Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

DIBORSYO

Prepared by:

Atienza, Precious

Suarez, Mariestella

Adebayo Marvelous

Diborsyo, Legal na Seperasyon, at Pagpapawalang-bisa ng kasal

Diborsyo, Legal na Seperasyon, at Pagpapawalang-bisa ng kasal

Diborsyo

Ang “divorce” ay isang legal na pagwawalang bisa ng isang “valid” na kasal. Mayroon nito sa civil marriage sa ibang bansa pero sa ating bansa, walang diborsyo sa kasal sa simbahan at huwes.

Pilipinas at Vetican lang ang hindi legal ang diborsyon

Legal na Seperasyon

Ang “legal separation” ay isang kasunduan ng dalawang mag-asawa na hindi na magsasama at maaaring may paghahati ng ari-arian pero hindi sila malayang magpakasal sa iba.

Pagpapawalang-bisa (Annulment)

Ang “annulment” ay ang pagkilala sa isang kasal na hindi “valid” mula pa sa simula. Ito ay dahil sa mga tinatawag na hadlang or “impediments” na umiral bago pa ikasal kaya masasabing walang tunay na nangyaring kasal.

Kasaysayan ng diborsyo sa Pilipinas

Kasaysayan ng diborsyo sa Pilipinas

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano noong 1917, isinabatas ang Act. No. 2710 na naglelegalisa sa diborsiyo. Moong panahon ng pananakop ng Hapon, ipinatupad ang Executive Order 141 na tumagal hanggang sa 1950.

Noong panahong ito, si Arturo Tolentino, na naging senador at alyado ni Pang. Ferdinand Marcos, sa mga nabiyayaan ng mga batas hinggil sa diborsiyo sa Pilipinas.

Sa ilalim lamang ng New Civil Code noong Agosto 30, 1950 ipinagbawal ang diborsiyo. Sa halip, pinayagan na lamang ang legal separation sa panahong ito. Sa Family Code unang ipinakilala ang konsepto ng psychological incapacity na batayan sa pagwawalang-bisa ng isang kasal.

Ngunit bilang pagkilala sa kasaysayan ng diborsiyo sa Pilipinas, hindi ipinagbawal ng mga bumuo sa Konstitusyong 1987 ang pagkakaroon ng batas hinggil sa diborsiyo. Hinayaan na lamang nila sa Kongreso na siyang magpasya sa paglelegalisa ng diborsiyo.

Ngunit sa sunud-sunod na mga Kongreso na dominado ng kalalakihang tila ayaw iwan ng kanilang mga asawa, walang batas sa diborsiyo na napapatupad.

Sa halip na diborsiyo, mayroon lamang mga opsiyon na maaaring pagdaanan ang mag-asawang nagnanais maghiwalay.

Nariyan ang annulment at declaration of nullity of marriage. Sa ilalim ng prosesong ito, ang korte ang magpapasya na ang kasal ay depektibo at hindi dapat naganap sa simula pa lamang.

Ang mga batayan sa ilalim ng prosesong ito ay:

(1) Kung ang isa sa magkapareha ay menor de edad at ang pagpapakasal ay walang pahintulot mula sa mga magulang;

(2) Ginamitan ng panlinlang o panloloko tulad ng mga sirkumtansiyang ang isa ay may sexual transmitted disease;

(3) Pagkakaroon ng anak sa labas ng kasal ang isa sa mag-asawa,

(4) Ang isa ay napatunayang may sala sa batas;

(5) Lesbiyana o bakla ang isa, at kung nalulong sa droga ang isa sa mag-asawa.

Dahilan at Epekto

Dahilan at Epekto

Dahilan ng Dibursyo

  • pag-aaway ng mag-asawa ng walang tiwala sa sarili
  • hindi kayang buhayin ang pamilya
  • walang sapat na kaalaman sa sex
  • nagsawaan sa isa't isa
  • maagang pag-aasawa

Epekto ng Diborsyo

Mabuti

  • Magkakaroon ng kapayapaan sa dalawang mag-hihiwalay
  • Maiiwasan ang sakitan
  • Mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magkaroon ng panibagong relasyon

Epekto ng Diborsyo

Masama

  • Mawawala ang pagka sagrado ng kasal
  • Malaking epekto sa anak (mapapariwara ang buhay dahil sa depression na naidulot ng magulang)
  • Depression din para sa mag-asawa

Thank You!

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi