Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Mga Paalala ni Rizal sa kanyang mga Kababayan
Una: Ang pagiging taksil ng ilan ay nasa karuwagan at kapabayaan ng iba.
Ikalawa: Ang inaalipusta ng isa ay nasa kakulangan ng pagmamahal sa sarili at nasa kalabisan ng pagkasilaw sa umaalipusta.
Ikatlo: Ang kamangmanga'y kaalipinan, sapagka't kung ano ang isip ay ganoon din ang tao.
Ikaapat: Ang ibig magtago ng sarili, ay dapat tumulong sa iba upang magtago sa kanila, sapagka't kung pabayaan mo ang iyong kapwa ay pababayaan ka rin naman
Ikalima: Kung ang babaeng tagalog ay di magbabago, ay hindi dapat magpalaki ng anak, kundi gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung hindi'y ipagkakanulo ng wala malay ang asawa, anak bayan at lahat.
Ikaanim: Ang tao'y inianak na magkatulad, hubad at di-gapos. Di nilalang ng Diyos ang tao upang maalipin.
Ikapito: Ibigin ang Diyos at ang Kanyang mga pangaral, dahil ito lamang ang daan upang siya ay mapalapit sa kabutihan at katotohanan.
"Gawa at hindi salita ang hiling ko sa inyo"
-Kristo
Mahalagang Impormasyon
Marcelo H. Del Pilar
Mga Nilalaman ng Liham ni Rizal
Mga Payo Ni Rizal