Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang May Fourth Movement ay isang kilusang kultural at politikal laban sa mga imperyalistang dayuhan. Nang panahong ito, si Mao Tse-tung ay sa Unibersidad ng Beijing. Isa siya sa nagtatag ng Partido Komunista
Ang Kuomintang ay naniniwala sa modernisasyon at nasynonalisasyon bilang kasagutan sa pagtatagumpay ng Tsina. Si Sun Yat-sen ang itinanghal ng partido bilang unang pangulo ng Republika at "Ama ng Nasyonalismong Tsino".
Noong 1930, si Ghandi ay naglunsad ng isang demonstrasyon upang ipadama ang pagsuway sa kinamumuhiang Salt Act na ipinatupad ng mga British. Ayon sa batas na ito, sa pamahalaan lamang maaaring bumili ng asin ang mga Indian.
Ang Amritsar Massacre ang tugon ng mga lumalalang kaisipang rebelyon ng mga Indian. Sa pagtitipong ito, layon ng mga Indian na mag-ayuno, manalangin, at makinig sa mga talumpating pampolitikal ng kanilang mga nasyonalistang lider.
Nag-iba ang kalagayan sa India sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Maraming Indian ang nagpatala kapalit ng ipinangakong reporma sa bansa na maaaring matuloy sa pagsasarili. Sa panahon ng digmaan, pinagbigyan ng pamahalaang British ang mga Indian na makilahok sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
Ang nasyonalismong Indian ay nagsimula nang umusbong mula pa noong ika-18 na siglo. Ang mga maykayang Indian na nakapag-aral sa mga paaralang British ay nagkaroon n ng kaalaman tungkol sa nasyonalismo at demokrasya. Ang mga pananaw at ideyang ito ay sinimulan nilang gamitin sa kanilang bansa.
Ang Satyagraha o truth force ay isang pilosopiyang nilinang at ipinangaral ni Ghandi na sa kabuuan ay nangangahulugang walang karahasan pagtutol sa anumang batas ng pamahalaan upang ito ay mahikayat na lumikha ng pagbabago.