Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya.
2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya.
3. Napatutunayan ang Batayang Konsepto
4. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan at lipunan/bansa gamit ang dokumentaryo
Mga Gagamitin:
barbecue sticks
masking tape
piraso ng papel (reusable bond paper)
pamaypay
ruler
Magsagawa ng isang survey sa mga kapwa mag-aaral sa paaralan. Tanungin ang mga kapwa mag-aaral ng mga sumusunod:
a. Magkano ang kanilang baon sa loob ng isang araw?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa kanilang baon?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang natatanggap na baon? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa baon?
e. Kung hindi sapat ang natatanggap na baon, Paano sinosolusyonan ang kakulangang ito?
1. Magsagawa ng kaparehong survey. Sa pagkakataong ito ay mga magulang naman ang bibigyan ng mga tanong.
2. Isulat ang mga sumusunod na tanong:
a. Magkano ang budget para sa isang buwan?
b. Ano-ano ang kanilang pinagkakagastusan sa tahanan?
c. Sapat ba o hindi ang kanilang budget para sa isang buwan? Ipaliwanag.
d. Ano ang naidudulot ng kakulangan sa budget?
e. Kung hindi sapat ang budget, ano ang paraang ginagawa upang masolusyonan ang suliranin?