Ano ang Magna Carta for Women?
Ang Republic Act 9710
Ito’y naisabatas noong ika-14 ng Agosto taong 2009
Anong mga karapatan ang binibigay ng batas na ito?
Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.
Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado.
Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t ibang uri ng pagsasanay.
Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan
Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno, hukbong sandatahan, kapulisan at iba pa.
Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng media
Pagkakaroon ng two-month leave na may bayad sa mga babae na sumailalim sa isang medikal na operasyon, pagbubuntis o gynecological na mga sakit
Patas na karapatan sa mga bagay at usapin kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping pampamilya.
Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng politika at pamumuno at itulak ang ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan.
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
Women in Especially Difficult Circumstances
BIKTIMA NG PANG-AABUSO AT KARAHASAN
BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT AT HUMAN TRAFFICKING