Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

ano nga ba ang human trafficking?

Kung inyong aakalain, ang human trafficking ay isang simpleng problema lamang na madaling hanapan ng solusyon. Ang human trafficking ay isang panlipunan at pangglobal na isyu dahil ang problemang ito ay laganap na hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ito rin ang ikatlong pinakamalaking krimen sa mundo.

Tinatawag din itong “slave trading” dahil ang mga taong gumagawa nito na tinatawag na “traffickers” ay bumibili ng mga bata at babae sa iba’t ibang lugar.

Ito ang ilegal na pangangalakal ng mga tao para sa forced labor, sexual exploitation at human slavery. 79% ang bilang ng mga biktima ng sexual exploitation, 18% sa forced labour, at 20% ang bilang ng mga batang biktima.

Libu-libo ang biktima ng human trafficking sa Pilipinas taun-taon. Pero ano nga ba ang situwasyon ang nagpapalala ng human trafficking? Karamihan sa biktima ay mahirap, kapos sa edukasyon, walang trabaho, at desperadong naghahanap ng pagkakataong mangibang bansa. Karamihan ng nabibiktima ng illegal recruiters ay ipinapadala sa mga bansang ipinagbabawal ang mga Pinoy OFWs.

“4Ps” – Partnership, Prevention, Prosecution and Protection. Ito ang estratehiya ng pamahalaan natin sa loob at labas ng bansa.

CHart

  • May Women & Children’s Complaint Desk ang Philippine National Police na nagsanay nang 3000 tauhan para kilalanin ang mga nabiktima.
  • Ipinasasara ng Department of Labor and Employment ang mga lugar aliwan sa bansa (“entertainment spots”) na nagbibingit sa kabataan sa prostitusyon.
  • Sa labas ng bansa, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nakikitungo sa iba’t ibang gobyerno at sa lahat ng OFW, kasali na ang mga na-recruit na labag sa batas o na-traffic.
  • Ang Bureau of Immigration ang namamahala sa mga rekisito ng pag¬lalakbay palabas ng bansa, humuhuli sa mga pinaghihinalaang trafficker, at mabusi¬sing pinag-aaralan ang modus operandi ng mga sindikato sa trafficking.
  • May 24/7 action line ang Commission on Overseas Filipinos na nakatuon sa paglaban sa trafficking.
  • Para sa mga naililigtas, ang Department of Social Welfare and Development ay may 42 na kanlungan sa buong bansa na tumutulong sa rehabilitasyon at nagsisilbing ligtas na tuluyan ng mga biktima pagbalik ng bansa.

ano ba ang maarring gawin?

Kung namimiligro ka o may kilalang biktima ng trafficking, tumawag sa 1343 Hotline.

Kung nag-aapply bilang domestic helper, huwag piliin ang mga bansang kilalang nang-aapi ng Pinoy, at mga bansang pinagbabawal puntahan ng DFA.

title

  • Kung nag-aapply sa recruitment agency, siguraduhing lisensyado ng Philippine Overseas Employment Agency at may active job order.
  • Sa probinsya, tandaang kailangan may provincial recruitment authority ang recruitment agency. Huwag makipag-transaksyon sa labas ng opisina ng agency o magtiwala sa kahit sinong hindi pormal na kinatawan ng lisensyadong agency.
  • Bayaran lamang ang lehitimong placement fee, bukod sa gastos sa documentation at processing. Magbayad lamang ng placement fee kung may employment contract at official receipt ka na.
  • Huwag maniwala sa mga ads o brochure na pinapadala ang bayad para sa pag-proseso ng papeles sa Post Office Box address.
  • Huwag makitungo sa training centers at travel agencies na nangangako ng trabaho sa labas ng bansa, lalo na sa mga fixers. Huwag tumanggap ng tourist visa kung magta-trabaho abroad.

mga uri ng human trafficking

  • Forced Labor
  • Slavery
  • Sexual Exploitation

FORCED LABOR

Ang sapilitang paggawa ay tumutukoy sa mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay pinipilit na magtrabaho sa pamamagitan ng paggamit ng karahasan o pananakot, o sa pamamagitan ng mas banayad na paraan tulad ng naipon na utang, pagpapanatili ng mga papeles ng pagkakakilanlan o pagbabanta ng pagtuligsa sa mga awtoridad sa imigrasyon.

Sapilitang paggawa, kontemporaryong porma ng pagkaalipin, pagkaalipin sa utang at human trafficking ay malapit na nauugnay sa mga termino bagaman hindi magkapareho sa isang ligal na kahulugan. Karamihan sa mga sitwasyon ng pagkaalipin o human trafficking ay nasasakop ng kahulugan ng ILO ng sapilitang paggawa.

slavery

Ito isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tintratro ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula nang sila'y nabihag, nabili o sinilang, at inaalisan ng karapatan na magbakasyon, tanggihang magtrabaho, o tumanggap ng bayad (katulad ng sahod). Maaaring bumilang sa kamakailan lamang gamit ng mga katawagang "pang-aalipin" o "alipin" ang metaporikal at analogong mga gamit na nailalapat sa mga mababang anyo ng sapilitang trabaho.

SExual exploitation

Ito ang pagpilit ng mga hindi kanais-nais na sekswal na pag-uugali ng isang tao sa iba. Kung ito ay agarang pamumwersa, ng maiksing durasyon, o madalang, ito ay tinatawag na sekswal na panghahalay. Ang may-sala ay tinatawag bilang isang mang-aabusong sekswal o (madalas na nakasisira) tagamolestiya.[1] Ang kataga ay sumasaklaw din sa anumang pag-uugali ng sino mang may sapat na gulang tungo sa isang bata upang pasiglahin ang sino man sa dalawa ukol sa gawaing sekswal. Kung ang biktima ay mas bata kaysa sa edad ng pagpapahintulot, ito ay tinutukoy na pang-aabusong sekswal sa bata.

SALAMAT SA PAKIKINIG!!!

members

balmonte, marie a.

domingo, elixer decem g.

marzo, tifanny g.

ylarde, gealai p.

frago, nicalyn r.

salinas, renalyn j.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi