Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerika na magsaka.
Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad din ang Kabihasnang Inca sa Timog Amerika. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya't itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa Amerika.
Ang Kabihasnang Maya ay isang Mesoamerikanong kabihasnan o sibilisasyon na kilala sa pagiging tanging nag-aangkin ng buong nilikhang isinulat na wika nito sa bago-Columbian na Amerika gayundin sa sining, arkitektura, matematikal at mga astronomika na mga sistema nito.
2017
Label 1
Label 2
Label 3
Label 4
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala.
Nabuo ang mga pamayanang lungsod ng Maya; Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan. Narating ng Maya ang rurok ng kanilang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE. Sa lipunan Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Ang katawagan sa kanilang pinuno ay halach uinic o "tunay na lalaki". Pinalawig nila ang Pamayanang Urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naigunay ng malalawak at maaayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lunsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa