Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

1915-16: Mga Kaganapan

Ang Pagsisimula ng Sistemang Trintsera sa Bunsurang Kanluran

Naging mahirap para sa magkabilang panig ang pag-abante sapagkat iba't ibang paraan at teknolohiya ang pinairal sa pagsisimula pa lang ng digmaan. Naging maingat ang magkabilang panig kung depensa na rin lang ang pag-uusapan. Pinairal ang sistemang trintsera o trench warfare kung saan ang dalawang magkalabang panig ay naglalaban sa pagitan ng mga magkakaharap ng hukay. Bunga nito'y bumagal ang anumang pagsalakay at dala na rin ng pagkakaimbento ng masinggan, nahirapan ang mga sundalo na sumugod sa mga bukas na lugar na madaling makita ng mga kalaban gaya ng mga taniman at damuhan.

Ang sistemang trintsera ay ginamit sa buong kahabaan ng Bunsurang Kanluran o Western Front mula sa Dalampasigan ng Belhika sa hilagang-kanluran hanggang sa hangganan ng Switzerland sa timog-silangan. Sa pagtatapos ng 1914, halos hindi umusad ang mga trintsera sa kabila ng tumitinding bakbakan sa pagitan ng pinagsamang lakas ng Gran Britanya't Pransya at Alemanya. Ang bawat siyentipiko sa pagitan ng mga naglalabang bansa ay nagtrabaho araw-gabi upang makaimbento ng panibagong sandata. Isa na rito ang nakalalasong gas (poison gas) na ginamit ng malawakan ng Alemanya saIkalawang Labanan ng Ypres. Ang nakalalasong kemikal ay napagdudulot ng matinding sakit at unti-unting pagkamatay sa mga biktima nito. Makalipas ang ilang panahon, ginamit na rin ito ng Alyadong Pwersa bagaman kailanma'y ni hindi ito nakapagpanalo ng isang labanan.

Kung tutuusin ay maliit lamang ang Hukbong Katihan ng Gran Britanya na inilalaban sa Pransya subalit dahil na rin sa malawak niyang imperyo, nagawa niyang kumuha ng iba't ibat pwersa mula sa mga bansang kanyang nasakop. Ipinadala ang Sandatahang-lakas ng Canada, India at ng pinagsamang pwersa ng Australia at New Zealand o ANZAC upang tulungan ang Alyadong Pwersa sa bakbakan sa Bunsurang Kanluran.

Pagsapit ng Pebrero 21, 1916, inilunsad ng Alemanya sa pangunguna ni Heneral Erich von Falkenhayn ang malawakang kampanya laban sa posisyon ng Alyadong pwersa sa Verdun. Sa pagtatapos ng Hulyo ng taon ding iyon ay mahigit 600 000 sundalo na ang nalagas sa panig ng Alyadong Pwersa bunga na rin ng nasabing opensiba subalit bigo pa rin ang Alemanya na masakop ang Verdun.

Naglunsad naman ng malawakang opensiba ang Gran Britanya sa kahabaan ng Ilog Somme sa hilagang Pransya sa pamumuno ni Field Marshall Douglas Haig. Nagdulot ito ng matinding pinsala sa panig ng mga Ingles kung saan sa unang oras ng unang araw pa lamang ng bakbakan ay nalagasan agad ito ng 19 240 sundalo. Magkaganoon pa man ay nakaabante ng may 8 kilometro (5 mi) ang Alyadong Pwersa sa linya ng mga Aleman sa buong panahon ng labanan bagaman hindi gaanong nagtumpay ang nasabing kampanya.

Paglagda sa Armistiya at Wakas ng Digmaan

Dala ng sunod-sunod na tensyon, napilitan nang bumaba sa tungkulin si Kaiser Wilhelm II noong Nobyembre 9 at tumakas patungong Olanda at itinatag sa Alemanya ang Republikang Weimar. Nilagdaan ang armistisyo sa kagubatan ng Compiegne, Pransya noong Nobyembre 11 at nangako ang mga Aleman sa anumang kondisyong matatanggap nito sa naturang pagsuko. Una rito, nagawa namang mapa-usad ng Alyadong Pwersa sa Rehiyong Balkan ang Bunsurang Masidonyan kaya't nabawi ang Serbia, Montenegro at ilan pang mahahalagang lugar. Tinalo ng pinagsamang sandatahang Ingles, Pranses, Serbian at ANZAC ang mga Bulgarian sa Labanan ng Dobro Pole subalit makalipas lamang ang ilang araw ay napanalunan naman ng mga ito ang Labanan ng Doiran kaya't hindi naituloy ang balak na pagsakop sa Bulgaria. Lumagda ito ng armistisyo noong Setyembre 29 sa Solun, Thessaloníki. Sumuko ang Imperyong Ottoman sa Mudros noong Oktubre 30 matapos matalo ang pinaka-epektibong pwersa nito sa Labanan ng Megiddo sa Palestina. Matapos ang malaking pagkatalo sa Labanan ng Caporetto noong nakaraang taon, nagawa namang maipanalo ng mga Italyano ang Labanan ng Vittorio Venetokung saan nawalan na ng lakas ang Sandatahang Austrian upang makibaka pa para sa depensa ng imperyo. Inanunsyo na nito ang pagsuko subalit itinuloy ng mga Italyano ang pag-abante sa Trento, Triesteat Udine. Nagpadala na ang Austria-Unggarya ng bandila ng pagsuko at nilagdaan ang armistisyo sa Villa Giusti malapit sa Padua noong Nobyembre 3.

Unang Digmaang Pandaigdig

Kinailangan din ng Austria-Unggarya na hatiin ang kanyang pwersa tulad ng ginawa ng Alemanya. Subalit kapwa nabigo ang hinating sandatahan. Nagawang maipanalo ng Serbia ang Labanan ng Cer at sa pagpasok ng Agosto 12 ay nasakop nila ang timog ng mga ilog ng Drina at Sava. Makalipas ang dalawang Linggo, tuluyan ng naitaboy ang Pwersang Austrian palabas ng Serbia na nagtamo ng matinding pagkatalo at pagkawasak. Ito ang kauna-unahang malawakang pagkapanalo ng Alyadong Pwersa sa buong digmaan na nagtulak sa Austria-Unggarya na pagbutihin pa ang kanyang kampanya laban sa Serbia na sa kabilang banda nama'y nagpahina ng kanyang opensiba laban sa Rusya.

Samantalang sa Aprika'y sinugod ng pinagsamang lakas ng Pwersang Ingles-Pranses ang Togoland na noo'y sakop ng mga Aleman noong Agosto 7. Gumanti naman ang mga Aleman noong Agosto 10 nang atakihin nila ang Timog Aprika mula sa Timog-Kanlurang Aprika na noo'y nasa mga kamay din nila. Nagpatuloy ang ganitong sitwasyon sa Aprika hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.

Sa kabilang panig naman ng mundo, sinugod ng Sandatahang New Zealand ang Kanlurang Samoa ng Alemanya. Matapos nito'y naglunsad naman ng opensiba ang Australia laban sa German New Guinea. Ang bansang Hapon naman na nagpahayag ng pakikiisa sa Alyadong Pwersa ay nagpadala ng pwersa upang sakupin ang Micronesia at ilang maliliit na teritoryo ng Alemanya sa Tsina. Matapos angLabanan ng Tsingtao at sa pagtatapos ng 1914, nasakop na lahat ng Alyadong Pwersa ang mga teritoryo ng Alemanya sa Asya't Pasipiko.

Nagbigay naman ng banta para sa Serbia, Kanal Suez at sa Bulubunduking Caucasus ang pagsali ng Imperyong Ottoman sa Pwersang Sentral. Sapagkat nagkaroon ng lihim na kasunduan ang imperyo sa pagitan ng Alemanya noong Agosto 1914, hindi nagtagal ay nagdeklara ito ng pakikidigma laban sa Alyadong Pwersa noong Oktubre ng nasabing taon. Pagsapit ng Disyembre, naglunsad si Enver Pasha, ang pinuno ng Sandatahang Ottoman ng isang opensibang binubuo ng 100 000 sundalong Turko laban sa mga Rusong nagkukuta sa Bulubunduking Caucasus upang maisakatuparan ang kanyang hangaring masakop ang Gitnang Asya. Subalit nabigo ang kanyang pananalakay dahil sa hindi niya magandang pamamaraan kung saan pinaharap niya ang Sandatahang Turko laban sa magagandang posisyon ng mga Ruso sa bulubundukin na nagdulot ng matinding pagkawasak ng kanyang pwersa laluna sa nangyaring Labanan ng Sarikamis kung saan 86% ng kanyang kawal ang nalagas.

Ang Pagwawagi ng Alyadong Pwersa

  • Mga Alyansa

Dala ng sunod-sunod na tensyon ay nabuo ang dalawang pangunahing alyansa sa pagitan ng mga bansa sa Europa. Ang unang alyansa, ay binubuo ng Alemanya, Austria-Unggarya at Italya. Ang kasaysayan ng alyansa ay nagsimula ng makipagkasundo ang Alemanya sa Austria-Unggarya at Rusya sapagkat nangamba noon si Otto von Bismarck sa maaaring maging hakbang ng Pransya sa gagawin nitong pagbawi sa Alsace-Lorraine na noo'y kanilang sinakop. Tinawag ang alyansa na Liga ng Tatlong Emperador (Three Emperor's League) subalit hindi ito nagtagal sapagkat may namumuong alitan noon sa pagitan ng Austria-Unggarya at Rusya. Ito ay ang usapin tungkol sa mga Slav sa Rehiyong Balkan. Ang Rusya ay nagbigay ng suporta sa mga mamamayang Slav sa kanilang layunin na magkaisa sa pamumuno ng Serbia. Naging banta ito sa Austria-Unggarya sapagkat maaaring magsipag-alsa ang mga Slav na nasasakupan nila sa bahaging timog ng imperyo. Bunga nito'y humina ang alyansa at noong 1876 ay bumuo ang Alemanya ng lihim na alyansa sa pagitan ng Austria-Unggarya lamang. Ilang taon mula sa pagkakatag ng liga, pagsapit ng 1882 ay sumapi ang Italya sa nasabing alyansa sapagkat dahil sa kanilang pagkagalit sa pagsakop ng Pransya sa Tunisia. Dito nabuo ang Tatluhang Alyansa o Triple Alliance.

Ang ikalawang alyansa ay nabuo ng makipagkasundo ang Pransya sa Rusya ng makita nito ang lumalaking industriya at kapangyarihan ng Alemanya magmula noong humina ng Liga ng Tatlong Emperador. Tinagurian ang alyansang ito na Dalawahang Alyansa o Dual Alliance. Ipinasya naman ng Gran Britanya na sumama sa alyansa at makipagtulungan sa Pransya matapos makatunggali ang Alemanya sa pananakop ng mga kolonya sa Aprika. Nagpalakas ng ekonomiya at nagpaligsahan ang tatlong magkakaalyadong bansa sa pananakop ng mga kolonya. Tinawag na Entente Cordiale ang kanilang alyansa at nang lumaon, matapos malagdaan ang isa pang kasunduan noong 1907 ay tinagurian na silang Tatluhang Kasunduan o Triple Entente.

  • Ang Pagbaril sa Sarajevo

Noong Hunyo 28, 1914 ay binaril ni Gavrilo Princip, isang estudyanteng Bosnian ang tagapagmana ng trono ng Austria-Unggarya na si Artsiduke Franz Ferdinand at ang kanyang asawang si Sophie habang ang mga ito'y bumibisita sa Sarajevo, kabisera ng Bosnia. Napag-alamang si Princip ay kasapi pala ng kilusang tinatawag na Young Bosnia, isang samahang naglalayon ng kalayaan at pag-iisa ng mga Slavna nasa ilalim noon ng pamamahala ng Austria na suportado ng Serbia. Nagprisenta ng ultimatum ang Austria-Unggarya noong Hulyo 23 at pagsapit ng Hulyo 28 ay nagmobilisa ito ng kanyang sandatahang-lakas at nagdeklara ng pakikidigma laban sa Serbia. Makalipas ang dalawang araw ay iniutos ni Tsar Nicholas II ang pagmomobilisa ng sandatahang-lakas ng Rusya. Sumunod ding nagmobilisa ang Pransyaat noong Agosto 1 ay nagdeklara ang Alemanya ng pakikidigma laban sa Rusya at noong Agosto 3 laban sa Pransya. Umapela naman ng tulong at suporta ang Pamahalaan ng Belhika sa Gran Britanyasapagkat nais dumaan ng Pwersang Aleman sa kanilang bansa upang makapasok sa Pransya. Nagmatigas ang Alemanya at sinakop pa rin ang Belhika kasama na ang Luxembourg sa kabila ng pagababanta ng Gran Britanya kaya't nagdeklara ito ng pakikidigma noong Hunyo 28. Dito na nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng Pwersang Sentral (Alemanya, Austria-Unggarya,Imperyong Ottoman at Bulgaria) at ng Alyadong Pwersa (Gran Britanya, Pransya, Rusya, Serbia at Belhika).

Mga Opensiba sa Bunsurang Silangan

Kasabay ng pagkabigo ng nasabing opensiba, nagsimula nang dumating sa Pransya ang mga sundalong Amerikano mas marami pa sa inakala ng mga Aleman. Simulan ng Alyadong Pwersa noong Agosto 8 ang Opensibang Sandaaang Araw. Ang pinagsamang lakas ng sandatahang Ingles, Pranses, Australian, Canadian, New Zealand at Indian ay sabay-sabay na umatake sa kahabaan ng Western Front upang marating ang Harbonnières. Sa loob lamang pitong oras ng bakbakan, nagawang mapasok ng Alyadong Pwersa ang mahigit 12 kilometro (7 milya) teritoryong hawak noon ng mga Aleman. Umatras ang Sandatahang Aleman sa Linyang Hindenburg at doon pansamantalang binuo ang mga depensa. Sa tulong ng may 1 000 000 Amerikano, inilunsad ang Opensibang Meuse-Argonne noong Setyembre 26 at inatake ang buong Linyang Hindenburg. Sa dulong kahilagaan nama'y sinugod ng Alyadong Pwersa ang buong Belhika hanggang sa ito'y halos mabawi na sa kamay ng mga Aleman. Pagsapit ng Oktubre 1 ay nagdalawang-isip na si Heneral Ludendorff kung itutuloy pa ng Alemanya ang pakikipaglaban hanggang sa wakas o susuko na lamang. Nawalan na ng moral ang ibang sundalo at matindi na ang hirap na nararanasan ng mga sibilyan nito. Lubos na naging epektibo ang ginawang blokeo ng mga Ingles sa karagatan kaya't lumaganap sa buong bansa ang kakulangan ng pagkain na naging dahilan ng taggutom. Nagkaroon na ng mga pagpupulong ukol sa pagsuko sapagkat hindi na epektibo ang sandatahan upang depensahan pa ang bansa at sumasariwa na ang banta ng himagsikan.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig o World War I (ang pinaikling WWI o WW1, na kilala rin sa tawag na First World War, Great War o "Dakilang Digmaan", War of the Nations o "Digmaan ng mga Nasyon", at War to End All Wars o "Digmaan Upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan") ay isang malawakang pandaigdigang digmaan na nilahukan ng napakaraming bansa na naganap sa pagitan ng mga taong 1914 hanggang 1918.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay kakikitaan ng mga labanang ginaganap sa mga hukay o trintsera (trench warfare) kung saan ginamit ng malawakan ang teknolohiya sa pagpapaunlad at pagpaparami ng armamento. Ilan sa mga sandatang ginamit sa digmaan ay ang masinggan, eroplano, submarino, tangke at ang nakamamatay na nakalalasong gas. Nilahukan ng mahigit 60 milyong sundalo ang digmaan kung saan 20 milyon sa mga ito ang naitalang namatay kasama na ang mga sibilyan mula sa 40 milyong tala ng mga nasugatan, nawala at nasawi sa digmaan.

Kampanya sa Italya't Imperyong Ottoman

Isang pag-asa para sa Pwersang Sentral ang paglabas ng Rusya sa digmaan. Natigil ang tensyon sa Eastern Front kaya't nagawa ng Alemanya na mailipat mula rito ang kanyang mga sundalo patungo saWestern Front kung saan may higit na pangangailangan. Itinuon naman ng Austria-Unggarya ang kanyang pwersa laban sa malaking banta sa timog, ang Italya. Naglunsad ito ng opensiba sa tulong ng mga kaalyadong Aleman at napagwagihan nila ang Labanan ng Caporreto noong Oktubre 1917. Bunga ng malaking pinsala, napilitang umatras ang Pwersang Italyano sa Ilog Piave upang doon ay muling ayusin ang sandatahan. Bunga ng pagkatalo, nanawagan ang Pamahalaang Italyano sa mga mamamayan nito ng boluntaryong pakikilahok sa digmaan ng mga kalalakihang 18 gulang pataas.

Bunga ng rebolusyon sa Rusya, nawalan ng saysay ang mga inihandang plano ni Tsar Nicolas II laban sa mga Sundalong Turko. Nang maagaw ng mga Bolshevik ang pamamahala sa bansa, napabayaan na ang kampanya laban sa Imperyong Ottoman kaya't sinamantala ng mga Turko ang pagkakataon upang pasukin ang Bulubunduking Caucasus. Sapagkat wala ng ganap na sandatahang-lakas ang Rusya, ang mga mamamayang Armenian ang nagpatuloy sa pakikibaka upang hindi mapasok ng mga Turko ang kanilang bansa sa pamumuno ni Heneral Tovmas Nazarbekian. Di nagtagal ay siya ang namuno bilang pangulo ng bansa sa bagong tatag na malayang pamahalaan ng Armenia. Lumaya rin ang Azerbaijan at Georgia ng bumagsak ang Imperyong Rusya subalit nalagay sa malaking banta ng pag-atake ng mga Turko. Lumaban ang mga Armenian at tinalo nila ang Pwersang Ottoman sa Labanan ng Sardarapat ngunit sa mga sumunod na sagupaan ay sila naman itong nagtamo ng matinding pagkawasak kaya't napilitan silang lumagda sa Kasunduan ng Batum.

Samantala, mula sa Ehipto, Arabia at Persia'y sinakop ng Pwersang Alyado ang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman. Bilang ganti sa tinamong pagkatalo sa Pagkubkob sa Kut, naglunsad ang Gran Britanyang isang opensibang sumakop sa Baghdad noong Marso 1917. Mula naman sa timog ay naging matagumpay ang Kampanya ng Sinai at Palestina. Bumagsak ang depensang Ottoman sa Herusalem sa pagtatapos ng taon.

Kung naging mabagal ang pag-abante ng Pwersang Aleman sa Pransya, kabaligtaran naman ito ng naging kampanya nila laban sa Rusya kung saan nakamit nila ng sunod-sunod na panalo. Matapos ang matagumpay na Labanan ng Tannenberg at Masurian, nagtuloy ang Pwersang Aleman paloob sa Imperyo ng Rusya. Ang Polandiya'y bumagsak matapos ang malaking opensibang isinagawa ng Alemanya noong tag-init ng 1915 na nakapagpaatras sa Pwersang Ruso ng mahigit 482 kilometro (300 milya). Pagsapit ng 1916 ay napasok na ng Pwersang Aleman ang loob ng lupaing prinsipal ng Rusya.

Bagaman bigo ang kampanya sa Prussia, tagumpay naman ang isinagawang pag-atake ng Rusya sa Galicia laban sa Austria-Unggarya. Subalit dala na rin ng sitwasyon sa Polandiya, naging delikado ang posisyon ng Sandatahang Rusong nakatalaga sa Galicia. Hindi nagtagal ay inipit ng pinagsamang lakas ng Pwersang Aleman-Austrian ang mga Ruso sa Galicia kaya't napilitan ang mga ito na umatras noong tagsibol ng 1915.

Pumasok naman ang Romanya sa digmaan dala na rin matinding desperasyon ng Pransya na magbukas ng panibagong kampanya upang makatulong sa Imperyong Rusya. Tumulong ito sa Rusya at nagdeklara ng pakikidigma laban sa Austria-Unggarya noong 1916. Subalit ang bansa'y madaling nasakop ng Pwersang Sentral sa tulong na rin ng Bulgaria sa pumanig sa mga Aleman. Nang masakop ang buong bansa, tumakas ang Sandatahang Romanya patungong Moldavia. Bunga nito'y nalantad sa mga kaaway ang linya ng depensa ng Rusya sa katimugang bahagi ng Bunsurang Silangan o Eastern Front. Samantala, ipinagpatuloy naman ng Pwersang Aleman ang pag-abante sa dalawang pangunahing lungsod ng Rusya, ang San Pedrosburgo na noo'y siyang kabisera at ang Moscow.

Dala ng sunod-sunod na tensyon, nagsagawa ang Rusya ng kaukulang hakbang upang maiwasan ang ganap na pagkatalo. Inilunsad ang Opensibang Brusilov, hango sa pangalan ng namuno nito na siHeneral Aleksei Brusilov noong Hunyo hanggang Setyembre ng 1916. Nakamit naman ng nasabing opensiba ang tagumpay at nakabawi ito ng ilang teritoryong sinakop ng Pwersang Sentral.

Ang mga Huling Opensiba at ang Pagtatapos ng Digmaan

Opensibang Ludendorff ng 1918

Binalak ng mga Aleman sa pamumuno ni Heneral Erich Ludendorff na magsagawa ng isang opensiba sa kasagsagan ng tagsibol ng 1918 upang mapabagsak ang Pwersang Ingles at Pranses bago dumating ang Sandatahang Amerikano upang tumulong sa kanila. Tinawag itong Operasyong Michael. Nilayon nilang marating muli ang Ilog Marne at masakop na ang Paris kaya't puspusan nilang pinagbuti ang opensiba na nakapagtamo ng mga serye ng panalo. Sinimulan ang naturang opensiba pagsapit ng Marso 21. Una nilang pinuntirya ang posisyon ng Pwersang Ingles sa Amiens kung saan nakaabante sila ng mahigit 60 kilometro (40 milya). Napasok ang trintsera ng Sandatahang Ingles at Pranses sa gamit ang taktikang inpiltrasyon na pinairal noon ni Heneral Oskar von Hutier. Umasad ang Western Front palapit ng Paris at nagsimula muli ang Ikalawang Labanan ng Marne. Muli, pinaputukan ng naglalakihang kanyon ng mga Aleman ang Paris, kaya't napilitan ang ilan sa mga ito na lumikas upang makiiwas sa pambobomba.

Matagumpay ang naging simula ng opensiba kaya't idineklara ni Kaiser Wilhelm II ang Marso 24 bilang isang legal na pista sa Alemanya. Sunod naman nilang inilunsad ang Operasyong Georgette kung saan napagwagihan nila ang Labanan ng Lys laban sa Pwersang Ingles na malapit sa Lagusang Ingles. Matapos nito, nakipagbakbakan naman sila sa Ikatlong Labanan ng Aisne. Ngunit nabigo ang Sandatahang Aleman na maipanalo ang nasabing labanan sa Ilog Marne. Muli hindi naman nila narating ang Paris at sa pagtatapos ng nasabing serye ng mga opensiba ay naitaboy pabalik ang mga Aleman sa kanilang orihinal na posisyon bago magsimula ang pag-atake noong Marso. Pagsapit ng Hulyo, mahigit 270 000 sundalong Aleman ang nalagas sa panig ng Pwersang Sentral.

Teknolohiya

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay isa sa pinakamadugong labanan sa Kasaysayan ng Sangkatauhan. Ito ang kauna-unahang digmaan na gumamit ng malakawang teknolohiya sa modernong panahon ng Ika-20 siglo. Upang mapagwagihan ang digmaan, nagmobilisa ng milyong sundalo ang bawat naglalabang bansa. Pagsapit ng 1917, gumagamit na ang bawat panig ng mga naglalakihang kanyon, eroplano,tanke, armored cars, telepono at wireless communication. Sa pagsisimula ng digmaan ay ang may 3 800 000 sundalo ang Alemanya, 3 000 000 sa Austria-Unggarya, 4 400 000 sa Rusya, 3 500 000 saPransya at 711 000 sa Gran Britanya.

Nagsimula nang maibento ang iba't ibang uri ng kanyon gaya ng mortar, howitser at Minnenwerfer ng mga Aleman. Dala ng walang humpay na putukan at pambobomba ng magkabilang panig, inimbento ang mga kaukulang helmet upang maprotektahan ang bawat ulo ng mga sundalong nakikipaglaban. Isa pa sa pinakamalakas ng uri ng kanyon ay ang railway gun na ginamit ng Alyadong Pwersa. Naimbento naman ng mga Aleman ang Paris Gun na ginamit upang bombahin ang Paris sa distansya ng may 100 kilometro (60 milya) bagaman hindi gaanong malakas ang mga ito kung sumabog.

Isa naman ang poison gas sa pinakamapaminsalang sandata noong digmaan na binubuo ng mga kemikal na klorin, mustard gas at phosgene. Madali namang nakaimbento ng pangsanggalang sa poison gasat ito ay ang gas mask.

Ang flamethrower na naimbento sa Alemanya ay isa rin sa mga mapaminsalang sandata ng digmaan. Malakas ang nasabing sandata na nagdulot ng lagim sa mga sundalong nakaengkwentro nito. Subalit ang flamethrower ay isang napakabigat na sandata noong mga panahon iyon kaya't ang mga nagdadala nito ay madaling mapatamaan ng mga kaaway. Ang tanke naman na naimbento sa Gran Britanya ay nakatulong sa pag-abante ng mga sundalo sa mga labanan. Kaya nitong makaliban sa mga trintsera at lumusot sa mga barbed wire kaya't malaki ang naging papel nito sa pagtatagumpay ng Alyadong Pwersa sa Labanan ng Cambrai noong 1917. Isa pa ang armored car na naaarmahan ng mga matataas na kalibre ng baril at nababalutan ng makakapal na bakal bilang proteksyon sa mga sakay nito.

Rebolusyon sa Rusya

Bagaman matagumpay ang Opensibang Brusilov noong 1916, nanatili pa rin ang tensyon at kaguluhan sa pagitan ng mamamayang Ruso. Lumabas ang masamang epekto ng pagkakanlong ng Rusya ukol sa ganap na Kanluranisasyon kaya't nang pumasok ang imperyo sa digmaan, nagpatuloy ang di maayos at organisadong pamamahala sa militar, makaluma't mabagal na paraan ng pag-aani, ang demanda ng mga magbubukid ukol sa paghati-hati ng mga lupain at kung anu-ano pang panloob na suliranin. Ang digmaang nakapasok sa kalupaang Rusya ay kumitil ng napakaraming buhay bagaman may 15 000 000 sundalo na ang naimobilisa upang lumaban. Nawalan na ng sigla ang ilang matataas na opisyal militar at mga ordinaryong sundalo na suportahan at ipagpatuloy pa ang mga nakamit ng Opensibang Brusilov.

Pansamantalang gumaan ang sitwasyon ng pumasok ang Romania sa panig ng Alyadong Pwersa at nagdeklara ng pakikidigma subalit kaagd din siyang nagapi ng Pwersang Sentral kaya't napilitang umatras ang natitira nitong sandatahan patungong Moldavia kaya'y nalagay sa malaking panganib ang linya ng mga Ruso sa bahaging katimugan ng Eastern Front. Dahil sa sunod-sunod na pagkatalo, napilitan siTsar Nicolas II na mamuno sa Sandatahang Ruso at sumama sa larangan ng pakikidigma. Naiwan ang Pamamahala sa kanyang asawa at sa baliw nitong kaibigang monghe na si Rasputin na pagtatapos ng taong 1916 ay pinatay.

Noong Marso 1917, nagsagawa ang mga galit at gutom na gutom na mamamayan ng Petrograd ng isang malaking demontrasyon. Inusig ang tsar kaya't napilitan itong bumaba sa trono at itinatag angPamahalaang Probisyunal. Subalit hindi naging epektibo ang pamamahala ng nasabing gobyerno kaya't lalong nawalan ng sigla ang sundalo na ipagpatuloy pa ang pakikidigma. Nagnais na ang mga mamamayan na kumawala ang bansa sa digmaan subalit nagpatuloy pa rin ang Pamahalaang Probisyunal sa paglulunsad ng ilang opensiba. Noon lumakas ang mga Bolshevik, isang radikal na samahang pinamumunuan noon si Vladimir Ilyich Ulyanov o mas kilala sa tawag na Lenin. Nangako si Lenin ng pagbabago sa pamahalaan, lipunan at kaayusan ng Rusya gaya ng paghahati-hati ng mga lupain na matagal ng minimithi ng mga magbubukid, pagpapatupad ng Kanluranisasyon sa lipunang Ruso at pagkawala ng bansa sa digmaan. Nakuha ng samahan ang milyong suporta at nagawa nitong mapatalsik ang Pamahalaang Probisyunal noong Nobyembre 1917. Lumagda ito ng armistiya sa Alemanya nang sumunod na taon sa Kasunduan ng Brest-Litovsk. Nasaad sa kasunduan ang pagkawala ng Rusya sa digmaan at pagkakaloob nito ng mga teritoryo sa Alemanya gaya ng Polandiya, ang mga Estadong Baltik at Ukraine.

Nagwakas ang Triple Entente sa pag-alis ng Rusya sa digmaan subalit nagpadala ng kaukulang sandatahan ang Alyadong Pwersa upang mapigilan ang mga Aleman na okupahin ang mga teritoryong ipinagkaloob ng Rusya batay sa tratado at upang tulungan man din ang Samahang Puti sa pakikibaka nito laban sa mga Bolshevik noong kasagsagan ng Digmaang Sibil ng Rusya.

Sa linya naman ng mga baril ay naimbento ang Vickers, ang kauna-unahang makabagong machine gun. Sa paglaon, nalikha ang Lewis Gun at Browning Automatic Rifle, mga uri ng machine gun na magagaan at di nagtagal ay ginamit sa mga eroplano.

Sa karagatan, bukod sa HMS Dreadnought, isa ring mahalagang sandata ang mga submarino. Ang K-class ng Gran Britanya ang pinakamalaking submarino noong mga panahong iyon. Isa pa rito ang U-boatng mga Aleman na ginamit upang palubugin ang mga barkong nagdadala ng suplay ng pagkain at amunisyon sa Gran Britanya. Ngunit sa mga taong 1915-16, hindi gaanong naging epektibo ang mga atake ng U-boat sapagkat ipinagbawal noon ang pagpapalubog sa mga barkong nyutral. Subalit ng suwayin ng Alemanya ang patakarang ito noong Enero 1917, naging matagumpay ang kampanya ng mga U-boat kaya'y halos malumpo na ang ekonomiya ng Gran Britanya. Tanging ang Sistemang Convoy ang nakatigil lamang sa mga pandarambong ng U-boat.

Sa pagsisimula ng digmaan ay may 285 eroplano ang Alemanya at 219 ang sa Gran Britanya at Pransya ngunit ang mga ito ay kadalasang ginamit lamang sa mga misyong pagmamatyag o recoinassance. Subalit sa pagpasok ng 1915 ay saka lamang nagsimulang magseryoso ang digmaan ng himpapawid sa Europa. Noong Abril ng taon ding iyon, nagawang malinang ni Roland Garros ang Sandatahang Himpapawid ng Pransya sa pampapalabas ng Morane-Saulnier monoplane at Nieuport 17 na kapwa naging epektibo sa anumang oras na gamitin ito sa pakikidigma. Nakisabay ang Alemanya at nag-imbento ng iba't ibang uri ng eroplano: monopale, biplane at triplane sa pamumuno ng kompanyang Fokker na nakapagpalabas ng malalakas na berso gaya ng Eindeckers, Scourge, Dr.1, D.I, D.VI, D.VII, D.VIII. Hindi rin pahuhuli ang Gran Britanya na naimbento ang tanyag na Sopwith Camel.

Bukod sa paggamit ng eroplano, kapaki-pakinabang rin ang mga observation balloon na pinairal sa Sandatahang Panghimpapawid ng Alyadong Pwersa. Misyon nito na siyasatin ang galaw at posisyon ng mga kalaban sa lupa. Dalawang tao ang nakasakay dito na binabanatayan ng mga eroplano upang kung atakihin man ng mga kalaban ay makaligtas ang mga sakay nito. Kung sakaling magigipit, maaaring tumalon ang mga sakay nito sa tulong ng parasyut upang makababa ng ligtas. Sa kabilang banda naman, kinondena ng mga nakatataas na opisyal ang paggamit ng parasyut ng mga piloto sa eroplano sapagkat magdudulot daw ito ng kaduwagan sa panig ng mga sundalo ng sandatahang panghimpapawid.

Naimbento naman ng mga Ruso ang kauna-unahang eroplanong tagabomba o bomber na pinangalanang nilang Sikorsky Ilya Muromets. Ang mga Ruso ang nagsagawa ng kauna-unahang malawang pambobomba sa isang digmaan. Di nagtagal, naibento naman ng mga Aleman ang Gotha IIIs na siyang ginamit nilang eroplanong pambomba sa buong Inglatera na kumitil ng 857 buhay ng mga tagaroon. Bago naman magtapos ang digmaan ay inilabas ng Gran Britanya ang serye ng mga eroplanong pambomba ng Handley Page na ginamit laban sa mga lungsod ng Alemanya.

Noong mga huling araw ng 1914, nagsagawa ng pambobomba ang Alemanya sa London kung saan ginamit nila ang mga barkong-panghimpapawid o Airship. Tinawag na Zeppelin ang mga airship ito. Gumamit naman nito ang Italya sa panahong pumasok ito sa digmaan noong 1915 sa mga misyong pagmamatyag lamang. Bagaman nakalulunos ang epekto ng pambobomba ng mga Zeppelin, madali rin lamang pabagsakin ang mga ito nagdulot ng maraming bilang ng mga patay sa panig ng Sandatahang Panghimpapawid ng Alemanya.

Gumamit din ang Gran Britanya ng mga aircraft carrier sa kauna-unahang pagkakataon. Minsan ay nagsagawa ito ng isang matagumpay na pagsalakay gamit ang HMS Furious na naglunsad ng mga eroplanong Sopwith Camel laban sa mga Zeppelins sa Tondern noong 1918.

Sa lahat-lahat, malaki ang naitulong ng mga riles ng tren upang maipadala ng mabilis ang mga sandatang gagamitin ng mga sundalo sa larangan ng digmaan.

Kronolohiya

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Hulyo 28, 1914 at nagtapos sa hudyat ng isang tigil-putukan na ipinag-utos noong Nobyembre 11, 1918. Isa namang kasunduang pangkapayapaan ang nilagdaan sa Versailles, Pransya noong Hunyo 28, 1919 bilang ganap na pagtatapos ng digmaan.

Konsekwensiya

Mahigit sa 17 milyong katao ang bilang ng mga sundalong nasawi sa Unang Digmaang Pandaigdig. Isa ang digmaan ito na nakapagdulot ng matinding paghihirap sa pagitan ng bansa sa Europa kung saan halos naalis ang henerasyon ng mga kabataang kalalakihan. Marami ang nag-akala na magiging maikli at maluwalhati ang nasabing digmaan noong una subalit dala na rin ng pag-usbong ng mundo sa paggamit ng teknolohiya, humaba ang bakbakan na sumindak sa Europa. Nawasak ang mga imperyo ng Alemanya, Austria-Unggarya, Ottoman at Rusya na nagbigay daan naman sa pagkakatatag ng ilang maliliit na estado sa silangang Europa at Gitnang Silangan. Nagpahayag ng kalayaan mula sa Austria ang Unggarya at ang dating Czechoslovakia. Lumaya ang mga bansang Polandiya, Finland, Latvia,Estonia at Lithuania mula sa nawasak na Imperyong Rusya na nagbigay sa pagkakatatag ng Unyong Sobyet. Inihayag din ng Armenia, Azerbaijan at Georgia ang kanilang kalayaan subalit di nagtagal ay napailim sa Unyong Sobyet. Napag-isa ang mga Estadong Slav na binubuo ng Montenegro, Macedonia, Bosnia at Herzegovina, Slovenia, Croatia sa pamumuno ng Serbia sa Rehiyong Balkan at inihayag ang bansang Yugoslavia. Napasakamay ng Romania ang Transylvania mula sa Austria-Unggarya at gayundin naman ang Trieste sa Italya. Nabalik sa Pransya ang Alsace-Lorraine at napunta ang ilang teritoryo ng Alemanya sa Polandiya at Denmark. Pinaghati-hatian naman ng Gran Britanya at Pransya ang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman na binubuo ng Palestina, Lebanon, Iraq, Siria at Jordan. Tumanggi ang mga Turko na pasakop kaya't isinilang ang bansang Turkiya. Sa kabilang panig naman ng mundo, nakuha ng Australia, Gran Britanya at Hapon ang mga kolonya ng Alemanya sa Karagatang Pasipiko.

Labanan sa Dagat at Himpapawid

  • Ang mga Unang Sagupaan

Nalagay sa panganib ang Alemanya sapagkat napapagitna ito sa mga bansang Pransyaat Rusya na kapwa kabilang sa Alyadong Pwersa. Gayunpaman ay pinaghandaan na ito ng Alemanya sa pamamagitan ng pagtatalaga ng isang plano. Ang plano ay tungkol sa mabilisang pag-atake sa Pransya upang mapalibutan ang Paris at maging ang Pwersang Pranses sa loob ng madaling panahon sa pamamagitan ng pagdaan mula sa Belhika na magbubunsod sa agarang pagsuko at pagkatalo ng Pransya sa digmaan. Habang ito'y isinasagawa, mariin namang ipagtatanggol ng pwersang nakatalaga sa silangan ang bansa laban sa mga pag-atakeng isasagawa ng mga Ruso. Pagkatapos bumagsak ng Pransya ay pagtutuunan naman nila ng pansin ang paglusob at pagsakop sa Rusya. Tinawag ang itongPlanong Schlieffen (Schlieffen Plan na ipinangalan matapos kay Konde Alfred von Schlieffen, ang gumawa mismo ng nasabing plano.)

Sa simula'y naging matagumpay ang Pwersang Aleman sa paglusob sa Pransya. Nagawa nilang maipanalo ang serye ng mga Labanan ng Frontiers noong Agosto 14-24 at sa pagsapit ng Setyembre 9 ay narating na nila Ilog Marne na malapit lamang sa Paris. Itinigil naman ng Pwersang Pranses ang pag-atras at sa tulong ng mga kaalyadong Ingles ay hindi na nakatawid pa ang mga Aleman sa Ilog Marne matapos ang ilang araw ng matinding bakbakan. Iyon na ang pinakamalayong naabot ng Pwersang Aleman sa Pransya sa buong panahon ng pakikibaka nila sa Bunsurang Kanluran. Ngunit sa silangan ay nakamit ng Alemanya ang sunod-sunod na panalo. Sa Labanan ng Tannenberg at sa Lawa ng Masurian na naganap sa pagitan ng Agosto 17 hanggang sa Setyembre 2 ay tinalo nila napakarami subalit kulang sa armas na sandatahang Ruso.

Sanhi ng Digmaan

Kakambal ng pagsisimula ng sagupaan sa lupa ang pagsiklab ng digmaan sa dagat at himpapawid. Malawakang ginamit ang mga Dreadnought sa pakikidigma sa katubigan. Noong mga panahong iyon, bagaman maliit lamang ang bilang ng Hukbong Katihan ng Gran Britanya ay pinakamalaki naman ang Hukbong Pandagat nito sa lahat ng mga makapangyarihang bansa sa Europa. Subalit ang Alemanya ay di-padadaig. Nang magsimula ang digmaan, kaagad itong nagsagawa ng mga pananalakay sa plotang Ingles upang putulin ang pagpasok ng suplay ng armas, materyales at pagkain sa bansa. Magkaganon man ay hindi rin gaanong nagtagumpay ang Alemanya noong mga panahong iyon sapagkat ipinagbawal ang pagpapalubog sa mga barkong neutral o iyong mga barkong pag-aari ng mga bansang hindi kasali sa digmaan. Malaking kawalan ito para sa Alemanya sapagkat ang mga barkong nyutral at maging ang mga bapor pangalakal ay nagdadala man din ng mga suplay panustos para sa Gran Britanya.

Bagaman ang mga U-boat ng Alemenya na siyang sinasabing pinakamalakas na submarino sa panahon ng digmaan ay hindi rin nakaligtas sa isinagawang pangungubkob o panghaharang ng Plotang Ingles sa Kanal Ingles, Dagat Hilaga, Dagat Baltic at Karagatang Atlantiko. Ang nasabing pangungubkob na isinasagawa ng Gran Britanya ay nagdulot ng ilang serye ng kakulangan ng pagkain sa Alemanya noong 1916. Mas maaga noong isang taon ay pinalubog ng isang U-boat ang RMS Lusitania, isang pampasaherong barko ng Gran Britanya na nagdadala ng 1 959 katao at ilang armas panustos sa Alyadong Pwersa. Nagdulot ito ng pagkamatay ng 1 198 pasehero kung saan 128 sa mga ito ay mga Amerikano. Ang nasabing pagpapalubog ay nagdulot ng negatibong pananaw ng mga bansa ukol sa Alemanya. Nangako naman ang Hukbong Pandagat nito na hindi na muling magpapalubog ng mga barkong nyutral at pampasahero.

Naganap naman noong Mayo 31 hanggang Hunyo 1, 1916 ang isang malawakang Labanan ng Jutland. Nagsagupa ang mga naglalakihang Hukbong Pandagat ng Gran Britanya at Alemanya sa loob ng dalawang araw na labanan. Bagaman nagawa ng Alemenya na makapagdulot ng higit na pagkawasak sa panig ng Gran Britanya, hindi naman nito nakuha ang kontrol ng buong Dagat Hilaga.

Pagsapit ng Enero 31, 1917, dala na rin ng matamlay na kampanya ng Alemanya sa karagatan, nagpasya na itong maglunsad ng unrestricted submarine warfare kung saan maging ang mga barkong nyutral na makita sa lugar ng digmaan ay palulubugin din. Dahil sa nasabing operasyon, maraming barkong nagdadala ng iba't ibang uri ng suplay at panustos sa Gran Britanya ang napalubog kaya't halos malugmok na ang ekonomiya nito. Napigilan lamang ang Alemenya sa gawaing ito ng maglunsad ng Sistemang Eskolta ang Gran Britanya noong Mayo ng taon ding iyon.

  • Ang Paglakas ng Alemanya

Napag-isa ang dating kalat-kalat at magkakahiwalay na estadong Aleman noong 1871 sa ilalim ng pamumuno ng Prussia at ng itinalagang emperador nitong si Kaiser Wilhelm I. Pinangunahan naman ni Otto von Bismarck, ang bagong kansilyer ng Prussia ang pakikidigma sa Pransya na noong mga panahong iyon ay kanilang binabaka. Sa kanyang pangunguna ay napasok ng Sandatahang Aleman ang Paris na nagdulot ng pagkamatay ng libo-libong mamamayan at nahantong sa pagkatalo ng Pwersang Pranses. Ang kahuli-hulihang emperador, si Napoleon III ay napilitang bumaba sa trono. Sinakop ng Prussia angAlsace-Lorraine mula sa Pransya at idinagdag ito sa kanilang teritoryo. Samantala, desidido naman ang mga nasyonalistang Pranses na mabawi ang Alsace-Lorraine sa Alemanya. Magmula noo'y nagpalakas na ang Prussia, na lumaon ay tinawag na Alemanya ng kanyang ekonomiya at industriya. Nagparami rin itong ng kanyang sandatahang-lakas, armamento at nakipagpaligsahan sa Gran Britanyaat iba pang bansa sa pagpaparami ng Dreadnought, ang tinaguriang pinakamalakas ng barkong-pandigma noong mga panahong iyon. Sinuportahan din ng Alemanya ang paglaya ng Morocco sa pamumuno ni Kaiser Wilhem II na noo'y nasa ilalim ng pamamahala ng Pransya, ang kanyang nakatunggali noong nagdaang digmaan. Ang pangyayaring iyon ay nagbuklod sa Pransya at Gran Britanya upang magkaisa sa pakikipagtunggali laban sa Alemanya tungkol sa usapin sa Morocco. Dahil sa nasabing pagkakaisa, lalo pang ipinagpatuloy ng Alemanya ang pagpapalakas ng kanyang pwersa.

  • Kaguluhan sa Rehiyong Balkan

Masasabing isa sa mga salik na nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig ay ang kaguluhan sa Rehiyong Balkan na matatagpuan sa timog-silangan ng Europa. Bago sumapit ang digmaan, taong 1912 ay naitaboy na ng mga bansang Serbia, Montenegro, Bulgaria, at Gresya ang mga Turkong Ottoman na dating sumakop sa kanila palabas ng Europa. Dahil dito'y sila-sila mismo ang nag-agawan sa pagkamkam ng mga nalalabing teritoryo sa Rehiyon ng Balkan. Sa apat na ito'y mahigpit na magkalaban ang Serbia at Bulgaria. Sa sumunod na taon ay natalo ang Bulgaria bunga ng isang namuong alyansa na pagitan ng Serbia at iba pang mga estadong Balkan kasama na maging ang Romania. Pagkatapos nito'y nakatunggali naman ng Serbia ang Austria-Unggarya dahil sa pagsakop nito sa lalawigan ngBosnia at Herzegovina na may malaking populasyon ng mga Slav. Nilayon ng Serbia ang kalayaan at pag-iisa ng iba pang mga Slav na nasa ilalim ng pamamahala ng Austria-Unggarya. Itinuring ito ng Austria na banta sa katatagan ng kanyang imperyo.

Ang Pagpasok ng Estados Unidos sa Digmaan

Sa simula pa lamang ng digmaan ay pormal nang nagdeklara ng nyutralidad ang Estados Unidos. Nang pasubugin ng isang Alemang U-boat ang barkong RMS Lusitania noong 1915, nagbanta ang bansa na handa silang pumasok sa digmaan sakaling hindi ititigil ng Alemanya ang pagpapasabog sa mga barkong nyutral na naglalayag sa karagatang nasasakop ng digmaan sapagkat sa nasabing pagpapalubog ay may 128 Amerikanong pasahero ang namatay. Itinigil naman ng Alemanya ang nasabing gawain subalit dahil na rin sa tumitinding bakbakan at sa isinasagawang blokeo ng Gran Britanya, ibinalik nito ang pag-atake sa mga barkong nyutral pagsapit ng Enero 1917 upang malumpo naman ang ekonomiya ng kanyang mga kalaban. Bukod pa dito'y naging masama ang paningin at palagay ng mga Amerikano sa Alemanya dahil na rin sa mga isinagawa nitong aksyon sa digmaan gaya ng maramihang pagpatay at sapilitang pagdaan sa Belhika ng labag sa pamahalaan nito.

Noong taon ding iyon, naharang ng grupong cryptanalytic mula sa Gran Britanya ang Telegramang Zimmerman nagmula sa Berlin na ipapadala sana sa Mehiko. Nilalaman ng telegrama ang pag-udyok ng Alemanya sa Mehiko na umanib sa Pwersang Sentral at magdeklara ng digmaan laban sa Estados Unidos sakaling pumasok na ang mga mamamayan nito sa digmaan upang hindi di umano'y di ito makapagpadala ng kaukulang pwersa sa tutulong sa Alyadong Pwersang lumalaban sa Pransya. Kung matutupad ang balak, maisasagawa ng Alemanya ang patuloy na pagpapalubog sa mga barkong Ingles upang tuluyan nang malumpo ang ekonomiya nito. Bilang kapalit, ipinangako naman sa Mehiko na mababalik sa kanya ang Arizona, New Mexico at Texas na dati nitong teritoryo. Bukod pa rito, nang palubugin ng submarinong Aleman ang may pitong barko ng Amerika, nagdeklara na ang Estados Unidos ng pakikidigma laban sa Alemanya't Pwersang Sentral.

Pormal na nagtapos ang nyutralidad ng Estados Unidos sa pagsisimula ng Abril 6 ng taon. Sinimulan na nitong magparami ng sandatahang-lakas upang maipadala sa Pransya bilang tulong sa mga bago nitong kaalyado.

Labanan sa loob ng Imperyong Ottoman

Bagaman hindi nagtagumpay ang kampanya sa Bulubunduking Caucasus noong Disyembre 1914, nagawa naman ng Sandatahang Lakas ng Imperyong Ottoman na paatrasin ang Pwersang Ingles, Pranses at ANZAC sa hangarin ng mga ito na makapagbukas pa ng isa front upang makatulong sa Rusya sa Labanan ng Gallipoli. Muli, nagwagi sila sa Pagkubkob sa Kut noong 1915-16 kung saan napalibutan nila ang depensa ng Pwersang Ingkes-Indian sa nasabing lugar hanggang sa ang mga ito'y sumuko.

Samantala, nagpatuloy ang pagkatalo ng Sandatahang Turko sa Bulubunduking Caucasus. Pagsapit ng 1916, sa pangunguna ni Heneral Nikolai Yudenich, nagawa ng mga Ruso na maitaboy ang Pwersang Ottoman palabas ng bulubundukin. Noon namang Hunyo ng taon ding iyon ay nag-alsa ang Arabia sa Imperyong Ottoman. Sa pangunguna ni Sherif Hussain at sa tulong ni Heneral T. E. Lawrence ng Gran Britanya ay napagwagihan nila ang mga Labanan ng Mecca at Medina.

Sa taon ding iyon naglunsad ng pakikipaglaban ang Tribo ng Senussi sa tulong ng Imperyong Ottoman laban sa Alyadong Pwersa sa kahabaan ng hangganan ng Libya't Ehipto. Upang masupil ang nasabing rebelyon, kinailangan ng Gran Britanya na magpadala ng 12 000 sundalo. Tuluyan namang nasupil ang nasabing rebelyon pagsapit nang kalagitnaan ng 1916.

1917: Ang Pagpapatuloy ng Digmaan

Ang Bunsurang Kanluran taong 1917

Sa pagpasok ng 1917, wala ni pag-asang maaninag ang magkabilang panig ukol sa pagtatapos ng digmaan. Milyong sundalo na ang nangamatay ngunit sa kabila nito'y bahagya lamang umusad ang linya ng mga trintsera. Malawakan na ang paggamit ng nakalalasong gas at sa Labanan ng Cambrai ay gumamit ang Alyadong Pwersa ng mga tangke, isang panibagong sandata na inimbento ng mga siyentista saGran Britanya. Nakapagtamo naman sila ng ilang panalo gaya ng mga serye ng Labanan ng Arras at Vimy Ridge.

Naapektauhan naman ang may 54 Dibisyon ng Sandatahang Pranses nang sumiklab ang ilang pag-aalsa, Mayo 3 ng taon dito noong kasagsagan ng Opensibang Nivelle. Nang palitan ni Heneral Philippe Petain si Robert Nivelle bilang komandante ng sandatahang-lakas, hinimok niyang bumalik ang mga sundalo sa pakikipaglaban sa mga Aleman. Napapayag naman ang buong sandatahan na bumalik sa tungkulin subalit umayaw na ang mga ito na maglunsad pa ng malalaking pag-atake kaya't naiwan sa Gran Britanya at ng kanyang imperyo ang paglulunsad ng mge opensiba sa Bunsurang Kanluran noong taong iyon.

Nang lumabas ang Rusya sa digmaan at nang matalo ang mga Italyano sa Labanan ng Caporetto, dumagsa sa Bunsurang Kanluran ang mga karagdagang sandatahan ng Pwersang Aleman kaya't lalong napilitan ang Pwersang Alyado na pag-ibayuhin pa ang pakikibaka para sa depensa ng Pransya.

Digmaan sa Rehiyong Balkan

Matapos ang matinding pagkatalo sa Labanan ng Cer naglunsad muli ang Austria-Unggarya ng ilan pang opensiba laban sa Serbia. Dahil sa ang Belgrade, kabisera ng Serbia ay malapit sa hangganan ng bansa at ng Austria-Unggarya , ipinasya ng Sandatahang Serbia ang pag-abanduna sa nasabing lungsod. Sa kabila ng pag-atras ay nagsagawa ng kontra-opensiba ang Serbia laban sa Austria-Unggarya at muli nilang napanalunan ang Labanan ng Kolubara.

Subalit nag-iba ang ihip ng hangin pagsapit ng taong 1915. Nakumbinsi ng Alemanya na sumali sa kanilang panig ang Bulgaria na noo'y nakalaban na ng Serbia sa mga nagdaang Digmaang Serbo-Bulgariannoong 1885 at Ikalawang Digmaang Balkan noong 1913. Sa loob ng naunang siyam na buwan ng 1915 ay nagawa pa ng Serbia na kontrahin ang lahat ng mga pag-atakeng isinasagawa ng Austria-Unggarya subalit ng magsimula nang magmobilisa ng Sandatahang Lakas ang Bulgaria noong Setyembre 23 nang taon, nalagay na sa panganib ng husto ang Serbia. Mula sa hilaga'y nagpadala ang Alemanya ng kaukulang pwersa upang tulungan ang mga Austrian. Ginamit naman ng huli ang mga sundalo mula sa Slovenia, Croatia at Bosnia at Herzegovina upang ipanlaban man din sa mga Serbian. Mula naman sa silangang bahagi ay sumugod ang Pwersang Bulgarian kaya't naipit ang Serbia sa magkabilang panig.

Inilunsad ng Pwersang Sentral ang kampanya laban sa Serbia noong Oktubre 7 at naitaboy ang Pwersang Serbian patungong Albania. Dala ng sunod-sunod na pangyayari, nakipag-alyansa ang Montenegrosa Serbia. Habang tumatakas ang Pwersang Serbian patungo sa dalampasigan ng Dagat Adriatiko, hinarangan naman ng mga Montenegrins ang tumutugis na Pwersang Sentral sa Labanan ng Mojkovac. Dahil sa ginawang tulong ng Montenegro, nagawang marating ng umaatras na Pwersang Serbian ang dalampasigan ng Dagat Adriatiko kung saan sinundo at itinakas sila ng mga bapor ng Alyadong Pwersa patungong Salonica sa Gresya. Dito nila binuo muli ang halos mawasak na sandatahang lakas ng Serbia. Di naman nagtagal ay nahulog sa kamay ng Pwersang Sentral ang Montenegro.

Habang nasa Salonica, dumating naman ang ilang sandatahan ng Gran Britanya at Pransya upang tulungan ang Pwersang Serbian. Sinikap din nitong makuha ang suporta ng Pamahalaan ng Gresya na di nagtagal ay sumapi na rin sa Alyadong Pwersa. Nabuo noong 1916 ang Bunsurang Masidonyan o Macedonian Front, isang linya ng depensa na nagsisimula sa dalampasigan ng Dagat Adriatiko sa timog Albania hanggang sa dalampasigan naman ng Dagat Aegean sa hilagang Gresya. Ito ay binubuo ng pinagsamang pwersa ng Gran Britanya, Pransya, Serbia at Gresya. Nagawa nilang maipagtanggol ang buong front kung saan nakapaglunsad pa sila ng ilang opensiba laban sa Pwersang Sentral hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.

Ang Pagpasok ng Italya sa Digmaan

Nagdulot ng malawakang pagbagsak ng industriya ang digmaan sa mga bansang pinangyarihan at napinsala nito na naging dahilan naman sa isang krisis na tinatawag na Great Depression noong 1930s. Nagbunsod ito sa pagkawasak ng mga imperyo ng Alemanya, Austro-Unggarya at Ottoman. Nawalan ng ilang teritoryo ang Alemanya gaya ng Alsace-Lorraine at ng Polish Corridor. Nahati naman ang Imperyo ng Austro-Unggarya sa ilang maliliit na estado gaya ng Czechoslovakia, Austria, Unggarya at napunta ang Transylvania sa Romania, Trieste sa Italya. Nakamit naman ng Polandiya, Finland at mgaEstadong Baltik ng Estonia, Latvia at Lithuania ang kanilang kalayaan mula nang magwakas ang Imperyo ng Rusya na pinalitan ng dating Unyong Sobyet. Pinaghati-hatian naman ng Gran Britanya atPransya ang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman gayundin din mga kolonya ng Alemanya sa Aprika at Pasipiko. Pinag-isa ang mga estadong Balkan ng Serbia, Montenegro, Slovenia, Croatia, Macedonia atBosnia-Herzegovina na tinaguriang Yugoslavia kasabay sa pagkakatatag ng bansang Turkiya.

Nagsimula ang digmaan mula sa isang pagbaril sa Bosnia at kalaunan ay nauwi sa mga alyansa; ang Pwersang Entente at Sentral. Ang Pwersang Entente ay kinabibilangan ng Gran Britanya at ng imperyo,Pransya, Rusya, Serbia, ang Hapon na lumahok noong Agosto 1914, Italya na bumaligtad sa Pwersang Sentral noong Abril 1915 at Estados Unidos noong Abril 1917. Ang Pwersang Sentral sa kabilang banda naman ay binubuo ng Imperyo ng Alemanya, Austro-Unggarya, ang Italya bago ito sumapi sa Pwersang Entente, Imperyong Ottoman noong Oktubre 1914 at Bulgaria sa sumunod na taon. Ang ilan namang estado sa Europa gaya ng Netherlands, Switzerland, Espanya, Monaco at mga estadong Scandinavian ay nanatiling neutral hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.

Karamihan sa mga labanan ay naganap sa Europa. Ilan sa mga mahahalagang lugar na pinangyarihan ng digmaan ay ang Bunsurang Kanluran (Western Front) na matatagpuan sa kahabaan ng timogBelhika, hilagang Pransya hanggang sa kanlurang Alemanya na nagtatapos sa hilaga ng Switzerland. Matatagpuan naman sa Rusya at Poland ang Bunsurang Silangan (Eastern Front), sa hilagang Italya ang Bunsurang Italyano (Italian Front) at ang Bunsurang Masidonyan (Macedonian Front) sa rehiyong Balkan. Sa labas naman ng Europa naganap ang mga serye ng mga labanan sa Gitnang Silangan, Aprika at Asya.

Tumanggi ang Italya na makilahok sa digmaan at nagdeklara ng nyutralidad sa kabila ng pagiging kasapi nito sa Tatluhang Alyansa o Triple Alliance. Bagaman kaalyado ng Alemanya at Austria-Unggarya, nagkaroon din ang Italya ng isang lihim kasunduan sa pagitan ng Pransya noong 1902. Pormal na nagtapos ang Tatluhang Alyansa nang umanib and Italya sa Alyadong Pwersa matapos mapangakuan ng teritoryo sa Austria-Unggarya kung sakaling mananalo ang Pwersang Entente sa digmaan. Pinagtibay ang naturang usapin sa Tratado ng London at nang sumalakay ang Alyadong Pwersa sa Gallipoli, nagdeklara ng pakikidigma ang Italya laban sa Austria-Unggarya at nagmobilisa. Makalipas ang 15 buwan, nagdeklara rin ito ng pakikidigma laban sa Alemanya.

Malakas ang Sandatahang Italyano subalit nahirapan itong makipaglaban dahilan na rin sa topograpiya ng lugar na kanilang nilalabanan at sa mga taktikang kanilang pinaiiral. Isang imposibleng plano na iminungkahi ni Field Marshall Luigi Cardona ang naglayong makaabante sa talampas ng Slovenia, makuha ang kabisera nitong Ljubljana at makarating sa Vienna na hindi uubra sa sistema ng makabagong digmaan na gumagamit ng masingggan, alambreng tinik (barbed wire) at malalakas na artilyerong kanyon.

Naglunsad ng 11 opensiba ang Italya laban sa mga Austriang nakaposisyon sa Ilog Isonzo noong 1915, panahong kapapasok pa lamang nila sa naturang digmaan. Subalit nabigo ang lahat ng pagtatangka ito at nagawa ng Austria-Unggarya na maglunsad ng mga kontra-opensiba sa Asiago patungong Verona at Padua. Sinamang-palad din ang mga Austrian sapagkat hindi sila gaanong nagtagumpay sa isinagawang pag-atake. Sa tag-init ng 1916, nagawa namang masakop ng Pwersang Italyano ang Bayan ng Gorizia, isang mahalagang lugar sa pinangyayarihan ng digmaan. Hanggang sa 1917, angBunsurang Italyano ay hindi man lamang umusad sa kabila ng mga isinasagawang opensiba ng magkabilang panig.

Unang Digmaang Pandaigdig

World War 1 (WW1)

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi