Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sa larangan ng sining, malaki ang bahagi ng sinaunang sibilisasyon ng India. Sa bandang huli, patuloy ang impluwensiya ng mga estilong dayuhan sa sining ng Timog-silangang Asya.
Inspirasyon ng rehiyon ang arkitektura ng Budismo at Hinduismo. Matatagpuan sa rehiyon ang maraming templo at pagoda. Ang ilang sinaunang estruktura ay yari sa bato. Ang mga bibihirang bato at tisa ay inilaan sa mga estrukturang para sa Diyos. Karamihan sa mga gusali ay yari sa kahoy.
Kumalat ang Budismo sa rehiyon noong mga 400BCE. Ang karamihan ng mga tagasunod ay mula sa IndoTsina.
Naggagandahang batik naman ang makikita sa Indonesia at Malaysia.
Ang Myanmar at Vietnam ay nakilala sa kanilang lacquer ware.
Mga tela mula sa piña ang ipinagmamalaki ng Pilipinas.
Sa Malay Peninsula naman matatagpuan ang karamihan sa mga yumakap sa Islam. Dala ito ng mga mangangalakal ng Muslim.
Karamihan sa mga tao sa Pilipinas ay mga Roman Katoliko na napapasailalim sa Espanya sa loob ng mahigit tatlong daang taon.
Sa ilang bulubunduking lugar, sinusunod nila ang tradisyonal na relihiyon batay sa animismo.
Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay mula sa Tsino. Kaya sila sumusunod sa Confucianismo o Taoismo.