Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Nagkuwento tungkol sa mahahalagang punto hinggil sa pagiging "Isang kristiyano"
Ang Paghahasik ng Binhi
Sa paghahasik, may mga nahulog na binhi. At ito ay nahulog sa iba't ibang lugar.
Sa puntong ito inihahalintulad ni Jesus ang mga binhi sa pagiging isang Kristiyano.
Tabing-daan
Ipinaliwanag ni Jesus na ang ganitong uri ng tao, itong unang kategorya, ay matigas sa pasya na huwag makinig; ayaw na ayaw nilang magkaroon ng anumang kaugnayan sa Ebanghelyo. Matigas ang puso nila laban sa Ebanghelyo. Ayaw nilang makinig sa Salita ng Diyos. O, kung kanila ngang pinapakinggan ito, nakikinig sila upang tuyain o kutyain ito, upang tanggihan ito.
Ang grupong ito ay ang kanilang puso, sa pang-ibabaw, ay handang tumanggap sa Ebanghelyo, at kaya ikinumpara ng Panginoong Jesus ang kanilang puso sa isang sitwasyon kung saan mayaman ang lupa sa ibabaw, pero mabato sa ilalim. Ito ang uri ng tao na mailalarawan bilang mababaw. At ang ganitong uri ng tao ay laging isang malaking problema sa iglesya, pero sila’y kasiyahan ng isang uri ng mamamahayag, dahil sila ang mga taong gumagawa ng madaliang pagtugon. Sila ang mga taong napakadaling magtaas ng kanilang mga kamay sa mga pagtitipon. Parang wala silang pakikipagtunggali.
Ang grupong ito ay walang anumang problema sa mga bato. Ang kanilang mga puso ay bukas sa Salita ng Diyos. Walang anumang bato sa loob nila. Ang lupa ay mabuti. Ito’y malalim. Ito’y maayos. Kaya, ano ang naging problema? Nang ihasik ang Salita ng Diyos, tinanggap nila ang ito sa kanilang puso, tulad ng pangalawang kategorya, pero hindi sinasabi rito na “may galak”. Sila’y mas malalim.