Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Suliraning Dulot ng Rebolusyong Industriyal
Ang uri ng pamumuhay ng mga taong nasa panggitnang uri ng lipunan
Dahil sa pag-unlad ng pamumuhay sa Europa at Hilagang Amerika ay nagkaroon ng panibagong mukha ang pamilya.Ang mga kalalakihan ang nagsisilbing tagapagtaguyod sa kanilang pamilya.Ang mg babae ay nakasentro ang gampanin sa loob ng tahanan ngunit binigyan siya ng maraming katulong na gagawa ng iba pa niyang gawaing domestiko.Dahil dito nabigyan niya ng maraming panahon ang kanyang pamilya lalo na sa panahon ng kanilang leisure activities.
Maayos na sistemang pagbabangko
Ang Britanya noong ika-17 dantaon
ay mayroong pinakamaunlad na sistema ng pagbabangko sa buong Europa.Ang pagpapautang ang pinakamahalagang serbisyo na ibinibigay ng mga bangko sa Britanya.Sa pamamagitan ng pagpagpapautang na may maliit na interes,nahikayat ng mga bangko na mamuhunan ang mga tao sa makabago at maunlad na makinarya upang magtayo ng mga bagong pabrika at palawakin pa ang kanilang operasyon.
Ang Rebolusyong Industriyal ay hindi nagbigay ng kasaganahan para sa lahat.Ang dating manggagawa ay napalitan na ng mga makinaryang magpapatakbo ng pabrika.Maraming mga taga lalawigan ang nagtungo sa siyudad at ibayong dagat upang maghanapbuhay.Ang buhay sa pabrika ay hindi rin naging madali dahil may takdang oras silang magtrabaho ngunit ang kapaligiran ay hindi malinis.Nagdulot ito ng mga pag-aalsa at pagwewelga ng mga manggagawa kaya minabuti nilang magtatag ng unyon.
Ang paglago at paglaki ng rebolusyong industriyal
Naging kilala ang pangalan nina Alexander Graham Bell bilang imbentor ng unang telepono at Thomas Alva Edison na nagpakilala ng lakas ng elektrisidad upang ang isang buong kumunidad ay magkaroon ng buong liwanag at mapatakbo ang mga makabago nilang kasangkapan.Si Samuel B. Morse naman ay ipinakilala ang telegrapo na nakatulong upang makapagpadala ng mga mensahe sa mga kakilala,kaibigan at kamaganakan sa ibang lugar.
Mga Imbensyon sa Panahon ng Rebolusyong Industriyal
John Kay
Edmund Cartwright
James Hargreaves
Flying Shuttle
-Gawa mula sa kahoy na may hugis na parang barko.Binbigyan nito ng kakayahan ang mga manghahabing gumawa na doble ang bilis kaysa dati.
Power Loom
Spinning Jenny
-Ipinangalan mulasa kanyang asawa.Nagbigay
kakayaan sa manghahabi na gamitin ng sabay sabay ang lima hanggang walong uri ng sinulid
-Imbensyon na nagpanumbalik sa balanse ng bilis ng mga manggagawa upang makasabay sa mga makinarya.
Samuel Crompton
Richard Arkwright
Spinning Mule
-Pinagsamang katangian ng Spinning Jenny at Water Frame.
Water Frame
-Nagmumula sa pwersa ng tubig ang lakas upang paandarin ang Spinning Jenny
Eli Whitney
Cotton Gin
-Mabilis na nag-aalis ng mga buto mula sa bulak
James Watt
Steam Engine
-Pinaunlad na makinarya na higit na mabilis at mas matipid kaysa panggatong
Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspetong agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europa at sa Estados Unidos.Ang transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Insdustriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng ma bagong imbentong makinarya.Ito ay isang yugto kung saan nagkaroon ng pagtaas sa produksyon ng mga kalakal na gawa ng mga makina sa tulong ng mga bagong imbensyon.Nagbigay ito ng malaking produksyon sa mga bansa,karagdagang kita at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto.Maraming naninirahan sa mga kabukirin ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga industriya upang kumita nang malaki
Pagsisimula ng rebolusyong industriyal
Noong taong 1760 ay pinasimulan ang pagbabago sa pagprodyus ng tela sa Gran Britanya.Dati sa ilalim ng sistemang domestiko,ang trabaho sa pagpoprodyus ng tela ay ginagawa sa mga tahanan.Ang mga namumuhunang mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa mga pamilya hanggang sa makabuo ng isang produkto na kanya namang pinabibili at pinatutubuan.Ngunit ang halaga ng tela ay mahal kung kaya’t ang mayayaman lamang ang magkaroon ng maraming damit at paggamit ng kurtina at iba pang gamit sa tahanan na gawa sa tela
Ang bagong uri ng rebolusyon
Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa kalagitnaan ng ika-17 dantaon sa Silangang Inglatera at Timog Scotland.Ito ang panahon kung saan ang mga tao ay nagsimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksyon.Nagsimula ito noong 1760 kung kailan nagkaroon ng bagong imbensyong pansakahan at pinasimulan din ang rebolusyon sa agrikultura.Ang Gran Britanya ang nagpasimula nito dahil sa pagkakaroon niya ng maraming uling at iron na naging pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika.