Ang mga Sinaunang Sibilisasyon
Ulat ni: Sharima Alim
Konsepto at Batayan ng mga Sinaunang Sibilisasyon
PABUNGAD
Mabilis ang pag-unlad ng tao mula noong naganap ang Neolithic Revolution. Hindi lamang umunlad ang kanilang mga kaisipan at kagamitan, nagkaroon din ng sibilisasyon ang mga tao.
Ang sibilisasyon ay tumutukoy sa pamamalakad ng mga tao sa isang pangkat o lipunan na ang hanagad ay para sa ika-uunlad at ikabubuti ng bawat isa. Sila ay nagsasama-sama at nagkaka-isa upang tugunan ang pangangailangan ng bawat isa at ng lipunang kanilang kinabibilangan.
Ang mga smusunod ay makikita sa isang sibilisadong lipunan:
Mahahalagang Panuntunan o Batayan
- May mataas na antas na pamumuhay ang mga tao
- Bahagi sila ng isang malaking lipunan
- Mayroong organisado at komplikadong sistema ng pamumuhay ang mga mamamayan
- Matatagpuan ang makabagong mga tahanan at istraktura
- Nabuo at nagsisimula ang kultura at tradisyon
- Pagsusulat at komunikasyon
SIBILISADONG LIPUNAN
Mga Halimbawa
MESOPOTAMIA
- Ang ibig sabihin ng Mesopotamia ay sa pagitan ng dalawang ilog, ito ay galing sa wikang Griyego.
- Ang Mesopotamia ay matatagpuan sa gitna ng mga ilog ng Euphrates at Tigris.
- Dito ay makikita ang itinuturing na painakaunang sibilisasyon na kinilala sa kasaysayan ng sangkatauhan, ito ang mga Sumerians.
- Ang unang komunidad sa dulong silangan ay ang Sumer, isa sa tatlong bayan ng Mesopotamia.
- Bahagi rin ng Mesopotamia ang ibang mga kaharian ng Assyrian, Akkadian at ang mga batikang Babylonian.
SUMERIAN
- Halos 5,000 taon na ang nakalipas nang magsimulang magtipon ang mga nomads upang lumikha ng mas malaking pangkat. Sa paghahanap nila ng magandang lugar upang gawin nilang tahanan ay natagpuan nila ang mga ilog ng Tigris at Euphrates.
- Dito nagsimula ang sibilisasyon ng Sumer. Hinati-hati nila ang malalaking kaharian ng Sumer sa maliliit na mga bayan.
- Sa bawat bayan ay may kanya-kanyang pinuno at pamamalakad ngunit mayroon paring pinuno na namumuno sa lahat ng kahariang Sumer.
- Mayroon ding mga nagtatayogang mga bakod bawat bayan sa Sumer bilang proteksyon sa mga mananakop.
- Pinamunuan ng isang hari o gobernador ang Sumer.
- Sa bawat bayan ng Sumer ay may sariling diyos. Sa gitna ng bvawat bayan ay may templo na itinayo para sa kanilng diyos na tinatawag nilang Ziggurat. Matayog ito, halos ka hugis ng isang pyramid at patag sa tuktok.
- ang Unang anyo ng panulat na tinatawag na Cuneiform.
- Sila rin ang unang lumikha ng gulong, potter's wheel, sistema ng irigasyon sa Sumer at maging ang unang sistema ng pagbibilang.
BABYLONIAN
- Ang Babylon ay pinamumunuan ni Haring Hammurabi noong 1792 B.C.
- Ang Babylon ay umunlad at binansagang sentro ng kalakalan.
- Sa kaniyang panahon ay nasakatuparan ang Batas ng Hammurabi (Code of Hammurabi) na kinapapalooban ng mga batas at kaparusahan.
- Dito nagmula ang batas ng "mata sa mata, at ngipin sa ngipin".
- Nang namatay si Hammurabi, ang kaniyang anak ang siyang pumalit sa pagiging pinuno ngunit ito ay bumagsak sa mga kamay ng Kassites.
- Nanumbalik din ang tanyag at lakas ng Babylon ng ito ay pinamunuan ni Haring Nebuchadnezzar.
- Noong namuno si Haring Nebuchadnezzar ay tiwanag itong panahon ng Neo-Babyloniana.
MGA SINAUNANG SIBILISASYON NG EGYPT
MGA SINAUNANG SIBILISASYON NG EGYPT
PREDYNASTIC PERIOD (5000-3100 B.C)
PREDYNASTIC PERIOD (5000-3100 B.C)
ARCHAIC PERIOD (3100-2686 B.C)
OLD KINGDOM (2686-2181 B.C)
UNANG INTERMEDIATE PERIOD (2181-2055 B.C)
MIDDLE KINGDOM (2055-1786 B.C)
IKALAWANG INTERMEDIATE (1786-1567 B.C)
NEW KINGDOM 1567-1085 B.C)
IKATLONG INTERMEDIATE (C. 1085-664 B.C)
HULING YUGTO (664-332 B.C)
PTOLEMAIC DYNASTY (305-30 B.C)
PAMAHALAAN
MGA PAMANA NG SIBILISASYONG EGYPT
MUMMIFICATION
MUMMIFICATION
SINING AT RELIHIYON
SINING AT RELIHIYON