Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ayon kay Nebin (2002), ito ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
Ang pahina para sa titulo ay kailangan kung ang proposal ay mas mahaba sa tatlong pahina. Kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon
ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala.
Tandaan na ang titulo ng proyekto ay dapat na maiksi at tuwiran, at
dapat na tumutukay sa pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto.
ldagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o
higit pang pahina. Mahalaga ang pahinang ito upang madaling mahanap ang mga bahagi ng proposal. Naglalaman ito ng titulo ng bawat seksyon at
ang panimulang pahina ng mga ito.
Ito ang huling ginagawa na bahagi ng panukala. Inaasahang makikila sa
abstrak ang pagtalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsable
sa lmplementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang
badyet,
Ito ay para magkaroon ng buod ang buong panukala at mabigyan ng masaklaw na pagtingin ang nagbabasa nito. Tiyaking maikli tamang ang abstrak na ihahanda.
Ang bahaging ito ay naglalaman sa sanligang sosyal, ekonomiko,
Polltikal, at kultural ng panukalang proyekto. Naglalaman ito ng mga
kaugnay na datos mula sa mga pananaliksik na naitala mula sa pagpaplano sa proyekto, o ng mga datos na nakolekta mula sa iba't ibang mga sors.
Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon
Tinatalakay sa bahaging ito ang tiyak na
empasis sa bahaging ito kung papaanong ang isang isyu o sitwasyon
ay nagiging suliranin. Kaugnay nito, panatutunayan din sa bahaging ito
kung ano ang pangangailangan ng mga benepisyaryo batay sa nakitang
suliranin.
Pinagtutuunan ng bahaging ito
pagpapaliwanag sa pangangailangan ng mga target na makikinabang
dahil sa pagkakaroon ng suliranin. Ipinaliliwanag din sa bahaging ito
kung paano napagdesisyunan ang mga isasaad na pangangailangan.
Ilalarawan sa bahaging ito ang estratehiyang napili kung
papaano sosolusyunan ang suliranin at gayon din tatalakayin kung papaanong magdadala ng pagbabago ang gagawing hakbang.
Ilalarawan ang kapabilidad ng nagpapanukalang organisasyon upang tugunan ang suliranin inilahad. Isinasama sa seksyong ito ang mga nakaraang rekord
ng kapasidad sa pagresolba ng mga suliranin. Ihahayag dito kung bakit,
sila ang pinakakarapat-dapat upang pagkatiwalaang solusyunan ang
suliranin. Binigbigyang empasis din dito ang ekspertis ng organisasyon
o ng indibidwal na magsasagawa sa proyekto.
Ilalahad sa bahaging ito ang masaklaw na layon ng panukalang proyekto. Kaugnay ng layong ito, iisa-isahin din ang mga tiyak na layuning nais makamit ng panukala.
1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala;
2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapa unlad
pagpapabuti; at
3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon.
lpakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sita makikinabang dito. Isasama rito ang detalyadong deskripsyon ng laki at katangian ng mga benepisyaryo. Sa pagtukoy sa mga katangiang ito, maaaring gamitan ng kriterya tulad ng etnisidad, edad, kasarian, at iba pa.
Ito ang mga espisipikong nilalaman ng isang panukalang proyekto.
Dapat na malinaw at maikli
Halimbawa: “Panukala para sa TULAAN 2016 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika”
Ang proyekto ba ay seminar, o kumprensiya, palihan, pananaliksik, patimpalak, konsiyerto, o outreach program?
Kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang maisakatuparan ang proyekto?
Ilalahad dito ang mga pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito
Isusulat dito ang panlahat at tiyak na layuni. Nakadetalye rin dito ang mga pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon
Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
Ano ang pakinabang ng proyekto sa mga direktang maaapektuhan nito-sa ahensiya o indibidwal na tumulong upang maisagawa ang proyekto?
• Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sa pag-aapruba ng panukalang proyekto
• Bigyang-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukalang proyekto. Mahihirapang tumaggi ang nilalapitang opisina o ahensiya kung nakita nilang Malaki ang maitutulong nito sa mga indibidwal o grupong target ng proyekto.
• Tiyaking malinaw, makatotohanan, at makatuwiran ang badyet sa gagwing panukalang proyekto
• Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi sa panukalang proyekto. Gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap. Iwasan ang maging maligoy. Hindi makatutulong kung hihigit sa 10 pahina ang panukalang proyekto
Azupardo, Maridel
Cañero, Raezzelle
Cepeda, Marichor
Inojales, Vicente
Morre, Johnny
Navarro, Elisha
Onrubia, Eljhane
Pereira, Lovely
Piastro, Javy
Puerta, Brenn