Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.
Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mga mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangan ito, madalas na may mga katwirang kailangan pangatwiranan. Kung ang pangangatwiran ay hindi lohikal, walang mambabasa ang maniniwala sa iyo.
a) Alamin ang paksa at magsaliksik ng tungkol dito kung kinakailangan;
b) Alamin ang mga proposisyong kaugnay ng paksa upang mapili ang mga argumentong magagamit:
C) Alamin ang paraan ng pangangatwirang angkop gamiin sa iyong mga argumento;
d) Mangalap ng mga datos na magpapatibay sa iyong argumentong; at
e) Iwasan ang mga maling pangangatwiran;
g) Maling Paglalahat - pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o isang limitadong premis.
Halimbawa: Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya't masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.
h) Maling Analohiya - paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.
Halimbawa: Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi'y mabenta ang kape kahit tag-init.
i) Maling Saligan - paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon.
Halimbawa: Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.
j) Maling Awtoridad - paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa.
Halimbawa: Wika nga ni Aiza Seguerra, hidi taning kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
k) Dillema - pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.
Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.
l) Mapanlinlang na Tanong - paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangan iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento. Narito ang mga karaniwang palasi na madalas katisuran ng marami:
Halos lahat ng tao ay pamilyar sa salitang lohikal at ilohikal. Halimbawa, nababanggit nating ang mga terminong lohikal na kandidato, lohikal na hakbang o prosidyur o di kaya'y ang lohikal na pagpipilian. Sa mga kontekstong ito, ang lohikal ay nangangahulugang naayon sa mga risonableng inaasahan kaugnay ng mga ispesipik na sitwasyon o kaganapan. Samantala, ang isang lohikal na palaisip ay isang taong ang pag-iisip ay maayos at konsistent. Sa kabilang banda, tinatawag nating ilohikal ang isang asyong hindi naaayon sa isang sitwasyon o kaganapan, ang isang taong ang pag-iisip ay hindi maayos at inkonsisteng o di kaya'y ang isang argumentong hindi naaayon sa isang kongklusyon, irelebant o kontradiktori sa sarili. Mapapansing sa lahat ng nabanggit, ang lohikal ay tumutukoy sa tamang pag-iisip, samantalang ang ilohikal sa kabaligtaran nito.
a) Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b) Obserbasyong pansarili o kaya'y ng ibang tao;
c) Mga saksi; at
d) Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.
a) Argumentum ad hominem - pag atake sa personal nakatauhan at hindi sa paksa o argumento.
Halimbawa: Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya'y isang binabae.
b) Argumentum ad baculum - paggamit ng pwersa o awtoridad.
Halimbawa: Gawin na ninyo ang aking sinasabi. Ako yata ang Pangulo at ako ang dapat masunod.
c) Argumentum ad misericondiam - pagpapaawa o maggamit ng awa sa pangangatwiran.
Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila'y lalagpak.
d) Argumentum ad ignorantiam - nagpapalagay na hindi totoo ang anumang hindi napatutunayan o kaya'y totoo ang anumang hindi napasisinungalingan.
Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangan itong tanggapin dahil wala naman tumututol dito.
e) Non sequitur - paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise.
Halimbawa: Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mmga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.
f) Ignoratio elenchi - pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan.
Halimbawa: Hindi siya ang nganggahasa sa dalaga, sa katunaya'y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.
Tiyakang Silohismo
Pangunahing Premis: Lahat ng Katoliko ay Kristiyano
Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko.
Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano
Kondisyunal na Silohismo
Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
Pangalwang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.
Pasakaling Silohismo
Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi ka makararating sa langit.
Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano.
Kongklusyon: Makararating si Pedro sa langit.
May Pamiliang Silohismo
Pangunahing Premis: Alin sa dalawa, si Jose ay Kristiyano o Muslim.
Pangalawang Premis: Si Jose ay hindi Muslim.
Kongklusyon: Si Jose ay Kristiyano.
Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa:
Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda.
Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy.
Kongklusyon: Si Nena ay isda.
May dalawang panlahat na kategorya ang lohikal na pangangatwiran: ang (a) pangangatwirang pabuod o indaktib at ang (b) pangangatwirang pasaklaw o dedaktib. Ang pangangatwirang pabuod ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya'y sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto. Maaari itong magawa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi sa pangyayari, pagtutulad at paggamit ng mga katibayan.
Samantala, ang pasaklaw na mangangatwiran ay nagsisimula naman sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan ng mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.
Ang ganitong pangangatiran ay madalas na gumagamit ng silohism tulad ng mga sumusunod: