Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal. Siya ay magdadalawampu’t apat na taon pa lamang nang isinulat niya ito.

Ayon kay Rizal, “Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (Na dapat ay ebahelyo ni San Juan ay 20:13-17), ay nangangahulugang “huwag mo akong salingin.”

Mga dahilan ng pagsulat sa Noli Me Tangere

1. Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang kasalukuyan ay walang sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay maselan kaya’t walang makasaling man lang.

2. Itinambad ang pagpapaimbabaw sa balatkayong relihiyon na nagpahirap at nagmalupit sa mga Pilipino noon.

3. Iangat ang tabing upang makita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw sa pangako ng pamahalaan. Ipakilala ang kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyon sa relihiyong kinakalakal ang banal na kasulatan upang mapagsalapi

4. Sinabi ang kapintasan at pagwawalang-bahala sa mga maralita na nagpakilala sa karuwagan ng mga mamamayan.

5. Ang nakasaysay dito ay pawang katotohanan at tunay na nangyari noon.

Dalawang aklat na naging inspirasyon ni Rizal

Ilan sa mga hadlang na ginawa ng mga Espanyol laban sa Noli me Tangere

1. Isinailalim sa masusing pagsusuri ang Noli Me Tangere sa isang sadyang komisyon at pagkatapos pinasya na dapat ipagbawal ang pag-aangkat, pagpapalimbag at pagpapakalat ng mapanganib na aklat.

2. Nagsulat ng mga polyeto si Fray Rodriguez laban sa Noli.

3. Bumuo ng lupon si Fray Salvador Font upang magsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang noli.

Tukuyin ang layunin o Dahilan ng may-akda kung bakit niya isinulat ang Noli Me tangere. Piliin ang iyong sagot sa Hanay B . Titik lamang ang isulat.

Sagutin ang mga sumusunod.

1. Ilarawan gamit ang sariling pananalita ang kondisyon n gating lipunan sa panahong isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.

2. Ilahad ang sariling pananaw kung bakit sa kabila ng nakaambang panganib ay itinuloy pa rin ni Rizal ang pagsulat ng Noli Me Tangere.

3. Magbigay-patunay na hindi nga nagkamali si Rizal sa kanyang pagsulat at pagkakalathala ng Noli Me Tangere sa mga nakabasa noon at magpahanggang ngayon.

Takdang-Aralin

Saliksikin ang mga tauhan sa Noli Me Tangere at mga katangian nito.

Salamat sa Pakikinig!!!

(^_^)

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

B

a. Upang maipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino

b. Upang sagutin ang mga panirang loob na matagal nang panahong ikinulapol sa mga Pilipino.

c. Upag maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madadaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.

d. Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.

e. Upang matigil ang paggamit ng banal na kasulatan bilang instrumento ng paghahasik ng kasinungalingan upang malinlang ang mga Pilipino.

A

_______1. Ang kanyang layunin kung bakit pinangahasan niyang gawin ang di magawa ng sinuman.

_______2. Dahilan kung bakit itinambad niya ang mga pagpapaimbabaw ng balatkayong relihiyon

_______3. Dahilan sa pag-aangat ng tabing na kumakanlong sa maling sistema ng pamamalakad ng espanyol.

_______4. Dahilan kung bakit nais niyang ipaunawa sa kanyang mga kababayan ang kanilang mga kahinaan at kapintasan.

_______5. Dahilan kung bakit ipanakilala niya ang kaibahan ng tunay at di-tunay na relihiyon.

Noli Me Tangere

Maximo Viola –

tumulong kay Rizal upang makapagpalimbag ng 2000 sipi.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi