Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

GOAL!

DISTRIBUSYON NG MGA RESPONDENTE AYON SA EDAD

EDAD DALAS PORSYENTO

15 0 0%

16 1 10%

17 2 20%

18 2 20%

19 5 50%

Kabuuan 10 100%

EPEKTO NG MAAGANG PAGBUBUNTIS SA PAG-AARAL

DALAS PORSYENTO

Oo Hindi Oo Hindi

1. Naiinspara ka ba sa iyong pag-aaral? 9 1 90% 10%

2. Nakakaranas ka ba ng diskriminasyon

sa paaralan? 8 2 80% 20%

3. Nahihirapan ka ba sa iyong pag-aaral

habang nagbubuntis ka?

4. Naisip mo ba na gusto mong ipalaglag

ang bata?

KABANATA III

Paraan ng Pananaliksik

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang palarawang pananaliksik ay gumagamit ng survey questionnaire o talatanugan sa pagkuha ng iba’t ibang datos. Para sa mga mananaliksik, ang disenyong ito ang pinaka angkop na gamitin para sa pag-aaral ng kanilang paksa dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa maraming mga respondente. Ito ay isang paraan n kwantitatibong deskripsyon kung saan inaalam ang kondisyon sa grupo ng usaping pinili para sa pag-aaral.

RESPONDENTE

Ang naturang sarbey ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon at tagatugon na kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

a.) Mga kababaihan sa paaralang Holy Name University

b.) Nabuntis o nagkaanak sa edad ng 15-19.

INSTRUMENTO

Ang sarbey kwestyuner ay isang listahan ng mga pasulat na kaugnay ng isang paksa at naglalaman ng mga espasyong sagutan ng maraming respondente. Ito ang instrumento ang kinakailangang datos sa pag-aaral sa isang pananaliksik ng maagang pagbubuntis. Sila ay pasasagutin ng kwestyuner at magkaroon ng pakikipagnayam tungkol sa kanilang buhay-ina.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang analisis ng mga datos para maging pamilang sa impormasyon ay gagamit ng porsyento upang makuha ang ninanais na detalye.

KABANATA II

Mga Kaugnay at Pag-aaral ng Literatura

Ayon sa pananaliksik ni Robertson (2001), ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy’’ bilang isang isyung sosyal na mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina.

Sa ibang partikular na lugar, hindi pa gaanong masaganang mga bansa ang maagang pagbubuntis ay saklaw ng kasal. Ang maagang pag-aasawa ay kabilang sa mga importanteng salik na nakakaapekto sa mga babaeng maagang nagbubuntis.

Ayon kay Leonard Sax, isang manunulat tungkol sa sekswalidad ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay nakakawala ng hiya at sakit.

Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay may posibilidad na makaranas ng kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain na hindi sapat at sa ginawang pagpapapayat na hindi kumain sa tamang oras. Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isang problema sa mga nagbubuntis.

Ayon sa WHO (world health organization), ang mga dalagang ina ay may malaking tsansa sa paghinto ng pag-aaral lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag-alaman na itong mga batang ina ay tumigil sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis.

Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na maaaring sa pag-iisip at mga kaibahan sa pag-uugali ay mataas sa mga batang isinilang na mga batang ina. Ang nagmungkahi sa pag-aaral na ito ay dahil sa kadahilanan sa mga batang ina. Nakita ng mga batang ina ang kanilang anak na hindi gaano magandang pagganap sa paaralan. Karamihan sa kanila ay tipikal lamang, ang iba ay hindi nakapagtapos sa sekondorya.

May posibilidad na ang mga batang babae ng batang ina ay maaring maging batang ina sa kanyang paglaki.

Sa bansang Pilipinas, ang maagang pagbubuntis ay patuloy na tumataas at patuloy na nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang maagang pagbubuntis ay sadyang hindi pa handa harapin ang mga hamon ng pigiging isang ina.

Sa sarili.

Maaaring magamit ang pag-aaral na to para na rin sa ating sarili, na lahat n gating ginagawa ay may kaakibat na resulta, na an gating kapusukan minsan ay di maganda at lahat ng to ay may kaakibat na responsibilidad na dapat nating panagutan.

SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang pag-aaral ay gagawin sa Holy Name University kung saan nag-aaral ang aming mapapagtanungan. Nakatuon ito sa paghahanap ng epekto ng maagang pagbubuntis sa mga kabataan sa taong 15 – 19 kung saan deskriptibong pamamaraan ang aming gagamitin para makakuha ng mga impormasyon.

DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang pananaliksik na ito at mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, internet at iba pa.

1. Teenage Pregnancy (Maagang Pagbubuntis)

- Ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang.

2. Aborsyon

- Ang pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

3. WHO (Word Health Organization)

- Tumutulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng kalusugan.

4. Maternal

- Ito ay sa pagiging ina.

5. Gender Role

- Ang papel na ginagampanan ng kasarian sa isang tao.

6. HIV (Human Immunodeficiency Virus)

- Ito ay isang virus na nagdudulot ng sakit na AIDS na hindi-ligtas sa pakikipagtalik.

7. POPCOM (Population Commission)

- Namamahala at tumutulong sa pagbuo ng patakarang may kinalaman sa populasyon.

Pag-aaral sa epekto ng Maagang Pagbubuntis ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Holy Name University taong 2016-2017

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon makakalap ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng teenage pregnancy sa mga kabataan. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng kongkretong impormasyon para maging aral at magmulat sa mga mata ng kabataan sa mga di magagandang epekto ng teenage pregnancy.

Ang mga nasabing epekto ng teenage pregnancy ay hahatiin sa aspekto ng:

• Pag-aaral

• Kalagayang- sosyal

• Kalusugan

• Kinabukasan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mananaliksik ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man mapigilan ang paglaganap ng “teenage pregnancy.”

Sa kabataan.

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagmulat ng mg kabataan sa mga masamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng mga kabataan ng walang lihitimong basbas ng kasal.

Sa mga magulang.

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong magbigay ng impormasyon at ideya sa pag-gabay at pagdisiplina sa kanilang mga anak sa paraang di nila daramdamin ang inyong mga payo at pangaral na hahantong sa pagrerebelde.

Sa institusyon (Holy Name University).

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mapalaganap ang layunin ng institusyon na mabawasan o makontrol man lang ang “teenage pregnancy” sa mga studyante.

KABANATA I

Introduksyon

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito ang realidad, sa halip dinadala ang mga kababaihan sa mumurahing motel at ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang maging “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita.

Sa realidad, karamihan sa mga kababihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis. Di alintana ang pakikipagtalik, na hindi dapat ginagawa ng mga minor de edad. Ngunit kadalasan ay ginagawa pa rin ito ng mga kabataan dahil sa maling kaalaman sa pakikipagtalik. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang parte sa bansa. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng anak. Sa Pilipinas, ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik.

Ayon rin sa pag-aaral ni Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng “sexually transmitted diseases.” Sa katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi