Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Tinatalakay rito ang mga nagawa ng iba’t ibang manunulat, siyentipiko, at eksperto sa isang particular na larangan. Binibigyang pagpapahalaga sa bahaging ito ang prinsipyo, batas, konsepto, pagpakahulugan at teorya na maiaangkop sa ginagawang pag-aaral.
Nagbibigay ng konteksto para masuri ang problema
Ang balagkas teoretikal ay madalas na hindi isang bagay na agad na makikita sa loob ng panitikan.
Mga stratehiya sa pagbuo ng epektibong balangkas teoretikal:
1. Suriin ang iyong thesis title at research problem. Ang problema ng iyong pananaliksik o ang research problem ay nagsisilbing aparato ng inyong buong pananaliksik at ito ay bumubuo ng basehan para magawa ang iyong balangkas teoretikal.
2. Mag brainstorm tungkol sa kung ano ang iyong isaalang-alang para maging key variables ng iyong pananaliksik. Sagutin ang tanong na “Anong kadahilanan ang mag-aambag para sa mabubuong epekto?”
3. Magsuri ng kaugnay na panitikan (Review Related Literature) para mahanap kung ano ang ipipinapahiwatig ng ibang manunulat tungkol sa iyong research problem. Alamin ang palagay o assumption base sa ipinapahiwatig ng manunulat sa problema.
4. Ilista ang constructs at variables dahil maaring maging kailangan ito sa iyong pananaliksik. Igrupo ang variables sa dalawang kategorya ang independent at ang dependent.
5. Suriin ang key science theories na magpapakilala sayo sa iyong course readings at pumili ng teorya na pinakamahusay na magpapaliwanag ng relasyon sa pagitan ng key variables ng iyong pananaliksik.
6. Pag-usapan ang assumptions o propositions ng teoryang ito at ituro ang kanilang kaugnayan sa iyong pananaliksik.
Ang balangkas teoretikal ay ginagamit para limitahan ang saklaw ng may kaugnayang datos sa pamamagitan ng pagpokus sa specific variables at pagtukoy sa specific viewpoint [framework] na kukunin ng tagapagpanaliksik sa pagsusuri at pagbibigay-kahulugan sa datos na iipunin.
Ang gamit ng balangkas teoretikal bilang isang gabay sa pananaliksik. Ito ay importante dahil ito ay nagsisilbing gabay para sa buong proceso ng pananaliksik. Ginagawa ang mga teorya upang maipaliwanag, hulaan at magkaroon ng malawakang kaalaman ukol sa isang phenomena (hal. Relasyon, pangyayari, at pag uugali).
1. Sa Social Cognitive Theory ni Bandura (1986) binibigyang-diing nakukuha ng tao ang pag-uugali sa pamamagitan ng pagmamasid sa iba at paggaya sa anumang napagmamasdan. Puno ng mga iba't ibang karakter, mabuti o masama man, ang mga advertizment na maaaring gayahin ng mga bata. Subalit sa patnubay ng titser at sa paggamit ng mga ito sa pagtuturo ay magiging makabuluhan ang mga maiikli subalit maimpluwensyang mga advertizment. Pinapatunayan lamang nito na ang pagkakaroon ng may nakakasalamuha sa isang organisasyon o grupo ay may dulot sa pag-uugali at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili.
2. Ayon sa Informational Social Influence Theory ni Cialdini, kinokopya ng isang tao ang iba kapag hindi niya alam kung papaano kumilos nang tama. Kahalintulad din nito ang paggaya sa mga taong nasa kanyang kapaligiran na sumusuporta sa pagkakaroon ng isang organisasyon (Panlipunan man o Pansining) at ang epekto nito sa introvert na ugali (pagtingin at pag-uugali sa kanyang sarili) ng isang tao.