Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang limang elemento ng kwento ay ang tauhan, tagpuan, suliranin, kilos, at mensahe. Bawat isa ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang masining na kwento.
Lakbay-Aral sa Aming Probinsiya
ni: Maria Fe Hicana
Noong Mayo, nagpasya ang aming pamilya na magbakasyon sa probinsiya ng aking tatay sa Ilocos. Kami ay nagbiyahe nang malayo mula sa aming tahanan sa Taguig upang masilayan ang ganda at kultura ng Ilocos Norte. Sa aming unang araw ng aming pagdating, kahit medyo pagod pa kami ay pumunta agad kami sa dagat. Ako, ang aking mga magulang,
kasama angaking mga kapatid ay nagtungo sa dalampasigan upang maglaro sa buhangin at magtampisaw sa mababaw na tubig. Napawi ang aming pagod. Napansin namin ang mga malalaking na alon. Agad kaming sinabihang mag -ingat sa mga ito. Pagkatapos ng aming paglalakad sa dalampasigan, isang salusalo ang inihanda sa amin. Nakalatag ang mga pagka in sa isang mahabang mesa. May mga isda at karneng nakahain.
Hindi mawawala ang mga gulay na pamapalakas ng katawan at prutas bilang panghimagas. Kahit ayoko ng gulay at pinilit kong kumain dahil alam kong masustansiya ang mga ito. Natural ang tamis ng mga prutas kaya kumain na din ako nito, hindi tulad ng mga pangh imagas sa Maynila na kadalasan ay artipisyal ang pampatamis. Ibang-iba ito sa mga kinakain namin sa Maynila na kadalasan ay fast food. Makikitang sariwa ang mga pagkain dito sa probinsiya. Nabusog ako sa masasarap na pagkaing inihain sa amin. Kinabukasan, kami ay pumunta sa Vigan, Ilocos Sur, kung saan makikita ang magagandang bahay na bato at makasaysayang kalsada.
Napalibutan kami ng makukulay na bulaklak at nakakatuwang mga kalesa. Napagtanto namin kung gaano kahalaga ang pagpapahalaga sa ating kasaysayan at kultura. Sa aming huling araw, pumunta kami sa Bangui Wind Farm, kung saan makikita ang malalaking wind
turbines na nagpoprodyus ng kuryente. Napagtanto namin ang kahalagahan ng paggamit ng malinis na enerhiya upang mapanatili ang kalikasan. Hindi ko namalayan na nakaisang linggo na pala kami sa Ilocos.
Nakauwi kami sa Taguig na puno ng mga bagong alaala at karanasan. Ang aming paglalakbay sa Ilocos ay nagturo sa amin na mahalin at alagaan ang ating probinsiya. Nagkaroon ako ng mas malalim na pag -unawa sa kahalagahan ng kalikasan at kasaysayan ng aming rehiyon. Mabuti na lang at nakapunta ako sa magagandang lugar. Alam ko na ito ay magiging bahagi ng aking buhay. Lalo kong minahal ang bansang Pilipinas!
Lagyan ng tamang titik ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag.
• Ang naratibo ay tinatawag ding pags_s_l_y_a_
• Sa naratibo para ka ring nagku_ _en_ _
• Ano ang nangyari sa iyo ngayong araw? May is_ _ry_ ka ba?
Batay sa binasang anekdota, ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Ano ang paksa ng anekdota?
2. Bakit naikuwento ang naging pamamasyal sa probinsiya?
3. Ano-ano ang mga ginawa nila pagkadating sa probinsiya?
4. Kinabukasan ng kanilang pagdating ay ano naman ang kanilang ginawa hanggang bago bumalik sa Maynila?
5. Paano nabago ang pananaw niya sa pagkain ng mga gulay at prutas?
6. Ano ang mga napagtanto niya sa kanilang pagbabakasyon?
7. Tungkol saan ang unang bahagi ng talata?
8. Ano ang pagkakaiba ng ikalawang bahagi ng talata sa huling bahagi nito?
9. Nabasa mo ba sa kuwento ang mga elemento ng anekdota? Isa-isahin ang mga ito?
10. Anong aral ang napulot mo sa binasang anekdota?
Ayusin ang mga titik na nasa kaliwang bahagi upang mabuo ang susing salita kaugnay ng anekdota. Basahin ang deskripsiyong nakatala sa kanang bahagi.
1. n a t h u a -Ang bida sa iyong kuwento.
2. g p a n u t -Lugar kung saan naganap ang iyong kuwento.
3. p y a n a r y g a i -Pagkakasunod-sunod na naganap sa iyong kuwento.
4. s a k a w -Nagtatapos ang kwento
5. a l a r -ang natutunan sa kwento
Sa simula, itinataguyod ang tauhan at setting, sa gitna naman nagaganap ang pangunahing insidente, at sa wakas dito nalalaman ang aral o konklusyon ng kwento. Ang pagkakaayos ng mga bahagi ay mahalaga upang maging epektibo ang mensahe.
Ang anekdota ay nagbibigay ng inspirasyon at aliw sa mga tao. Ito rin ay isang mabisang paraan upang ipahayag at maipasa ang mga aral na natutunan mula sa mga karanasan.
Ang anekdota ay isang maikling kwento na naglalaman ng mga totoong pangyayari na kadalasang naglalarawan ng isang karanasan ng tauhan. Mahalaga ito sa pag-unawa sa pagkakakilanlan ng mga tao at ang kanilang mga pananaw sa buhay.
Balikan muli ang teksto. Bigyang-kahulugan ang mga pangungusap na nasa kaliwang bahagi ng talahanayan
Kilos/Pahayag Kahulugan
1. Napawi ang aming pagod sa sariwang hangin -
2. Agad kaming sinabihan na mag-iingat sa malalaking alon.-
3. Hindi ko namalayan na nakaisang linggo na pala kami sa Ilocos.-
4. Mabuti na lang at nakapunta ako sa magagandang lugar. -
5. Lalo kong minahal ang bansang Pilipinas! -
Basahin ang talatang nakasaad sa ibaba:
Isang magandang araw noon ng Linggo, nagyaya ang aking pamilya na pumunta kami sa parke. Ito ang araw ng aming pamilya para sa outing. Excited na akong sumakay sa aming kotse kasama ang mga kapatid ko. Noong kami ay nasa kalsada, biglang umulan nang malakas. Dahil sa sobrang ulan, nagkaroon ng matataas na baha sa daan. Lima kami sa kotse – ako, ang kuya ko, ang ate ko, ang aking daddy, at ang aking mommy. Pinasok ng tubig ang aming kotse kaya mabilis naming binuksan ang pinto ng kotse at lumusong na kami sa baha.
Sagutin ang mga tanong na nakasaad at isulat ang iyong sagot:
• Ano ang napansin mo sa mga salitang initiman ang sulat?
• Ano kaya ang tinutukoy na araw sa pangungusap? Bakit kaya tinawag itong pangngalan?
• Pansisnin ang mga salitang kuya, ate, daddy, at mommy, bakitmaituturing din na pangngalan ang mga ito?
Ang kayarian ng pangngalan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng anekdota. Sa bawat kwento, ang pagsasama ng tamang pangngalan ay nag-aambag sa pagbibigay ng buhay at detalye sa mga tauhan at pangyayari.
Humanap ng kapareha. Sikaping bumuo ng anekdota batay sa mga gabay na gawain:
Sa pagsulat ng anekdota, ang teksto ay kadalasang binubuo ng tatlong bahagi. Ito ay ang simula, gitna, at wakas. Sa simula ay tinutukoy kung tungkol saan ang ikukuwento. Sa gitnang bahagi ng teksto ay pagsasalysay ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga detalye batay sa nais ikuwento. At sa huling bahagi ay ang wakas o huling pangyayari sa teksto.
Batay sa tampok na tekstong tinalakay, gawing gabay ito sa gawain. Buuin ang talata gamit ang simulang pahayag. Isalaysay ang naging bakasyon.
Pamagat
Simula
Noong___________________________________________________
_________________________________________________________
Gitna
Sa aming___________________________________________________
__________________________________________________________
Wakas
Sa huli______________________________________________________
___________________________________________________________
Kayarian ng Pangngalan
1. Payak -Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
bakasyon, araw, baon
2. Maylapi -Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: magbakasyon, arawan, magbaon,
3. Inuulit -Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita.
Halimbawa: bakabakasyon, araw-araw, baon- baon
4.Tambalan -Ito ay binubuo ng pagtatambal ng dalawang salita.
Halimbawa: bakasyon-grande araw-gabi, libreng-baon
A. Tukuyin kung anong kayarian ng pangngalan ang nakahilig sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang P kung ito ay payak, M kung maylapi, I kung inuulit at T kung tambalan.
1. Isa sa mga paborito kong prutas ang rambutan.
2. Nagsilbing ina-inahan ni GabXen ang kaniyang tiyahin.
3. Punong-guro ang kaniyang ama.
4. Gusto niyang tulungan ang kaniyang kapatid.
5. Araw-araw ang pagpunta ni Jhigo sa parke.
6. Nalubog ang aming kotse sa baha.
7. Nagkita ang magpinsan sa silid-aklatan.
8. Matalik na magkaibigan sina Che at Aya.
9. Huwag kang makinig sa mga sali-salita.
10. Napanood niya sa telebisyon ang giyera sa Israel.
Isulat ang mahahalagang konseptong natutuhan sa anekdota. Gawing gabay ang sampayan.
B. Pangkatin ang mga salita ayon sa kayarian. Isulat ito sa talahanayan
1. kotse 6. ginabi
2. parke 7. dagat
3. taong bahay 8. bulaklak
4. palaruan 9. arawan
5. bakasyunan 10. alon-alon
Suriin ang mga salitang initiman sa sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung anong kayarian ng pangngalan ang mga ito.
1. Wala pang sapat na araw para sa bakasyon si Cherry.
2. Ang magkapatid ay masayang kumain.
3. Araw-araw ay ipanapanalangin ni Asnaira ang kaniyang ina.
4. Matagal nang panahon na hinintay ni Angela ang bakasyon-grande.
Ang tayutay na asonans ay isang elemento ng wika na nakakatulong sa pagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa pahayag. Sa pagsusuri, maaaring magbigay ito ng emosyon at masining na konteksto sa kwento.
Pangkatin ang mag-aaral na may limang miyembro sa bawat pangkat. Gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa paggawa ng anekdota tungkol sa ginawang bakasyon gamit ang storyboardthat. I-click ang link na ito upang makagawa ng kuwento. Ipalahad ito sa klase pagkatapos.
https://www.storyboardthat.com/storyboard-creator