Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Si Rogelio L. Ordoñez o mas kilala sa ngalang "Ka Roger" ang sumulat sa kwentong "Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya". Ang maikling kwentong ito ay nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
"Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya"
- Rogelio L. Ordoñez
"Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya"
Pagsasalarawan sa literal na pangyayari kung saan ang bisig ay umaakyat o lumulutang sa tiyan ng isang buwaya.
"Inuuod na Bisig sa Tiyan ng Buwaya"
Pagpapahiwatig sa kararahasan, kawalan ng katarungan sa mg mahihirap na mang-gagawa.
Ito ay naglalahad ng realidad na nararanasan ng mga magsasaka sa ating bansa. Nagpapakita ito ng kanilang Pagsisikap, Pakikibaka, Pagpupunyagi at ang kanilang Pagsuko.
Ang muli pang-ulan sa bukirin ay tanda ng bagong simula para sa mga magsasaka. Ang tuyo at naninilaw na lupain ay naging luntian muli kaya masaya ang mga hayop, damo, at magsasaka. Sa daang-bakal, naghahanda ang natitirang magsasaka para sa pagtatanim. Ang mga kalalakihan abala sa pagsasaka, habang ang mga babae naghahanda ng makakain. Ang mga bata naman ay naglalaro sa tubig. Ngunit isang araw, hindi pa nagtatagal ng maipunla ang mga binhi ay agarang naglaho ang mga pangarap at kasiyahan ng mga magsasaka dahil sa balitang kanilang natanggap.
Maliwanag na ang kapaligiran, ngunit hindi inaasahan ng nakararami, biglang dumating ang Kabesa at sinabihan ang mga magsasaka na huwag nang mag-araro dahil sila'y pinapaalis na ng may-ari ng lupain. Napilitan ang mga magsasaka na iwanan ang lupang kanilang inalagaan at pinakinabangan. Hindi rin sila nakapag-ani ng palay dahil sinira ang kanilang mga taniman. Sa isang iglap, nawala ang kanilang dugo, pawis, at mga pangarap dahil sa kapangyarihan ng mas nakatataas.
Inisip ni Lino na malayong makalayo sila ni Marta sa pangit na daang-bakal, malakas na tunog ng tren, at madilim na gabi sa paligid. Lumaki ang pabrika ni Mr. White at yumaman siya, ngunit hindi nagbago ang sweldo ng mga trabahador. Nabanggit ng isang trabahador na walang kaluluwa ang kanilang amo at malaki ang kinikita ng pabrika. Kahit matagal na sila sa trabaho, hindi tumaas ang kanilang sweldo.
Si Mr. Cruz ang mata at tainga ni Mr. White sa mga trabahador. ayaw na ayaw nitong makitang walang ginagawa ang mga trabahador. Matagal-tagal na ring napapansin ni Lino ang pagpayat ng katawan at pagliit ng dibdib, tila hindi na kaya magbuhat ng mabibigat, ngunit laging tumatambad sa kanyang harapan ang imahe ng kanyang asawang si Marta at ang kanyang dalawang anak na lalaki. Alam niyang laging nakasunod sa kaniya si Mr. Cruz, tila nagbabantay dahil sa kanyang kondisyon. Sinabi ni Mr. Cruz kay Lino na parang mahina at payat na payat na sya kaya't hindi na niya kayang magtrabaho. Parang ibig tuloy niyang pumasok sa opisinang air-conditioned ni Mr. White at sabihin ang mga salitang "Go to hell! You dog! You salumbebet!" dahil sa takot at galit na baka siya matanggal sa trabaho dahil sa kanyang kalagayan.
Parang may matigas na daliri na sumasakal kay Lino, at lumalabas ang malamig na pawis. Mas lumalala ang sakit na nararamdaman niya. Habang nagbubuhat siya, may sumasakal na naman sa kanya at nahihirapan siyang huminga. Sa sobrang tindi ng pangagalog ng kanyang tuhod ay ngumudngod ang kaniyang labi sa lupa at nabitiwan niya ang balumbon ng telang kanyang pasan. Naramdaman niyang may gumagapang na kung ano sa naputikan niyang labi. kaya't agad nya itong ibinuga at doon ay may nakita siyang uod na pakiwal-kiwal na gumapang palayo. Nang iangat niya ang tingin, nakita niya ang naglulumiyad na tiyan ni Mr. Cruz. Pinilit niya tumayo, pero nasungaba ulit. Sinabihan siya ni Mr. Cruz na mahina na siya at hindi na kayang magtrabaho. “Hintay, Mister Cruz! Malakas pa ho ako! Malakas pa ho ako!”, iyon ang pilit na isinisigaw ng kanyang utak, at pilit siyang nagpatuloy sa paggapang.
Sa kabukirang sinasaka ni Lino na pinagmamay-ari ni Mr. White
"Uod"
Inilahad sa maikling kwentong ito ang paghihirap ng mga dating magsasaka na naging empleyado sa isang pabrika na pumalit sa bukiring kanilang tinataniman noon. Tulad ng uod na madalas gumapang sa madumi at walang katapusang putikan, kalupaan o kung saan man upang maghanap ng pagkain na bubuhay sa kanila, ang mga tauhan sa kwento na ito o ang mga magsasaka ay patuloy din ang paggapang.
Realismo
- Ang mga pangyayari sa maikling kwentong ito ay masasaksihan sa lipunan hanggang sa kasalukuyan. Sa kabila nang maayos na pagtatrabaho, mahabang panahon na pagsisikap at paghihirap ng mga tauhan sa kwento ay hindi pa rin ito naging sapat upang kanilang matanggap ang sweldong sa kanila ay nararapat.
Inilalahad sa kwento ang problema at dekadang pang-aapi sa sektor ng agrikultura na masasalamin pa rin sa kasalukuyan makalipas ang ilang dekada. Kasama na dito ang mga pagdarambong sa pag-aari at lupang sinasaka ng mga magsasaka dahil sa pag-papalawak ng mga malalaking kumpanya.
Ipinapakita sa kwento ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtindig, at pagkilos laban sa sistemang naghahasik ng kahirapan, pang-aapi, at kawalang-katarungan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa, may kakayahan tayong labanan at baguhin ang mga pangyayaring nagpapahirap sa ating lipunan.