Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Dole et al.(1991) ang mga baguhang mambabasa ay nakapagtatamo ng isang set ng hirarkiyang nakaayos ng mga kasanayan na sekwensyal na nalilinang tungo sa kakayahang umunawa, at matapos matutuhan ang mga kasanayang ito ay maituturing na silang eksperto na nakauunawa ng anumang kanilang babasahin.

Ang mga mambabasa ay pasibong tagatanggap ng mga impormasyon sa teksto. Ang kahulugan ay nasa teksto at ang mambabasa ay kailangang lumikha ng pagpapakahulugan.

Nunan (1991),

ang pagbasa sa pananaw na ito ay pagdedekoda ng isang serye ng nakasulat na simbolo sa katumbas na awral sa paghahanap sa kahulugan ng teksto. Tinawag niya itong prosesong 'bottom up'.

McCarthy (1999)

'outside-in', tumutukoy sa ideya na ang kahulugan ay nasa nakalibag na pahina at binibigyang-interpretasyon ng mambabasa.

Ang modelo ito ng pagbasa ay lagi nang tinutuligsa dahil sa defektibo o kahinaan nito at nakapokus lamang ito sa pormal na katangian ng wika, mga salita at estraktura.

Kahit na nga maaring matanggap ang ganitong pagtuligsa ay mapapansin ang higit na pagtuon sa estraktura ng ganitong pananaw, kung tutuusin ang kaalaman sa linggwistikong katangian ay mahalaga din sa pag-unawa. Ang pagtutol sa anyo ng tradisyonal na pananaw ng pagbasa ay nagsilbing daan sa paglitaw ng kognitibong pananaw.

Ang modelong 'top-down' ay isang tuwirang kabaligtaran ng modelong 'bottom-up'.

Nunan (1991), Dubin, at Bycina (1991)

ang saykolonggwistikong modelo ng pagbasa at ang modelong top-down ay nasa angkop at wastong kaayusan.

Goodman (1967; nasa Paran, 1996)

binigyang-katuturan bilang psycholinguistic guessing game, isang proseso kung saan ang mambabasa ay umuunawa ng teksto, gumagawa ng mga haypoteses, sumasang-ayon at di sumasang-ayon, muling gumagawa ng bagong hipoteses, at iba pa.

Ang teoryang Iskema ay nakabatay sa kognitibong pananaw sa pagbasa.

Rumelhart (1977)

ang iskemata bilang "building blocks of cognition" na ginagamit sa proseso ng pagbibigay-interpretasyon sa mga datos, sa pagkuha ng mga impormasyon mula sa alaala, sa pag-oorganisa ng mga layunin, sa paggamit ng mga resorses, at sa pamamatnubay sa daloy ng proseso.

Binanggit din ni Rumelhart na kung kulang ang ating iskema at hindi nagbibibigay ng sapat na pag-unawa sa mga parating na datos mula sa teksto ay magkakaroon tayo ng suliranin sa proseso at pag-unawa sa teksto.

Ang kognitibong pananaw sa pag-unawa sa pagbasa ay nagbibigay-tuon sa interaktibong kalikasan ng pagbasa at konstruktibong kalikasan ng pag-unawa.

Dole et al. (1991)

bukod sa kaalaman sa proseso ng pagbasa, isang set ng fleksibol, naaangkop na istratehiya ay magagamit upang mabigyang-kahulugan ang isang teksto at mamonitor ang nagaganap na pag-unawa.

Hindi na suliranin sa ngayon na tanggapin ang impluwensiya ng dating kaalaman ng mga mambabasa sa unang wika at ikalawang wika. May mga pananaliksik na nagpapaliwanag sa kontroladong mambabasa sa kanilang kakayahang umunawa sa isang teksto. Ito ay ang metakognisyon.

Kaugnay sa metakognisyon ang pag-iisip ukol sa gawaing isinasagawa ng mambabasa habang nagbabasa.

Klein (1991)

ang istratehikong mambabasa ay nagtatangkang gawin ang sumusunod:

Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa bago gawin ang mismong akto ng pagbabasa

Pagtukoy sa anyo o tipo ng teksto bago bumasa

Pag-iisip sa pangkalahatang karakter at katangian ng anyo o tipo ng teksto

Pagtitiyak sa layunin ng awtor sa pagsulat habang nagbabasa

Pamimili, pag-iiskan, detalyadong pagbabasa

Paggawa ng tuluy-tuloy na panghuhula sa kung ano ang maaaring maganap, batay sa mga impormasyong nakuha sa simula, dating kaalaman, at nakuhang kongkulsyon sa mga naunang yugto.

Bukod dito, tinatangka nilang bumuo ng isang paglalagom sa nabasa. Sa pagsasagawa sa mga naunang yugto ang mga mambabasa ay:

  • nakapag-uuri-uri
  • nakapagsunud-sunod
  • nakalilikha ng pagkakaugnay ng kabuuan sa mga bahagi
  • nakapaghahambing at kontrast
  • nakatutukoy ng sanhi at bunga
  • nakapaglalagom
  • nakakabuo ng mga haypotesis
  • nakapaghuhula
  • at paghihinuha at nakagagawa ng kongklusyon

Presentasyon sa Filipino

Mga Teorya sa Pagbasa

Tapos na :)

Maraming Salamat

Kognitibong Pananaw

Block (1992)

"whether reading is a bottom-up, language-based process or a top-down knowledge-based process"

Dole et al.(1991)

ang mga baguhang mambabasa ay nakapagtatamo ng isang set ng hirarkiyang nakaayos ng mga kasanayan na sekwensyal na nalilinang tungo sa kakayahang umunawa, at matapos matutuhan ang mga kasanayang ito ay maituturing na silang eksperto na nakauunawa ng anumang kanilang babasahin.

Metakognitibong Pananaw

Tradisyonal na Pananaw

ginawa at pinaghirapan ni: Karl Brando V. Ponce =)

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi