Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Panahon ng Amerikano

Panulaang Pilipino

Sa mga unang 30 taon hanggang 40 taon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga

makatang Pilipino ay napapangkat sa dalawa: nakatatanda at nakakabata.

Ang pangkat ng mga nakatatanda na aral sa Kastila ay kauna-unahang nagpapahalaga sa panitikang pandaigdig, na dumaloy sa bansa nang ika-dalawang daan taon. Kabilang sa pangkat na ito sina Lope K. Santos, Pedro Gatmaitan, at Inigo Regalado.

Sa hanay naman ng mga nakababata na kinabibilangan nina Jose Corazon de Jesus, Teodoro Gener, Ildefonso Santos, Cirio Panganiban, Aniceto Silvestro, at Amado Hernandez na bagaman nagsisulat sa Ingles, ay lalong nagkagiliw kay Balagtas dahil na rin sa natutuhan sa Ingles na romantisismo nina Byron, Keats, at Goethe pati na rin sa mga akda nina Dante, Shakespeare, at Milton.

Ngayong nalaman na natin ang dalawang pangkat noong panahon ng Amerikano, talakayin naman natin ang buhay ng ilang mga makatang Pilipino noong panahong ito.

Maikling Kasaysayan ng Pag-unlad

Florentino Collantes

Lope K. Santos (1879-1963

Jose Corazon de Jesus

Likas na sa kanya ang pagkamakata. Katunayan nya’y halos nabasa na niyang lahat ang awit at korido sa murang gulang pa lamang at mahusay na siyang duplero noong kanyang pagbibinata. Tulad ni Jose Corazon de Jesus, nakamit din niya ang karangalang “Hari ng Balagtasan”. Ang una niyang tulang naisulat ay inihandog niya sa kanyang iniibig na si Nen ngunit kay Sixta Tancio siya nakasal at nagkaroon ng 8 supling. Ilan pa sa kanyang mga tulang naisulat ay, Parangal sa Bagong Kasal, Ang Magsasaka, Ang Patumpik-tumpik, at Ang Lumang Simbahan.

Bagamat nagtapos siya ng Karunungang Bachiller En Artes sa Liceo de Manila, hindi siya nakaeksamen sa Korte Suprema sapagkat pumasok na siya sa Taliba kung saan nakahiligan niya ang pagsusulat. Nagkaroon man siya ng mga pagkatalo sa balagtasan, kinilala naman siya ng ilang panahon bilang “Hari ng Balagtasan”.

Siya ay kilalang makata, nobelista, manunulat, at peryodista. Lubos siyang dalubhasa sa wasto, maindayog, at mabisang paggamit ng wika. Katunayan nga’y kilala siya sa bansag na “Ama ng Balarilang Pilipino”. Ang kanyang mga akdang naghihimagsik at mapanuligsa ay nilagdaan niya ng mga sagisag na “Sekreta Gala at Verdugo”.

Ildefonso Santos

Amando V. Hernandez

Isinilang noong Enero 23, 1897 sa nayon ng Baritan, Malabon, Rizal. Isang pagkakataon lamang ang pagkatuklas sa kahusayan niya sa pagsulat ng tula. Ang tulang inialay niya sa babaing lihim niyang iniibig ay nabasa ng kanyang pinsang si Leonardo Diangson. Ito'y naglalathala ng pang-araw-araw na babasahing "Ang Mithi". Sa pagkakalathala ng naturang tula, hinangaan naman ng patunogt na si Inigo Ed Regalado. Doon nagsimula ang pagsulat niya ng maramin tula sa sagisag na "Ilaw Silangan". Tapos siya ng pagkaguro at naging kauna-unahang guro na Pilipino sa National Teachers College. Bago sumiklab ang digmaan, superbisor siya ng Wikang Pambansa.

Siya ay nagmula sa Tondo na kilalang batikang makata, mamamahayag, mandudula, nobelista, lider ng manggagawa, at isang pulitiko. Dalawampu’t limang ulit na siyang naging Makatang Laureado. Ang aklat niyang “Pilipinas” ay ginantimpalaan nang pinasinayan ang Pamahalaang Komonwelt. Ang tula niyang “Ang Bonifacio” at “Guro ng Lahi” ay nagbigay sa kanya ng pangalan at karangalan. Tinagurian si Amando bilang “Makata ng Manggagawa”. Bilang mamamahayag, naging patnugot siya ng magasing Sampaguita at pahayagang Pagkakaisa at Mabuhay. Naging kolumnista rin siya sa pahayag Taliba sa pitak na Sari-sari. Siya ay nahalal naming konsehal ng Unang Purok ng Maynila bilang pulitiko. Higit sa lahat, ang

kanyang mga tula’y nagkakaisa sa gamit ng sukat at

tugma.

Panahon ng Himagsikan at Propaganda

Dahil sa patuloy na pang-aapi at pang-aalipusta, nagising ang mga Pilipino sa

tunay na kalagayan ng bansa noon.

Ang mga berso, dalit at iba pang taludtod ay nag-iba ng hugis. Ang mga makata ay nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. Sa mga taludtod ng kanilang tula ay sumisigaw ang damdaming nasyonalismo.

Ang pagkakagarote sa tatlong paring martir, Padre Gomez, Burgos at Zamora at ang pagpapatapon ng ilang Pilipino ay hindi naging hadlang upang pawiin ang nag-aalab na damdamin ng mga Pilipinong nais nang lumaya.

Ang nanguna sa mga makabayang Pilipino na sumulat ng mga akdang patula ay sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar gayundin si Andres Bonifacio. Ang paksang pagtuligsa at paglaban sa mga Kastila ay natunghayan din sa mga akda nina Padre Jose Burgos, Pedro Paterno, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Antonio Luna at Jose Palma, ngunit karamihan sa mga ito ay nasa anyong tuluyan.

Andres Bonifacio

Bagamat hindi gaanong mataas ang inabot sa pag-aaral ni Andres Bonifacio marami siyang naisulat na akdang pampanitikan dahil sa pagiging palabasa ng mga aklat. May Pag-asa ang ginamit niyang sagisang sa panulat.

Narito ang ilang piling saknong ng isa sa mga akda ni Andres Bonifacio.

Pag-ibig sa Tinubuang Bayan

Dr. Jose Rizal

Nagsimulang sumulat si Dr. Jose Rizal sa wikang Kastila. Sa taglay niyang mga karanasan, pag-aaral at pagiging palabasa, sumulat siya ng mga nobelang naghayag ng kamangmangan, pagmamalupit at kasakiman ng karamihang mga Kastilang naninirahan sa Pilipinas at binatikos ang kahinaan at kahangalan ng kanyang mga kababayan.

Maraming naisulat na tula si Rizal. Isa na rito ay ang “Mi Ultimo Adios”. Ito ay kauna-unahang isinalin sa Tagalog ni Andres Bonifacio at binigyan niya ng pamagat na Pahimakas ni Dr. Jose Rizal. Sinulat ni Rizal ito habang nakakulong siya sa Fort Santiago.

Samantala, sa tulang “Katapusang Hibig ng Pilipinas”, ipinagpatuloy ni Andres Bonifacio ang diwang sinimulan ni Herminigildo Flores sa “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya”.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya

Sa pagkadalisay at pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa Tinubuang lupa?

Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Pagpupuring lubos ang palaging hangad

Sa bayan ng taong may dangal na ingat,

Umawit, tumula, kumanta't sumulat,

Kalakhan din niya'y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog

Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,

Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod,

Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot.

Bakit? Alin ito na sakdal ng laki,

Na hinahandugan ng buong pagkasi,

Na sa lalong mahal nakapangyayari,

At ginugulan ng buhay na iwi?

Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan:

Siya'y ina't tangi sa kinamulatan

Ng kawili-wiling liwanang ng araw

Na nagbigay-init sa buong katawan.

Kung ang bayang ito'y masasa-panganib

At siya ay dapat na ipagtangkilik,

Ang anak, asawa, magulang, kapatid;

Isang tawag niya'y tatalikdang pilit.

Pati ng magdusa'y sampung kamatayan

Wari ay masarap kung dahil sa bayan

At lalong mahirap. Oh, himalang bagay!

Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay.

Sa aba ng abang mawalay sa bayan!

Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay,

Walang alaala't inaasa-asam

Kundi ang makita'y lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak

Ng kahoy ng buhay na nilanta't sukat,

Ng bala-balaki't makapal na hirap,

Muling manariwa't sa baya'y lumiyag.

Hayo na nga, hayo, kayong nagabuhay

Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan

At walang tinamo kundi kapaitan,

Hayo na't ibangon ang naabang bayan.

Ipahandug-handog ang buong pag-ibig

At hanggang may dugo'y ubusing itigis;

kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid,

Ito'y kapalaran at tunay na langit!

Pahimakas ni Dr. Jose Rizal

Marcelo H. Del Pilar

Isa sa mga masugid na propagandista si Marcelo H. del Pilar. Kinilala siya sa mga sagisag na: Plaridel, Pupdoh, Dolores Manapat at Piping Dilat. Nakapag-aral siya sa kolehiyo at nakatapos bilang manananggol noong 1880. Itinatag niya ang “Diariong Tagalog” na naging tahanan ng mga akdang nanunuligsa sa pamahalaang kastila at mga puna’t pasaring sa mga prayle.

Isa sa maipagkakapuring akdang patula ni Del Pilar ang “Sagot ng Pilipinas sa Hibik ng Espanya”. Isang tula ito ni Del Pilar na tugon sat la ni Herminigildo Flores. Ang hangad sa tulang ito ay paghingi ng mga reporma ngunit nagsasabing ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magbigay ng anumang tulong sa Pilipinas.

Narito ang ilang bahagi ng tulang “Sagot ng Espanya sa Hibik ng

Pilipinas”

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw,

mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig

ang iwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatid

magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong

sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon

doon ay bayaan humuning hinahon

at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

ula'y pasingawin noong kainitan,

magbalik sa langit ng boong dalisay

kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotang giliw

tangisang maagang sa buhay pagkitil;

kung tungkol sa akin ay may manalangin

idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,

mangagatiis hirap na walang kapantay;

mga ina naming walang kapalaran

na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga bao't pinapangulila,

ang mga bilanggong nagsisipagdusa;

dalanginin namang kanilang makita

ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung an madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga't

tanging mga patay ang nangaglalamay,

huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;

kaipala'y maringig doon ang taginting,

tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,

ako, Bayan yao't kita'y aawitin.

Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat

at wala ng kurus at batang mabakas,

bayaang linangin ng taong masipag,

lupa'y asarolin at kauyang ikalat.

At mga buto ko ay bago matunaw

maowi sa wala at kusang maparam,

alabok ng iyong latag ay bayaang

siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magka gayon na'y aalintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin

pagka't himpapawid at ang panganorin

mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dingig mo,

ilaw, mga kulay, masamyong pabango,

ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,

pag asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,

Katagalugang ko pinakaliliyag,

dinggin mo ang aking pagpapahimakas;

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,

walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo'y di nakasasalot,

si Bathala lamang dooy haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid

kapilas ng aking kaluluwa't dibdib

mga kaibigan bata pang maliit

sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasasalamat at napahinga rin,

paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw;

mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

Puso co'y nahambal ng aquing marinig,

bunso, ang taghoy mo't mapighating hibic;

wala ca, anac cong sariling hinagpis

na hindi caramay ng ina mong ibig.

Walang cang dalita, wala cang cahirapan

na tinitiis cong di co dinaramdam

ang buhay mo'y bunga niring pagmamahal,

ang cadustaan mo'y acquing cadustaan.

Ang lahat ng ito'y ninanais sana

ng malacquiang lunas ng sinta mong ina;

ngunit aanhin mo, ' ngayoy' matanda na

hapo na sa hirapaco't ualang caya.

Ito na nga lamang ang maisasagot

nang salantang ina sa hibic mo, irog;

sasaquian mo'y guipo, buag matutulog

ang mga anac mo't may sigua sa laot...

Faryle'y manalalaban, nguni alin caya

sa galit na bayan ang maguiging cuta;

ay payapang dagat, pag siayng nagbala

ay ualang bayaning macasa-sansala...

Panahon ng Hapon

Panahon ng Kastila

Bagama't maikling panahon lamang tayo napailalim sa pamamahala ng mga Hapones, nagdulot naman ito ng magandang bunga sa larangan ng panulaan.

2. Maiikli ngunit malaman ang kaisipan

1. Lumabas ang malayang - taludturan o free verse

3. Kasabay na lumabas ang "haikku" ng Hapon sa pagbuhay muli sa tanaga na tulain na lumipas na panahon

Ang mga nasa ibabay mga tanaga ni Idelfonso Santos na lumabas sa Liwayway, Abril 10, 1943 na nagpapagunita noong unang panahon

Pagkatapos ng panahong prekolonyal, dumating ang isang makapangyarihang mananakop at ito ay ang mga kastila (1565 – 1898). Ang layunin nila ay palaganapin ang katolisismo at ang kanilang imperyalismo sa ngalan ng krus at espada.

Sa panahong ito, nanatili pa rin ang mga uri ng tula noong panahon ng prekolonyal. Ang himig ng tula ay naging makarelihiyon na nagtuturo ng pagkilala at pagsamba sa Diyos, Santo at Santa at kay Kristo.

Lumaganap ang tinawag na Ladino, taong nagsasalita ng magkasamang wikang Kastila at Tagalog. Dito nakilala si Tomas Pinpin, Ama ng Palimbagang Pilipino. Siya rin ay mahilig sumulat ng mga berso. Silang dalawa ni Fernando Bagonbanta ay kilala bilang Ladino.

Si Jose dela Cruz ay ang guro ni Francisco Balagtas sa pagsulat ng tula subalit ibinigay kay Francisco Balagtas ang karangalang maging Ama ng Panulaang Pilipino. Siya ay manunulat ng awit at korido. Ang kinikilalang obra-maestra niya ay ang Florante at Laura.

1. Kabibi

Kabibi, ano ka ba?

may perlas, maganda ka,

Kung idiit sa tainga

Nagbubuntung-hininga

2. Tag-init

Alipatong lumapag

Sa lupa-nagkabitak

Sa kahoy nalugayak

Sa puso -naglalagablab

Ang mga tulang may malayang taludturan na kauri ng "Ako ang Daigdig" ni Alejandro Abadilla (Isang Kritiko) ay hindi ipinalalagay na tula ng mga makatang tradisyunal. Ang mga ganitong may paghihimagsik sa anyo ay hindi maluwag na napagbibigyan sa dahon ng Liwayway nang bago magkadigma. Subalit sa panahon ng digma, nagbago ang kalagayan. Naging panahon ito ng eksperimentasyon sa dula at naghuhudyat ng mga pagpasok ng mga tulan malaya

Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang awit.

Ang awit na ito ang naging bunga ng

kasawian ni Kiko sa pag-ibig kay Maria Asuncion

Rivera na tinatawag niyang Selya. Nakulong si

Kiko dahil sa maling paratang ni Mariano Capule, karibal niya sa puso ni Selya.

Ang Florante at Laura ay binubuo ng tatlong bahagi. Ang una ay ang paghahandog kay Selya. Ang pangalawa ay ang paghingi ng paumanhin

sa mambabasa at ang

pangatlo

ay ang tulang pasalaysay.

Panahon ng Pre-Kolonyal

Mga uri ng tulang pangbigkas

B. Awiting Bayan

A. Panugmaang Bayan

– Ito ang nagalalarawan ng uri ng pamumuhay ang ating mga

ninuno. Mayaman ito sa kaugalian

at tradisyon. May sukat at tugma na kinapapalooban ng iba’t-ibang damdamin at may maririkit na salita.

2. Tugmaang matatalinhaga – Isang maiksing tula na may sukat, tugma may malalim na

paksa at humahasa ng kaisipan. Ito’y karaniwang nangangaral, magpaalala at magbigay ng babala.

Hal.

a. Bugtong

b. Kawikaan o kasabihan

c. Salawikain

1. Tugmaang Bata – Isang maiksing tula at walang diwa. Karaniwang ginagamit ng mga bata tuwing napipikon o kaya ginagamit ng kanilang mga ina sa nagmamaktol na anak.

Hal.

Ulan-ulan pantay kawayan

Bagyo-bagyo pantay kabayo

5. Kundiman – Ito ay ang awit sa pag-ibig. Noong unang panahon ay inaawit ito ng mga binata sa mga dalaga. Kapag sila ay binigo ng dalaga ay malungkot ang tono at pag may pag-asa naman ang binata ay masaya itong kinakanta ng binata. Pwede rin itong kantahin sa magulang, anak, kapatid at kaibigan. Sa Bisaya, kilala ito bilang Balitaw, sa Ilokano ay Pamulinawen at Uso naman sa mga negrito.

1. Uyayi o hele – Ito ay kinakanta upang mapatulog ang mga bata. Ito’y malambing ang tono upang makatulong sa pagpapatulog ng bata. Oyaye ang tawag sa liriko samantalang hele ay ang pag-ugoy sa duyan.

2. Soliranin – Awit sa pamamangka o paggaod.

4. Diona – Awit sa kasal at mahina ang pag-awit dito habang ginaganap ang

seremonya.

3. Kalusan – Ito ay awit ng sama-samang paggawa. Maaaring awitin bago o pagkatapos gumawa. Pwede ring awitin habang

gumagawa.

3. Tugmang ganap na tula – Itoy’s nabibilang sa tanaga ng katagalugan at ambahan ng mga taga-Mindoro. Gumagamit ng maririkit na salita , may sukat, tugma, talinhaga at kaisipan.

Hal.

Ang tubig na malalim

Malilirip kung libdiw

Itong birheng magaling

Maliug paghanapin

7. Dalit – awit para sa mga anito, pagsamba at paggalang ang himig nito.

8. Dung-aw – Awit sa patay bilang pagdadalamhati at maaaring purihin ito sa mga nagawa noong nabubuhay pa.

6. Kumintang o Tikam Hiliraw o Tagumpay – Awit ng pakikidigma. Inaawit ito bago o pagkatapos ng pakikipaglaban.

10. Ditso – Awit mula sa mga kabataang naglalaro sa lansangan.

9. Umbay – Awit ng nangungulila dahil sa kawalan ng magulang.

C. Epiko

Bago pa man dumating ang mga kastila sa ating bansa ay marunong na tayong sumulat ng ating tula. Ang ating mga ninuno noon ay ginagawa itong libangan at dito nila ibinubuhos ang kanilang mga guniguni.

– Tinatawag din itong tulang pasalaysay. Napaloob dito ang kabayanihan ng pangunahing tauhan at ang kultura ng isang lalawigan kung saan nanggaling ang epiko.

Hal.

Lam-ang – Ilocos

Handiong – Bicol

Hudhud at Alim – Ifugao

Hinilawod – Bisaya

Bantugan – Maranaw

Indarapatra at Sulayman - Maguinidanao

Panahon ng Kalayaan

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaan Pandaigdigan , Itinata ang ikatlong Republika ng Pilipinas. Sa panahon ni Pangulo Manuel A. Roxas nagkaroon ng maraming suliranin ang pamahalaan dulot ng nakaraang digmaan. Pangnahingproblema nito ay ang muling pagtatag ng kabuhayang pambansa at panunumbalik ng katahimikan at kaayusan ng bansa.

Kung naging popular si Carlos P. Garcia sa kanyang patakarang “Pilipino Muna”, at reporma sa lupa naman kay Diosdado Macapagal sa panahon ng kanilang pagkapangulo, ang pamahalaan ay di rin nakaligtas sa mga pagtuligsa g mga mamamahayag agkat patuly ang pagbaba ng piso.

Ang pagkahalal ni Ferdinand E. Marcos noong 1965 ay hind lumagot sa tanikala ng mga “mayroon” sa pagsasamantala sa mga wala. Naragdagan pa lalo ang suliranin ng nakaraang administrasyon sa panahon ng dating pangulong Ferdinan Marcos

Panahon ng Bagong Lipunan

Isa sa layunin nito ay ang magkaroon ng regular na porum upang magkatulungan sa mga suliranin sa pagsulat at ibalik ang panlaan sa puso at tangkilik ng sambayanan.

Gayundin, dalawang antolohiya ng tula ang lumabas. Ang “Kagilas-gilas na Pakikipagsapalaran ni Juan Dela Cruz” ni Jose Lacaba at ang “Doktrinang Anakpawis” ni Virgilio Almario. Ang akda ni Lacaba ay mga tulang katawa-tawa, mapang-uyam at mapanukso samantalang ang kay Almario naman ay tungkol sa pagpuri sa mga manggagawa, magsasaka, mga walang hanapbuhay at mga kapuspalad na nilikha. Sa panahon ding ito (1975) nailimbag ang bagong edisyon ng Paranasong Tagalog isang katipunan ng mga tula ni Alejandro Abadilla.

Nagpatuloy pa rin sa pagpaparangal ang Palanca Memorial Awards sa mga natatanging tula ng taon.

Paano nakaapekto sa panulat ng mga Pilipino ang pagtatadhana ng mga batas ukol sa “kalayaan sa pagsulat” sa panahon ng Bagong Lipunan?

Samantala, ang Galian sa Arte at Tula (GAT) ay itinatag ng isang pangkat ng mga kabataan noong unang sabado ng Agosto, 1973. Ang kanilang hangarin ay upang ipagpatuloy ang kanilang komitment sa panitikang makabayan; upang ipag-ibayo ang panulaang Pilipino at ilapit ito sa mga mamamayang Pilipino.

Karamihan sa mga miyembro ng pangkat na ito kundi man lahat ay nagtapos sa Pamantasan ng Pilipinas. Ang iba’y nagtuturo naman pagkatapos sa Pamantasan ng Pilipinas sa mismong Pamantansan sa hangaring maibahagi ang kanilang talino o kaalaman sa mga mag-aaral na may potensyal sa sining na ito. Bawat isa ay may ideyang nasyonalismo at layuning makabayan. Lahat ng gawa nila ay pawing nasesentro sa pang-araw-araw o tipikal na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino na nagbibigay-aral at inspirasyon.

Mga Uri ng Tula

Malaya nga ang mga manunulat na pumaksa ng mga pangyayaring panlipunan, ngunit wala ang tuwirang panunuligsa sa batas militar, kung ano ang epekto nito sa mga karapatang pantao, sa kalayaan, sa integridad at kalayaan ng bansa. Mababasa lamang ang mga ito sa mga underground na publikasyon o mga babasahin sa labas. Kung mayroon man sa mga lihitimong manunulat ang nagtangkang sumulat ng gayong mga paksa ay malamang na nagkaroon din ng takot at pangamba kaya nagpatianod na lamang sa “kalayaan ng panulat” na binabanggit ng Kagawaran ng Pabatirang Madla.

Hindi na maapoy at mapanuligsa ang mga inakdang tula sa Panahon ng Batas Militar, lalong kilala sa tawag na panahon ng bagong Lipunan. Maging ang mga maanghang na pananalita ay parang mga bulang naglaho kasama ng mga kabataang makata sa panahon ng aktibismo. Bagama’t ang mga makatang ito ay nagsipagpahinga muna, may mangilan-ngilan din ang nagpatuloy sa pagsulat ngunit kapansin-pansin na binago nila ang kanilang paksa at istilo.

Mabibilang sa mga makatang ito sina C.C. Marquez, Aurelio Angeles, Lamberto Antonio, Mar Al. Tiburcio, Elynia Ruth Mabanglo, Ponciano BP. Pineda at Jesus Manuel ng Galian sa Arte at Tula (GAT).

Maitatangi sa mga nagsisulat sa panahong ito si Gloria Villaraza – Guzman na pinagkalooban ng Dakilang Gantimpala sa ika-10 anibersaryo ng Cultural Center of the Philippines dahil sa kanyang tulang-epikong Handog ng Kalayaan. Ang tulang ito ay tungkol sa pakikihamok ng mga katutubo laban sa modernisasyong tiyak na papawi sa kanilang pinananahan, na siya rin namang tinahanan ng kanilang mga ninuno. Kapansin-pansin dito ang pagtalakay niya sa nagging epekto ng pagbubukas ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.

Tulang pasalaysay

– nagsasaad ng mga mahahalagang pangyayari na may tauhan, tagpuan at banghay. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:

Tulang Liriko

- pumapaksa sa mga damdamin tulad ng kalungkutan at kasiyahan. Ang mga uring ito ay ang mga sumusunod:

Panulaang Pilipino

Mga Uri, Sangkap at Katangian

1. Dalit

-nagpaparangal

sa Maykapal

2. Soneto

– may pamalagiang kaanyuan, binubo ng labing apat na taludtod at nagsasaad ng aral sa buhay.

3. Elehiya

- nagpapahayag ng pagninilay sanhi ng pangyayari o guniguni hinggil sa kamatayan,. Isang tulang nagpaparangal sa alaala ng namatay.

2. Awit at Korido

- nagsasalaysay ng kagitingan, pagkamaginoo, at pakikipagsapalaran ng mga prinsesa ng mga kaharian: ang mga kabalyerong mandirigmasa layuning mapalaganap sa Kristiyanismo.

• Awit – may sukat na 12 pantig sa isang taludtod

• Korido – may 8 pantig sa bawat talutod

1. Epiko

- inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran, at sukatan sa buhay na hindi kapani-paniwala sapagkat may kababalaghan

5. Awit

– Inaawit sa pagpapahayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya at iba pa.

4. Oda

- nagpaparangal o pumupuri sa isang dakilang gawain ng isang tao.

Tulang Patnigan

– karaniwan ng nangangatwiran, nanghihikayat at nagbibigay- linaw tungkol sa isang paksa.

Halimbawa: Karagatan, duplo, balagtasan at batutian

• Sa mga Ilocano ang tawag nito ay Bukanegan. Nagmula ang salitang ito sa pangalanag Pedro Bukaneg na siyang Ama ng Panitikang Ilokano.

• Kahalintulad naman nito ng Crisotan ng kapampangan na sinunod sa pangalan na Jose Crisostomo Soto na siyang kinikilalang Ama ng Panitikang Kapampangan.

Mga sangkap ng tula

Panahon ng Kontemporaryo

 Paksa o kaisipang taglay ng tula

– mga nabubuong kaalaman, mensahe, pananaw at saloobin nito.

 Tugma

– pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng taludtod. Sukat ay bilang ng saknong, taludtod at pantig ng tula. Maaaring ito ay walo, sampu, labindalawa at labingapat.

 Talinghaga

– kung napapagalaw ng husto ang guniguni ng bumabasa bungad ng pagtataka at pagtatanong, masasabing ang tula ay nagtataglay nito.

 Sukat

– bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tradisyunal na anyo ng tula, maaaring ang sukat ay 12:6-6, 17:7-7, 16:8-8. Ang cesura sa tula ay panandaliang paghinto kapag binibigkas ang tula. Kapag labindalawa ng sukat, ang cesura ay nasa ikaanim na pantig; kapag labing-apat, ang cesura ay nasa ikapitong pantig.

Patuloy sa kanyang dakilang kaganapan ang mga makabagong tulang tagalog sa panahon ng Bagong Demokrasya. Nagkaroon na ng malawak na pananaw at kamalayang panlipunan ang mga makatang isinisigaw ng panahong ito. Naranasan na nila ang makilahok sa mga nagaganap sa paligid na naging dahilan upang maimpluwensiyahan ang kanilang mga tulang inaakda.

Dahil sa bagong kalakarang nais palutangin, ang mga tula sa panahong ito ay naging mapaghimagsik laban sa porma at alituntunin, gayundin sa mga nakatatak ng paniniwala at pamamaraan.

Kapansin-pansin na ang karamihan sa mga tulang ito ay wala nang lambing na dulot ng mga piling salita, tugma at bilang ng pantig. Naging Malaya na ang taludturan na siyang kinahumalingan hindi lamang ng mga makata kundi maging ng mga mambabasa.

Gayunpaman, kahit na ganito pa rin ang nangyayari, patuloy pa rin sila sa paghahanap ng mga paraan upang lalong mapaunlad ang panulaang tagalog. Ito ay batay lamang sa iisang dahilan – para sa ating mga makata sa panahong ito ng sining ng panulaan tulad sa isang bukal na patuloy titighaw sa nauuhaw na diwa ng mga Pilipino sa mga akda o tulang tunay na maglalarawan ng kanilang mga simulain, paniniwala, kaugalian at katangian.

 Aliw-iw

- taglay ito ng tula kung maindayog ang pagbigkas lalo pa’t ito’y nasa tradisyonal na pagkakasulat.

 Tono

– damdaming nakapaloob sa tula. Ito ay kinapapalooban ng iba’t ibang damdamin tulad ng kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala at iba pa. Ang tula ay maaari rin namang nangangaral, nanghihikayat, nang-aaliw, o nagtuturo.

 Imahen o larawang diwa – mayroon nito ang tula kung may nabubuo sa guniguni mambabasa na isang tao, pook, sitwasyon o pangyayari.

 Persona

– siya ang nagsasalita sa tula.

Nakilala sa panahong ito ang mga makatang sina Teo Antonio, Cresenciano C. Marquez Jr., Virgilio Almario, gayundin sina Tomas Agulto, Fidel Rillo, Lamberto Antonio, Alfredo Salanga, Mike Bigornia at iba pa. Ang halimbawa ng isang tulang mula sa isang kabataang makata na hinubog ng makabagong panahon, si Teo T. Antonio ay ang kanyang “Babang Luksa”, isang mapangahas na tula na tumalakay sa mga kaganapan bago ang EDSA Revolution, na nagwagi ng unang puwesto sa timpalak ng Palanca para sa tula ng taon, 1985-1986.

Bagamat masasabing ang tula ay kusang paglihis sa nakagawian na nating anyo o porma ng tula, na may sukat at tugma, hindi naman nawala ang taginting at timyas ng diwa sapagkat naipahayag ng may akda ang kanyang puso at kaluluwa, isang damdaming nag-ugat na sa kanya dahil na rin sa mga karanasan niya.

Marami pang mga tula na may ganitong paksa ang naisulat at nagbigay ng inspirasyon sa ating mga makata upang muling humabi ng mga tula na magbibigay ng lugod sa mga tagatangkilik ng anyong ito ng panitikan.

Sa panig ng mga kababaihang makata, maibubukod natin ang mga pangalan nina Teresita Capili-Sayo, isang pamalagiang mamimitak sa Liwayway, Gloria Villaraza-Guzman, isang premyadong makata ng CCP at Ruth Elynia Mabanglo, isang propesora at paham sa wika na nagkamit na rin ng kung ilan Gawad Palanca sa iba’t ibang larangan ng panitikan.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi