MGA PRODUKTIBONG MAMAMAYAN
MGA PRODUKTIBONG MAMAMAYAN
by:
ALMUEL C. DEVERA
JOHN RAY M. LABONETE
JANELLE CLARIZE N. TANGOG
SEAN JHOSOA A. LABASEN
KAHULUGAN NG PAGIGING PRODUKTIBO
Ang yaman ng bansa ay hindi dapat aksayahin dahil ito ay nauubos din. Kailangan nating itong ingatan at gamitin nang wasto at lubusan upang mapalaki ang produksyon ng mga kalakal at Walang trabahong mahirap kapag sinisikap nating maging masigla saoras ng Gawain at iwasan ang pagiging bugnutin. Kailangang pag-aralankung paano mapapadali ang Gawain. Kung may tagubiling tinatanggap,making na mabuti upang mapabuti ang gagawin. Kailangang tapusin angtrabaho sa takdang panahon. Ang pagtanggap ng mga gawaing manwal ayhindi dapat ikahiya. Anumang Gawain, basta marangal ay kailangangipagmalaki. Nakatutulong ito sa pagpapalaki ng produksyon. Kapag walangtatanggap sa mga gawaing manwal ay hindi susulong ang kaunlaran ngbansa.Ang pagtutulungan ng magkakasama ay nakakatulong sa pagigingproduktibo ng bawat isa. Gumagaan ang anumang mahirap na Gawain kapagito ay pinagtutulungan. Sa ganitong paraan, natatapos nang mabilis angGawain kaya nakatitipid pa sa oras. Nagagamit ang ibang panahon sa ibapang kapakipakinabang na Gawain.Ang mabuting pakikitungo ng mga tagapangasiwa ay nakatutulong samga manggagawa upang maging produktibo ang mga empleyado.Nagdudulot ito ng kasiyahan sa mga manggagawa. Ang pagsagot sa pagbating mga manggagawa ay nagsisilbing inspirasyon upahg higit nilangpagbutihin ang kanilang Gawain. Nakapagbibigay din ng pagtitiwala sa sariliang pagpuri sa mga gawaing natapos. Nagkakaroon ng sigasig sa paggawaang sinumang napupuri sa Gawain.Ang mabuting pakikitungo sa mga kasama sa trabaho ay maykinalaman din sa pagiging produktibo ng isang manggagawa. Dahil dito,dapat maging Masaya kapag nagtatrabaho.Ang gawaing pinagtutulungang tapusin ng isang pangkat ay dapatkilalaning trabaho ng pangkat at hindi dapat angkinin ng iisang tao.Nakawawala ito ng sigasig sa paggawa sa susunod na pagkakataon.May mga pinagkukunang-yaman na hindi dapat aksayahin. Dahil sakakulangan ng panustos sa lumalaking populasyon, may mga taongmalikhain na nagiging produktibo sa pamamagitan ng muling paggamit ngmga bagay na patapon re!y!ling".
Sinasabi sa ekonomiks na ang tao ay ang taga-proseso ng mga produkto sa pamamagitan ng paggamit ng lakas (man power). Ang tao rin ang siyang umuukit ng landas patungo sa kaunlarang pangkabuhayan at hangaring panlipunan ng isang bansa.
Mapalad ang Pilipinas sapagkat may mataas ng bilang ng populasyong ang ating bansa na maaring makapag-ambag sa pagtaas ng labor force. Dagdag pa rito, Karamihan dito ay mga bata na silang maaring linangin at paghusayin para maging produktibo sa hinaharap. Ganoon pa man, dahil sa mabilis na pagtaas ng populasyong bansa, mas nagiging mahirap ang pag-aaloka ng mga pinagkukunang yaman dahil sa mataas na pagkonsumo at sa di-madaliang panunumbalik ng mga ito. Nagiging dahilan ito kung bakit marami sa mga tao ang di na kayang mapunan ang kanilang panagagailangan sa pagkain na nagreresulta sa malnutrisyon at tag-gutom na nagreresulta naman sa hindi matalas na pag-iisip ng isang tao, wika nga ng iba "an empty stomach is equivalent to an empty brain". Bukod dito, dahil naman sa mataas na bilang ng kabataan sa kabuuang populasyon, marami ang kinakailangang bigyan ng epektibong edukasyong ng pamahalaan. Ito naman ang nagiging dahilan sa matinding kompetisyon ngunit mababang kalidad ng edukasyon. Halimbawa, kapag sobrang dami ng bilang ng estudyante sa isang silid-aralan, nahihirapan ang iisang guro na ipaabot sa lahat ng kanyang estudyante ang kanyang itinuturo dahil nagdudulot ito ng di-kaaya-ayang kapaligiran na nagreresulta sa distraksyon, pagkabagot at pagkahirap sa pagkuha ng tinuturo ng kanilang guro. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagiging mababa ang kakayahan, kasanayan at ekpiryensya ng mga kabataan upang maging hindi produktibo.
Masuwerte sana ang Pilipinas ngunit hindi na makayanang tugunan ng pamahalaan at sangkatauhan ang malaking bilang ng populasyon, lalo na ang mga kaakibat na epekto nito.
Bilang tugon sa katanungang "Paano nga ba magiging produktibo ang isang tao?", ako'y naniniwala na kailangan na hindi maging ganoon kalaki ang populasyon ng isang bansa upang makayanang tugunan pa ng ating kapaligiran ang pangangailan ng isang tao sa pagkain upang maproseso sa kanyang isip ang mga bagay. Ito ang magiging magandang dulot ng Family Planning sapagkat mababalanse ang kapaligiran. Ganoon din kailangang mas lalo pang bigyang pansin o pataasin pa ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan ng pamahalaan upang sa ganoon ang mga batang ito ay maging kapaki-pakinabang sa ating bansa sa hinaharap, maiwasan ang mga pabigat sa lipunan at maging hasa sa kanyang larangan o globally competitive na magpapataas hindi lamang sa karunungan ng bansa lalong higit sa labor force na kinakailangan upang mapaunlad ang isang bansa. Sa ganitong paraan ang mga tao ay magiging produktibo at mapanagutan sa kanyang kapaligiran.
Ganito ang itsura ng PRODUKTIBONG MAMAMAYAN