanigang mananalo at maraming pusta.
  • "Llamado na siya."

“Ng araw na iyon, ilan lamang sa naparoon sa sabungan sina Kapitan Tyago, Kapitan Basilio at Lucas. Dala ng tauhan ni Kapitan Tyago ang isang malaki at puting lasak na manok, samantalang kay Kapitan Basilio ay isang bulik na manok. Bago magsimula ang sabong at pustahan ay nagkumustahan muna ang magkaibigan. Pagkatapos ay nagkasundo sa pustahan sa halagang P3000.00. Naging matunog ang ginawang pustahan kayat nakipag-pustahan na rin ang iba pang mga sabungerong naroroon. Lumilitaw naman sa sabong na llamado ang puti at dehado ang pula”

design by Dóri Sirály for Prezi

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi