Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Kabanata 44 : Pagsusuri sa Budhi

BUOD

Nabinat si Maria Clara nang siya'y nangumpisal at naging sanhi ito ng matagal niyang pagkasakit. Lagi niyang tinatawag ang pangalan ng inang hindi nakilala.

Napag-usapan nila ang paglipat ni Padre Damaso sa Tayabas. Nag-aalala sila sa magiging reaksiyon ni Maria Clara dahil parang tunay na ama ang turing sa ninong niya sa binyag.

Wala nang bibisa pa sa ginhawang naibibigay ng pangungumpisal.

Bilang paghahanda sa pamangkin sa pangungumpisal, marahan at isa-sang binasa ni Tiya Isabel ang Sampung Utos. Nagtirik din siya ng kandilang malaki para sa Mahal na Birhen ng Antipolo.

Sa kabila ng panghihina ay palihim pa ring nakibalita si Maria Clara tungkol kay Ibarra. Ayon kay Sinang, ang binata ay abala sa paglakad na mapatawad sa kanyang pagiging excomunicado.

Matagal ang naging pangungumpisal ni Maria Clara nang gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang kura sa mga ikinukumpisal ng dalaga, ang inaatupag nito'y pagbasa sa isipan ng dalaga.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi