Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
THIRD QUARTER
WEEK 1
Grade 7: Marangal
A. Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga.
B. Nakabubuo ng ideya sa pamamagitan ng video/sitwasyon na nagpapakita ng kahulugan at kahalagahan ng birtud sa pagiging tao ng isang kabataan
C. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng birtud sa makataong pamumuhay sa lipunan.
Ano ang ating tinalakay noong nakaraang Modyul?
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno. Pumili ng isang kaibigan sa klase na maaari mong makausap upang ibahagi sa kanya ang iyong sagot.
1. Bakit kailangang gumawa tayo ng kabutihan sa kapwa?
2. Sa paggawa ng tama sa kapwa kailangan bang mag hintay tayo ng kapalit?
3. Ano ang magiging kahihinatnan kung hindi tayo marunong tumulong sa kapwa?
4. Bilang isang kabataan, ano ang pinagbabatayan mo sa iyong pagpili?
Basahin at unawain ang teksto na “ Ang Aking Pinahahalagahan at Nalinang na Birtud” pahina 5-6
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa metastrip at idikit ito sa tsart.
Mga tanong:
1. Ano ang pinahahalagahan ni Joven sa buhay na nais niyang abutin?
2. Ano-ano ang kanyang mga pinagdaanan sa buhay na makahahadlang sa kanya sa pag-abot nito?
3. Ano-ano ang ginawa niya upang malampasan ito?
4. Ano ang nalinang sa kanyang pagkatao dahit ditto?
5. Paano nagkakaugnay ang pinahahalagahan ng tao sa kilos o gawain niya?
Kabuuan 40 pts
Ano ba ang virtue?
Ang virtue ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang para sa tao. Kung kaya, hindi natin maaaring sabihin ang “virtue ng anumang hayop” dahil ang isang hayop ay walang kakayahan na ng anumang virtue.
Ang Birtud ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
1. Intelektuwal na Birtud
2. Moral na Birtud
Ang mga intelektwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag
na gawi ng kaalaman (habit of knowledge).
Mga Uri ng Intelektwal na Birtud
1. Pag-unawa (Understanding)
2. Agham (Science)
3. Karunungan (Wisdom)
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
5. Sining (Art)
2. Moral na Birtud
Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao.
1. Katarungan (Justice).
2. Pagtitimpi (Temperance or Moderation).
3. Katatagan (Fortitude).
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence).
• Paano mo magagamit ang iyong birtud sa makataong pamumuhay? Ipaliwanag.
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ba ay tumutukoy sa birtud at konseptong pangkaalaman nito. Isulat ang TAMA kung tama at MALI naman kung mali.
________1. Ang virtue ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahalugang “pagiging tao”.
________2. Ang tao ay may magkakatulad na isip ngunit hindi tayo magkakatulad ng kaalaman.
________3. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan.
________4. Ang birtud ay nahahati sa limang pangunahing uri.
________5. Ang birtud ay walang kaugnayan sa pagpapahalaga ng tao.
Simulan ang pagsusulat sa iyong journal/diary notebook. Itong gawain itong ay gagawin tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes lamang, magsisilbi itong proyekto para sa Ikatlong Markahan.
Sir. Teloi Escala