Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang Timog-Silangang Asya (TSA) ay binubuo ng labing-isang bansa kabilang ang Pilipinas kaya't nararapat lamang na makilala nating mabuti ang rehiyong ito. Maliban sa Pilipinas, ang iba pang bansang kabilang sa rehiyong ito ay ang mga bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar (Burma), Singapore, Thailand, Vietnam, at Timor Leste East Timor.
B. Natutukoy ang Kasingkahulugan ng Salita.
Tukuyin at bilugan ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat nang madiin mula sa iba pang salita sa pangungusap.
1. Ang humpak na pisngi ng kutsero ay kakikitaan ng sagad na kahirapang inilalantad din ng payat niyang katawan.
2. Nagsimula ang kahirapang ito nang lumusob ang mga tulisan sa kanilang bayan na nagtulak sa mga taga-baryo upang sumugod at makipagsapalaran sa lungsod ng Jakarta.
3. Sila'y nagtago sa lungsod kung saan nagkanlong din sa kanila ang mailap na swerte ng buhay.
4. Nang mabangga ang kotse ng mayaman ay umalingawngaw ang kanyang pag-angil dahil bagong-bago ang kotse kaya't hundi mapigil ang galit niyang pagsigaw.
5. Kitang-kita sa mag-asawa na sila'y mayaman dahil pilit itong ipinangangalandakan ng marangyang gamit na kanilang ibinabandera para makita ng iba.
"Takipsilim sa Dyakarta" isang akdang mula sa Senjadi Jakarta na isinulat ni Mochtar Lubis at isinalin sa Filipino ni Aurora Batnag.
Ang manunulat na si Mochtar Lubis ay kritiko ng dating pangulong Sukarno at ipinakulong dahil sa kanyang pagiging kritiko ng pamahalaan.
Ipinanganak noong ika-7 ng Marso, 1922 sa Padang, Indonesia at namatay noong ika-2 ng Hulyo, 2004 sa Jakarta.
Isa siyang mamamahayag at nobelistang Indones.
A. Nabibigyang-Kahulugan ang Mahihirap na Salitang Ginamit sa Akda Batay sa Denotatibo o Konotatibong Kahulugan. ( F9PT-Iab-39)
Singapore
KONOTASYON
SALITA
DENOTASYON
isang taong traydor o tumitira nang patalikod
ahas
pambibiro
bola
ginagampanan
papel
artista
bituin
katiwala
kanang- kamay
Jakarta, Indonesia
Philippines
Tukuyin ang titik ng iyong hinuha para sa bawat pangyayaring nakalahad. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo.
1. Nang dapithapong iyon, punong-puno ang restawran. Dumating ang isang bagong-bagong Cadillac na pulang-pula ang kulay, naghahanap ng mapaparadahan ngunit okupado lahat ang mga paradahan sa bangketa. Mahihinuha mula sa sitwasyong ito na:
a. Maliit lang ang paradahan ng restawran.
b. Sikat at dinarayo ang restawran na ito kaya't laging maraming parokyano.
c. Gusto ng may-ari na sa bangketa lang iparada ang bagong sasakyan para mas marami ang makakita.
2. Umorder ng pagkain si Raden Kaslan at ni hindi muna tumingin sa presyong nakalista sa menu sa tapat ng pangalan ng mga pagkain at inumin. Mahihunuha mula sa sitwasyong ito na:
a. Alam na niya ang presyo ng mga pagkaing nakalagay sa menu.
b. Wala siyang balak umorder ng maraming pagkain.
c. Hindi problema sa kanya kung magkano man ang halaga ng mga pagkain sa menu.