Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Mga Idyomatikong Salita sa Filipino
Mayaman ang wika at panitikan ng Pilipinas bago pa man tayo sinakop ng mga dayuhan. Nariyan ang mga alamat, tula, anekdota, at marami pang iba na hanggang ngayon ay patuloy pa ring umuusbong.
Nariyan din ang mga karunungang bayan, isang sangay ng panitikan na kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Ang isang halimbawa nito ay sawikain o idyoma.
Kung babalikan ang pag-aaral ni Inigo Ed Regalado sa talinghaga, kawikaan, at tayutay, mababatid na kumukuha ang mga Filipino noon ng mga salitang buhay at kaugnay sa kapaligiran at ang mga ito ang kinakasangkapan sa paghahambing, pagtutulad, at panghalili sa mga katangian ng tao na pinatutungkulan ngunit ayaw tahasang saktan dahil sa kung ano-anong dahilan.