Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Burila, Jessica

Hawaii, Jhosephine

Matias, Mary Rose

Murot, Shaira

Largo, Robert

Talambuhay

Amado Vera Hernandez, kilala bilang Amado V. Hernandez (September 13, 1903–March 24, 1970), ay isang Pilipinong manunulat at labor leader na kilala sa kanyang mga kritisismo ukol sa social injustices ng Pilipinas at siya'y nakulong for his involvement in the communist movement.

Pinanganak sa Hagonoy, Bulacan ngunit lumaki sa Tondo, Manila, kung saan siya nag-aral sa Manila High School at sa American Correspondence School.

MARKISMO

"ISANG MARIING HAGUPIT SA MGA TAONG WALANG DIYOS KUNDI ANG KANILANG SALAPI"

Amado V. Hernandez

GRUPONG HENERAL

TEORYANG PAMPANITIKAN

PANGUNAHING PAKSA

Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na umangat buhat sa kanyang pagdurusang natatamo at mga problemang napagdaraanan.

“Ang isa na gahaman sa pera ay may katapat na parusa.”

“Matutong lumingon sa pinanggalingan.”

THESIS STATEMENT

THANK YOU!!! :)

“Hindi matutumbasan ng pera ang pagmamahal.”

“Hindi matutumbasan ng pera ang pagmamahal.”

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet.

BUOD

“Lahat ng bagay pinagtatiyagaan. Lahat ng bagay pinagsusumikapan.”

“Hindi lahat ng bagay’ nakukuha sa salapi.”

Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.

Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan.

LUHA NG BUWAYA

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi