Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ang debelopment ng pagpaplano sa wika sa Malaysia, Indonesia at Pilipinas

Ang supraetnik ay ang pag-adap sa isang katutubong wika na malawak ang gamit sa bansa. Natatalakay din ang linggwa frangka o ang komon na wikang ginagamit pangkomunikasyon ng mga magkakaibang wika.

Hindi nakabase sa bernakular ang proseso ng modernisasyon at unipikasyon.

Pagkakapareho ng tatlong bansa sa Southeast Asia

• Multilinggwal

• Biktima ng kolonisasyon

• Pagnanais at pagtatamo ng kalayaan

• Pagpili sa wikang pambansa at ang pag modisa nito

• Malaking papel ng wikang ingles

Halimbawa

Sa edukasyon, bernakular ang midyum ng pagturo hanggang pangatlong baytang sa elementarya.

Ang dahilan nito ay ang maiuugat na malaking papel ng wikang kanluranin at ang naging tendensya na palitan o mailaban ang katutubong wika

Tendensya ng supraetniko ay ang lumalawak na sentimyento ng nasyonalismo ng mga intelektual at nasa gitna at mataas na uring lipunan. Sila ang madalig umangkop dahil sa natamong edukasyon.

Karaniwang ginagamit ang wikang kanluran sa edukasyon, administrasyon at mass media

Ang isang elemento ng modernisasyon sa punto ng wika ay tinatawag na pagpaplanong wika.

Ang pagpaplanong wika ay isang organisadong paghahanap ng solusyon sa mga pambansang problema sa wika. Karaniwang problema ay nakapokus sa anyo o porma ng wika at sa paggamit. (Fishman)

Ito rin ay isang sinadyang paggagabay sa debelopment ng wika sa kontekstong pagbabagong panlipunan, pangkultura at panteknolohiya. (Alisjahbana)

At ito'y isang normatibong gawan ng mga akademya at komiteng pangwika. (Haugen)

- nakatuon sga solusyon sa problema ng wia

- nakasentro ang gawain nito sa pormulasyon at ebalwasyon ng mga alternatibo't pinakamahusay o pinakamagaling na solusyon

Kung gayon, ang paglutas sa problema sa wika ay may implikasyon sa edukasyon, linggwistika sosyal, sikolohiya, ekonomiko at pulitkal na aspeto sa bansa

Ang pagpaplanong wika sa Southeast Asia ay ang pagiging supraetnik.

Modernisasyon

Wika at Ideolohiya

Ito ay masasabing pagbabalik sa dating nakaguwian pero hindi na sa ilalim ng dating among kolonyal, kundi sa katutubong edukado na sinanay ng among kolonyal sa pinaghalong katutubo at kolonyal na sistema.

Ito ay naging batayan sa ideya ng pangangailangan na maging bahagi ng mas malaking lipunan at daigdig na lumiliit at mabilis nagbabago. Kung saan ang lipunang ito ay nangangailangan ng aktibong pagsangkto at pag-angko sa mga gawaing para sa pagbabago.

Ang wika ay isang elemento ng lipunan. Ito ay ang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan kung saan natatamo ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ito rin ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang mga tao sa mga gawain ng lipunan.

Wika, Nasyonalismo at Ideolohiya

Layunin nito na idiskarga at alisin ang mga naunang impluwensya. Naging inisyal na gawan ng akademyang pangwika ang pagpupuro sa wika.

Hindi nagtagal ang reaksyong ito, at naging modernisasyon

Nasyonalismo at pagpaplanong wika

Sa pamamagitan ng isang wikang pambansa mas madaling dumebelop ng mga institusyong pulitkal, ekonomikal at sosyal na magsisilbi sa buong populasyon.

Ang tendensiya ng pagkilos ng mga umuunlad na bansa na naging kolonya ay naka angkla sa tatlong yugto.

I. senopobyang pagdepensa sa umiiral sa bansa

II. pagtanggap ng superyoridad ng sibilisasyong kanluran

III. nasyonalitikong sintesis

Ang pagpaplanong wika ay ang paghahanap ng solusyon upang ang mga mamamayan ay magkaroon ng pagkakaisa sa halip na pagkakawatak-watak at pagkakasundo sa halip na pagtutunggali.

Sa kabilang dako, ito din ay instrumento sa di-pakikipagsundo at tunggalian sa loob ng sistemang pambansa.

Paano?

Kung ang piniling wikang pambansa ay di tinanggap ng bansa bilang kinatawan at simbolo

Kung ang piniling wika ay banyaga o hindi katutubo

Ito ang mga dahilan kung bakit maliban sa penomenon ng nasyonalismo nabuo ang pagpaplanong wika.

Sinasalamin ng mga ito ang debelopment ng wikang pambansa

Hindi pa man natatamo ang kalayaan, naging tendensya na ang mag adap sa isang katutubong wika para ipalit sa wika ng kolonisador.

Naging inisyal na reaksyon ang indihenisasyon o pagsasakatutubo.

Legitimacy

(i) Pagsalaming kultural sa identidad ng ideolohiya.

(ii) Pangangailangang interes ng populasyon.

- sentimental na pangangailangan ng tao

- instrumental na pangangailangan ng tao

Ang ideolohiya ng sistema ay lehitimo kung:

(a) nakikita ng mga tao ang repleksyon ng kanilang sarili;

(b) binubuo ng mga indibidwal na parepareho ang pagpapa-halaga, kultura, atityud at komitment; at

(c) nasasagot nito ang pangangailangan ng tao.

Paano naisasakongkreto ang ideolohiya ng bansang-estado?

Sa pamamagitan ng pagsasangkot ng estado sa mga indibidwal at grupo sa lipunan.

Gayunpaman, ito ay nakasalalay sa tindi at kalikasan ng pagtanggap ng mga indibidwal at grupo.

Kung gayon, ang sinseridad, tindi at kalikasan ay importanteng elemento sa pagtagumpay ng ideolohiya ng bansang-estado.

Ang tatlong elementong ito ay ang nagbibigay legitimacy sa bansang-estado.

NI PAMELA C. CONSTANTINO

Ang nasyonalismo ay isang penomena sa makabagong panahon dulot ng pagkabuwag ng kolonyalismo sa Asya, Latin Amerika at Aprika.

Ang ideang ito ay itinutumbas sa ideolohiya ng bansang-estado at nagdebelop bilang reaksyon sa kolonyal na dominasyon at westernisasyon.

Tungkol sa may-akda

Layunin ng nasyonalismo ang promosyon ng interes ng bansang-estado.

Sa Southeast Asia, ang nasyonalismo ay tugon sa mga problema ng pagbabago sa pamumuno ng nasyonalistikong grupo, samantalang sila ay nasa pormitibong yugto

• Nagtapos ng A.B., M.A., at Ph.D. sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman

• Propesor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa U.P. Diliman (kung saan siya ay naging isang tagapangulo)

• Isang awtor at editor ng mga teksbuk at mga libro ukol sa wika at komunikasyon. (Ilan dito ang Komunikasyon at Lipunan; Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas.)

• Kasalukuyan, siya ay ang General Education system-wide Coordinator para sa Komunikasyon I at II at acting cordinator ng Committee on Research and Creative Works ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman.

http://www.kabayancentral.com/book/up/mb5420648.html

Ano nga ba ang Nasyonalismo?

Pagbabalik tanaw sa naunang diskusyon.

Binubuo ng limang elemento.

• Pagkakaroon ng kamulatang pambansa

• Pambansang identidad

• Dimensyong heograpikal

• Patriotismo, at

• Pangangailangang aksyon

Ano ang isang Ideolohiya?

May positibo at negatibong konotasyon.

positibo - digmaan o rebolusyon

negatibo - kalayaan o liberalisasyon

Ito ay isang set ng magkakaugnay at organisadong paniniwala o ideya, at maging atityud ng isang grupo o komunidad. (Plamenatz 1970:15)

(Sargent 1987:15)

Ang nasyonalismo ay isang uri Ideolohiya.

Ang paniniwala, ideya, atityud at pananaw ay maaring pulitikal, legal, etikal, estetiko, relihiyoso at pilosopika. (Frolov, ed. 1967:187)

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi