Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Kapag ang mabisang konsiderasyong ito na ipinahayag ay masusunod at magagawa ng isang indibidwal, hindi magiging mahirap ang ganap na pag-unawa; buong layang magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman, komprehensibong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa paligid at paggalang sa damdamin ng kausap.
Pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging konsistent sa paksang pinag-uusapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayundin ang layunin ng pag-uusap at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan.
Setting - saan
Participant - sino
Ends - pakay
Act Sequence - daloy
Keys - tono
Instrumentalities - channel
Norms - paksa
Genre - diskurso
Dahil ang Pilipinas ay isang multilingguwal at multikultural na bansa, kinakailangang ang kakayahang ito upang magkaroon ng epektibong komunikasyon sa anumang sitwasyong maaaring kasangkutan at susi ng epektibong komunikasyon na ito ang kakayahang sosyolingguwistiko.
Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay hindi lamang nakakahon sa mga lingguwistikong kumbensyon ng wika kung hindi, tumutuon ito sa panlipunang alituntunin sa paggamit ng wika.
Ang pagtahimik kung kinakailangan ay nagpapakita ng pagiging-malay sa mga sensetibong akto sa loob ng sitwasyon at nakatutulong upang mas maging maayos ang daloy ng komunikasyon.
1. Pag-alala
2. Pagpapalagay sa pagkakatulad kaysa sa pagkakaiba
3. Etnosentrismo