Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Queenie Gwyneth B. Manangan

Jaycy Gundio

Marife Negre

DEPINISYON

Katitikan ng pulong

01.

Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon sa isang pagpupulong. Maikli, Tuwiran at Detalyado ang mga nakapaloob dito.

02.

Anuman ang layunin o uri ng pulong ay kailangang maitala ang mga mahahalagang napag-usapan o nangyari.

03.

Isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong na bahagi ng adyenda na nagsisilbing batayan at sanggunian ng mga bagay na tinalakay.

KAHALAGAHAN NG KATITIKAN NG PULONG

BAKIT NGA BA ITO MAHALAGA?

Ginagamit ang katitikan ng pulong upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo ang mga nangyari dito:

Y

anu-ano ang kanilang mga dahilan

kailan at saan ito nangyari

ano ang mga desisyon

01

04

03

05

02

ano ang pinag-usapan

sinu-sino ang mga dumalo, sinu-sino ang mga lumiban

X

Makikita sa mga mas detalyadong katitikan ng pulong (depende sa sitwasyon kung mas gagawing detalye ang katitikan) ang mga sumusunod:

kung sino ang nagsabi ng ano kanino,

at sinu-sino ang

magkakapareho ng

posisyon sa isang isyu

ano ang tugon dito ng

pinatutungkulan at ng iba

pang nasa pulong,

TANDAAN!!

Hindi magandang ideya ang iasa ang lahat sa iyong memorya

Katulad ng korespondensiya opisyal, nagsisilbing permanenteng rekord ang mga katitikan ng pulong.

Gaano man katalas ang memorya, hindi maaasahang

mananatilinang matagal sa isip ang mga iminemorya.

Imposibleng matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong.

Sa pamamagitan ng katitikan ng pulong,

maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring komunikasyon.

maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan ang isang katitikan ng pulong.

halimbawa:

Ang katitikan ng mga pulong na nilahukan ni Andres Bonifacio at iba pang opisyal ng katipunan.

Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing hanguan ng mga impormasyon para sa mga susunod na pulong.

Maaari itong gawing sanggunian.

Halimbawa:

Kapag may malaking epekto ang ginanap na pulong sa mga susunod na proyekto o gawain sa loob ng organisasyon.

Katulad din ng korespondensya opisyal at iba pang opisyal na dokumento ng organisasyon o kompanya, magagamit ang katitikan ng pulong bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o higit pang indibidwal o grupo.

Ginagamit din ang katitikan ng pulong upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain.

Ilang beses siyang lumiban o nahuli sa dating sa mga pulong?

Anong magagandang ideya ang kaniyang inihain?

Gaano siya kabukas sa mga mungkahi at ideya ng mga kasama sa trabaho?

Ang mga sumusunod na gabay ay makatutulong sa pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan ng Pulong.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

BAGO

Bago ang pulong.

Template

Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat.

Maglaan ng maraming espasyo.

Bago pa man magsimula ang pulong,

Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong pulong.

Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa.

Maaaring magtanong sa mamamahala sa pulong at sa mga dumalo upang hindi na mahirapang unawain kung ano ang nangyayari sa pulong.

Maaaring gumamit ng lapis, laptop, o tape recorder.

HABANG

Habang nagpupulong.

Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong.

Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng mga kalahok.

Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.

Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.

PAGKATAPOS

Pagkatapos ng pulong.

Repasuhin ang isinulat.

Kung may mga bagay na hindi naintindihan, lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namahala rito o ang iba pang dumalo.

Maaaring magdagdag ng mga komento.

Gawin ito habang sariwa pa sa isipin ng lahat ang mga impormasyon

Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.

Kapag tapos nang isulat o i-encode ang katitikan ng pulong ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.

Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita bantas, at iba pa.

Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya.

Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa hinaharap .

MAHAHALAGANG PAGKATUTO

Mahalaga ang katitikan ng pulong dahil nakapaloob dito ang mahahalagang impormasyong may kinalaman sa operasyon ng organisasyon o kompanya. Kailangang siguraduhing naitatala rito nang wasto ang mahahalagang diskusyon, rekomendasyon, at desisyon. Totoong hindi madali ang gumawa ng katitikan ng pulong, ngunit hindi kailangan itong katakutan at iwasan dahil may mga paraan upang malinang ang kasanayan sa pagsulat nito.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi