Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Panghalip

Bahagi ng Pananalita

Tayo ay Manalangin!

Panimulang Panalangin

Paunang Pagtataya

Paunang Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at ito isulat sa koment seksyon o chatbox.

1

1. Inaantay ko ang pasalubong ni Ate. Ano ang panghalip sa pangungusap?

A. Ate

B. ko

C. Inaantay

Tamang sagot!

Sagot

1. Inaantay ko ang pasalubong ni Ate. Ano ang panghalip sa pangungusap?

B. ko

2. Ang mga bayani ay magigiting. Sila ay dapat _____ tularan. Ano ang bubuo sa pangungusap?

A. natin

B. atin

C. amin

2

Tamang sagot!

Sagot

2. Ang mga bayani ay magigiting. Sila ay dapat _____ tularan. Ano ang bubuo sa pangungusap?

A. natin

3

3. Binuksan niya ang kahon ng mga baso. Anong gamit ng panghalip ang ginamit sa pangungusap?

A. Bilang Layon ng Pang-ukol

B. Bilang Panag-uri ng Pangungusap

C. Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa

Balintiyak na Ayos

Tamang sagot!

Sagot

3. Binuksan niya ang kahon ng mga baso. Anong gamit ng panghalip ang ginamit sa pangungusap?

C. Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa

Balintiyak na Ayos

4. Anong pangungusap ang gumamit ng Panghalip na Panaklaw?

A. Sino ang kumain ng tsokolate?

B. Ang iba ay umalis na kahapon.

C. Kunin mo na ang mga aklat.

4

Tamang sagot!

Sagot

4. Anong pangungusap ang gumamit ng Panghalip na Panaklaw?

B. Ang iba ay umalis na kahapon.

5. Ito ang panghalip na inihalili sa

pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.

A. Panghalip na Panao

B. Panghalip na Pamatlig

C. Panghalip na Panaklaw

5

Tamang sagot!

Sagot

5. Ito ang panghalip na inihalili sa

pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.

B. Panghalip na Pamatlig

Panghalip

Ano ba ang Panghalip?

  • Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahalili o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Mga Gamit ng Panghalip

1. Ginagamit Bilang Simuno o Paksa ng Pangungasap

2. Ginagamit Bilang Panaguri ng Pangungusap

Mga Gamit ng Panghalip

3. Ginagamit Bilang Panuring Pangngalan

4. Ginagamit Bilang Pantawag

5. Ginagamit Bilang Kaganapang Pansimuno

6. Ginagamit Bilang Layon ng Pang-ukol

7. Ginagamit Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa

Balintiyak na Ayos

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao

2. Panghalip na Pamatlig

3. Panghalip na Panaklaw

4. Panghalip na Pananong

5. Panghalip na Pamanggit

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)

- ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan.

1

Halimbawa:

Kayo ang uupo sa unang hilera.

Sa akin ang tsinelas na puti.

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

- ay inihahalili sa pangngalan nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.

2

Ang mga halimbawa nito ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon.

Pronominal

Halimbawa:

Ang relong ito ay kay Alex.

Doon nagtatrabaho si Ate Lisa.

Ang mga halimbawa nito ay ang eto, heto, ayan o hayan, at ayun o hayun.

Panawag Pansin

Halimbawa:

Eto ang hinahanap kong sapatos.

Ayan na ang inaantay mo.

Ayun ang aso mo.

Ang mga halimbawa nito ay ang ganito, ganiyan o ganyan, at ganoon o gayon.

Patulad

Halimbawa:

Ganito ginagawa ang suman.

Ganiyan ang dapat mong gawin.

Ganoon mo ipatong ang upuan.

Ang mga halimbawa nito ay ang narini, nadini, narito, nandiyan, nariyan, naroon, at nandoon.

Panlunan

Halimbawa:

Narini ang mga damit mo

Ang mga mananayaw ay naroon.

Nariyan na ang bagong kasal.

3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng lahat, madla, simuman, bawat isa, alinman, anuman, ilan, saanman.

3

Halimbawa:

Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay ng Diyos.

Matigas ang ulo ng madla.

4. Panghalip na Pananong (interrogative Pronoun)

4

- inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong. Ito ay mula sa salitang "tanong" kaya’t may pakahulugan itong ‘pantanong’.

Maari itong isahan o maramihan na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay, tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa.

Panghalip Pananong (Isahan)

Isahan

Halimbawa:

1. Saan galing si Marga?

2. Sino ang kumuha ng pera?

3. Ano ang pangalan mo?

4. Ilan ang anak ni Berta?

5. Magkano ang kilo ng manok?

Panghalip Pananong (Maramihan)

Maramihan

Halimbawa:

1. Ano-ano ang kinain mo kanina?

2. Sino-sino ang kasama mo sa Luneta?

3. Magka-magkano ang ipapamili mong damit sa Divisoria?

4. Alin-alin ang maaari pang gamitin?

5. Kani-kanino mo ibibigay ang mga regalo?

5. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun)

5

- Ito ay kataga o parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:

1. Ang bata raw ay kinurot mo.

2. Sa ilog daw ang piknik sa Sabado.

3. Kinuha umano ni Rey ang payong mo.

4. Ang puno diumano ay mahiwaga.

5. Ani ng matatanda, hindi kailangang magmadali ang mga kabataan.

Maraming Salamat sa Pakikinig!

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi