Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
KARUNUNGANG-BAYAN
LUZON
Panuto: Ayusin ang mga letra upang mabuo ang salita
1. khaniyaas- Tuwina itong nagaganap sa tuwing nagkakaroon ng salo-salo
2. iyoPn- Ibang tawag sa mga Filipino
3. awpagpataap- Karaniwang ginagawa upang maibsan ang lungkot
4.ugoht- Ginagamit upang hindi direktang sabihin ang nararamdaman
5. sakanaran- Nagbibigay aral sa buhay ng tao
Karunungang-bayan mula sa Luzon
Tradisyonal na paraan ng mga Pilipino ng pagpapakita ng kanilang matalas na pag-iisip, katalinuhan at karunungan
Uri ng Karunungang- bayan
Tulang Panudyo
Nabuo upang mag-asar, manukso, at uyamin ang kausap. Ito ay tinutula o inaawit
hal.
1. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka
2. Bata batuta
samperang muta
Ito ay may sukat at tugma subalit kapos at walang diwa. Layunin sa paglikha nito ay sanayin ang dila at mapukaw ang murang isip ng kabataan
Hal.
1. Sa gabi kung walang kuryente,
ang alitaptap ay kay liwanag
at kay yumi
2. Haba, haba,
Parang bangka!
Bilog, bilog,
Parang niyog!
Tugmang de-gulong
Maiikling tula na makikita sa pampublikong sasakyan (dyip,bus,traysikel). Ito ay nakakapukaw pansin, nakakatawa at pagbibigay paalala, babala at pangaral sa mga pasahero
hal.
1. barya lang sa umaga
2. bago bumaba magbayad muna
nang hindi makarma
Bugtong
Isa itong pahulaan sa paraan ng pangungusap o pagtatanong na doble ang ibig sabihin. Nilalaro ito sa isang pagtitipon o okasyon at layunin nitong pasiglahin ang isip
Hal.
1. Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit ko.
2. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
3. Kung kailan mo pinatay tiyaka humaba ang buhay
4. May Apat ang paa sa umaga, dalawang paa sa tanghali at tatlo naman gabi
Palaisipan
Ang palaisipan ay isang suliranin na uri rin ng bugtong na kinakailangang pag-isipan upang lutasin ang mga ito.
Hal.
1. Anong mayroon sa aso na mayroon din sa pusa, na wala sa ibon ngunit mayroon sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo na tatlo sa palaka?
2. May babaeng nakapulang bistida, pulang sapatos, pulang bag at maging ang kanyang labi ay kulay pula, nakita mo siyang sumakay sa Taxi, Ano ngayon ang tawag sa babae?
3. Sa isang siyudad may 2 lamang barbero, si b1 na malinis ang kasuotan maging ang kanyang kagamitan at pwesto at kaaya-aya ang kanyang buhok. Si B2 naman magulo ang kagamitan at kasuotan maging ang buhok ay pangit ang gupit. Ang tanong kanino ka magpapagupit? Bakit?
Palaisipan
1. May tatlong pinto na kailangan mong daanan para makalabas. Kaya lang, sa likod nito ay may mga panganib. Sa isang pinto, may napakalaking apoy sa dadaanan palabas. Sa ikalawa naman ay mayroong babaril sa iyong dalawang lalaki. Habang sa huli naman ay may isang leon na tatlong taon nang di kumakain. Saan ka dadaan?
2. Mayroong limang magkakapatid sa silid. Si Ria ay nagbabasa. Si Mara ay nagluluto. Si KC ay naglalaro ng chess. Habang si Maria naman ay nagsusulat. Ano ang ginagawa ng ikalimang anak?
3. Ano ang makikita mo ng isang beses sa isang minuto, dalawa sa walong siglo, pero hindi sa habambuhay?
Ponemang Suprasegmental
Diin- Ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Haba – Paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
Tono o Intonasyon
Hinto o Antala
Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).
Di- Berbal na Komunikasyon