Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Napakahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang pananaliksik sapagkat isa ito sa kinakailangan sa kolehiyo. Ito rin ay pagpapakita ng iyong kasanayan sa pagtitiyaga, kasipagan at disiplina bilang mag-aaral. Sa bahaging ito, tatalakayin ang mga batayang kaalaman sa pananaliksik maging ang dapat taglayin ng isang mananaliksik
NAGBIBIGAY-LINAW
Ideyang maaari ng Alam may marami ngunit nangangailangan ng dagdag na datos at paliwanag.
PAGSISIYASAT
Anumang pagpapalagay, ideya o kuro-kuro ay pinaglalaanan ng sapat na katibayan para mapatunayan.
MASUSI
NAGPAPATUNAY
Nagbibigay ng nosyon, pahayag, kuro-kuro at paniniwala.
PAG-AARAL
Bunga ng pagsisiyasat na kinakailangang timbangin, gayahin at suriin
Sapagkat ang bawat ideya, impormasyon, pahayag at katwiran ay inuusisa,inaanalisa, nililinaw at pinag-aaralang mabuti bago gumawa ng mga konklusyon.
MASURI O KRITIKAL
Dapat na taglayin ng mananaliksik at maging ng pananaliksik ang katangiang ito upang maging mahusay ang paglalapat ng mga datos,
OBHETIBO
Ang mga datos ay nagmumula sa mga Walang kinikilingan pag-aaral. Ang mga interpretation ay nakabatay sa paghahanay, pagtataya ay pagsusuri ng mga impormasyon nito.
DOKUMENTADO
Sa bahagi ito, kinakailangan ang pagkilala sa mga datos na isinaalang-alang sa loob ng pananaliksik. Ang mga pahayag na kinuha maging ang mga materyales ay isinasama dito.
IBA’T IBA ANG DATOS NA GINAGAMIT
Maaaring gumamit ng mga datos na may kaugnayan sa iyong
Pananaliksik na isinasagawa.
METODOLOHIYA O PAMAMARAAN
Ito ang tumutulong upang maging mahusay ang daloy ng isang pananaliksik.
Tumuklas o mangalap ng bagong datos o impormasyon.
Maglatag ng bagong interpretasyon o pagpapakahulugan sa lumang ideya.
Magbigay-linaw sa pinagtatalunang isyu.
Manghamon sa katotohanan gamit ang pagiging makatwiran dulot ng Makatotohanang ideya.
Magbigay patunay na katanggap-tanggap ang isang ideya, pahayag o paniniwala.
Maglahad n historical na pananaw para sa isang sitwasyon.
Pang- Araw-araw na Gawain
Akademikong Gawain
Larangan ng kalakal, Pangkabuhayan o Bisnes
Iba’t ibang Institusyong Panggobyerno.
PAKSA
Kinakailangang isaalang-alang ng mananaliksik ang pagpili ng paksa Sapagkat Ito ay magsisilbing pundasyon niya sa kabuuan ng pag-aaral.
MANUNULAT O MANANALIKSIK
Sino ang gagawa ng pananaliksik? Ayon sa Philippine Collegian "Kung Hindi Tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung Hindi ngayon, kailan?
MAMBABASA
Karapat-dapat lamang na isaalang alang ang magiging tagatanggap o mambabasa ng pananaliksik na iyong isasagawa.
METODOLOHIYA O PAMAMARAAN
Sa bahaging Ito, binibigyang-pansin ang tulay magbibigay saan Sa katagumpayan ng pag-aaral. Ngunit dapat tandaan na Hindi lahat ng metodolohiya ay angkop Sa kulturang mayroon ang bawat isa.
IDEYA AT INTERPRETASYON
Ang kabuuang pagsusuri o interpretasyon ay mahalaga sa kabuluhan ng pananaliksik. Dulot ng ating kolonyal na karanasan na pinalalim at pinalawak ng sistema ng edukasyon sa bansa.
WIKA, MIDYUM O LENGGWAHE NG PANANALIKSIK
Mahalaga ang wikang gagamitin ng mananaliksik sapagkat ito ang magiging tulay upang maisakatuparan mo ang pagbabahagi ng impormasyon sa ibang mananaliksik.
Matiyaga - Kinakailangang ikaw ay matiyaga sa paghahanap ng mga datos on ideya na magmumula sa aklat, institusyon, opisina, internet at mga artikulo.
Maparaan – Mainam kung tataglayin ng isang mananaliksik ang ganitong katangian sapagkat maraming pagkakataon na may mga suliranin na kahaharapin ito.
Analitikal at Kritikal- Ang bahaging ito ay dapat lamang isaalang-alang ng mananaliksik sapagkat sa dami ng suliraning pangteksto at kaalaman ay dapat maging mapanuri ang mananaliksik sa lahat ng bagay
Maingat – Pagdating sa pagpili ng mga datos o pahayag na ilalapat sa pananaliksik, kinakailangan ang mga ito ay maingat sapagkat sa panahon ngayon ay maraming artikulo ang naglipana o lumalaganap.
Sistematiko – sa panganagalap ng kagamitan, sa dokumentasyon at pagsasagawa ng itinakdang aktibidad tungo sa pagbuo ng pananaliksik.
Matapat – Sa bahaging ito, masusubok ang katapatan at kawastuhan ng paggamit ng mga datos, kung saan nakuha o nagmula ang mga ideya na iyong inilapat sa pananaliksik
Ang mga sumusunod ay ang etikang isinasaalang-alang ng mga mananaliksik.
Pagkilala sa ginamit na ideya o pahayag.
Huwag kang kumuha ng datos nang walang pahintulot o permiso ng manunulat.
Iwasan ang paggawa ng mga personal na kuro-kuro o obserbasyon, higit lalo kung negatibo o nakasisirang-puri sa taong kinapanayam.
Huwag magpaligoy-ligoy at mag-shortcut.
Iwasang mandaya o kumuha ng impormasyon ng hindi sa iyo. Ang pandaraya ay isang krimen sa larangan ng pananaliksik.
PLAGIARISM AT RESPONSIBILIDAD NA MANANALIKSIK
Ang pangongopya ay pandaray at di-katanggap-tanggap sa larangan ng pananaliksik. Maaaring ito mapunta sa usanping legal kung kaya mainam kung iiwasan ang ganitong uri ng gawain.
Plagiarism ang salitang teknikal na ginagamit sa wikang ingles na may kaugnayan sa pangongopya ng ideya, pahayag o pananaliksik ng isang indibidwal nang walang pagkilala o pagbanggit.
Ang mga sumusunod ay ang anyo o uri ng plagiarism:
Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba.
Pagkopya o paggamit ng mga ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa porma o ayos ng pangungusap nang hindi kinikilala ang manunulat.
Pag-angkin at paggaya sa pamagat o kabuuang pahayag ng iba.