Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading content…
Loading…
Transcript

b

Y

FLORANTE AT LAURA

2

X

g

m

1

p

PAGSAGIP SA PANGIL NG MGA LEON

F

SAKNONG 126-142

E

126

Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak,

gerero’y hindi na napigil ang habag,

tinunton ang boses at siyang hinanap,

patalim ang siyang nagbukas ng landas.

127

Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik

sa dagok ng lubhang matalas na kalis,

Moro’y di tumutugo’t hanggang d nasapit,

ang binubukulan ng maraming tangis.

128

Anyong pantay-pantay ang lagay ng araw,

niyong pagkatungo sa kalulunuran,

siyang pagkataos sa kinalalagyan,

nitong nagagapos na kahambal-hambal.

129

Nang malapit siya’t abutin ng sulyap,

ang sa pagkatali’y linigid sa hirap,n

nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas,

katawan at puso’y nagapos ng habag.

D

130

Malaong natigil na di nakakibo,

hininga’y hinabol na ibig lumayo,

matutulog disin sa habag na dugo,

kundangan nagbangis leong nangagtayo.

131

131

Naakay ng gutom at gawing manila,

nag-uli sa ganid at nawalang-awa;

handa ang ngipi’t kukong bagong hasa,

at pagsasabayan ang gapos ng iwa.

132

132

Tanang balahibo’y pinapangalisag,

nanindig ang buntot na nakagugulat;

sa bangis ng anyo at nginasab-ngasab,

Puryang nagngangalit ang siyang katulad.

133

133

Nagtaas ng kamay at nangakaakma

sa katawang gapos ang kukong pansira;

nang darakmain na siya’n na siyang pagsagasa,

niyong bagong Marteng lumitaw sa lupa.

134

134

Inusig ng taga ang dalawang leon,

si Apollo mandin sa Serp’yente Piton;

walang bigong kilos na di nababaon,

ang lubhang bayaning tabak na pamutol.

135

135

Kung ipamilantik ang kanang pamatay,

at saka isalag ang pang-adyang kamay,

maliliksing leon ay nangalilinlang,

kaya di nalao’y nangagumong bangkay.

136

136

Nang magtagumpay ang gererong bantog,

sa nangakalabang mabangis na hayop,

luha’y tumutulong kinalag ang gapos,

ng kaawa-awang iniwan ng loob.

C

137

Halos nabibihay sa habag ang dibdib,

dugo’y nang matingnang nunukal sa gitgit;

sa pagkalag niyang maliksi’y nainip,

sa siga-sigalot na madlang bilibid.

138

Kaya ang ginawa’y inagapayanan,

katawang malatang para bagang bangkay;

at minsang pinatid ng espadang tangan,

walang awing lubid na lubhang matibay.

139

Umupo’t kinalong na naghihimutok,

katawang sa dusa hininga’y natulog;

hinaplos ang mukha’t dibdib ay tinutop,

nasa ng gerero’y pagsaulang-loob.

B

140

Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay

ng kanyang kalong na kalumbay-lumbay,

nininilay niya at pinagtatakhan,

ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141

Namamangha naman ang magandang kiyas,

kasing-isa’t ayon sa bayaning tikas;

mawiwili disin ang iminamalas ng mata,

kundangan sa malaking habag.

142

Gulung-gulong lubha ang kaniyang loob,

nguni’t napayapa ng anyong kumilos

itong abang kandong na kalunos-lunos,

nagising ang buhay na nakakatulog.

A

PALAKPAKAN!

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi