Ano ang tao?
isang kahig, isang tilaok
Ang TAO
ang mga karapatang pantao
ay taglay ng bawat tao
ang pagiging tao mismo natin
ang kadahilanan ng pagkakaroon natin
ng mga karapatang pantao,
hindi ang ating nasyunalidad o kasarian
o lahi o relihiyon o uring pinagmulan
o ng kung ano pa man
Prinsipyo ng
Karapatang Pantao
Sa katunayan dumaan sa iba’t ibang pakikibaka
ng iba’t ibang grupo ng taong napagkaitan
ng mga karapatan ang mga kinikilalang
karapatang pantao natin ngayon.
Bakit kadalasang pinag-
uusapan ang estado
o ang pamahalaan
kaugnay ang
karapatang pantao?
Ayon sa “social contract” imbes na magkanya-kanya ang mga mamamayan sa pagtahak ng sari-sariling landas sa buhay at pag-unlad ng lipunan ay nagkaisa ang mga ito na magtayo ng isang pamahalaan na siyang magtataguyod ng kagalingan ng lahat.
Obligado ito na tuparin ang mga hakbangin na nakasaad sa mga kasunduang ito pati na rin ang tunay na pagkamit ng mamamayan nito ng mga karapatang pantao na nais maabot na nakasaad sa mga kasunduan na pang- karapatang pantao.
Hindi dahil sa walang dumanak
na dugo o nabali ang buto ay
wala nang paglabag sa
karapatang pantao. Kahit ang
kagutuman at kamangmangan ay
masasabing paglabag din sa
karapatang pantao.
Violation by commission
Ang mga malawakan at sistematikong paglabag sa karapatang pantao ay nangyayari sa kagagawan o sa pagbabaya ng estado o pamahalaan. Pagtalikod ito sa mga obligasyon nito sa karapatang pantao ng mamamayan.
Violation by omission
Pero kapag estado na
ang lumabag
sa iyong karapatan ay
kanino ka tatakbo?
Hindi pagtataguyod ng karapatang pantao
ang nagiging layunin ng pamahalaan sa
kalagayang ito at ginagamit pa laban sa
mamamayan ang mga batas at iba pang
institusyon ng gobyerno na nilikha para sa
kapakanan ng tao.
Maraming pagkakataon na
ang mga karapatang pantao
ay nakuha at natamasa sa
pamamagitan ng pag-aalsa
ng mga pangkat o grupong
napagkaitan nito
tulad ng mga alipin,
mga nasakop ng kolonya,
mga katutubo,
magsasaka at manggagawa.
?
tao ba ako inay?
Dignidad at Karapatang Pantao
Ang pamahalaan ay binibigyan ng mga
mamamayan ng kapangyarihang:
- gumawa ng batas
- na magbuwis
- na mangalaga at gumamit ng lahat ng nasasakupan ng kanyang teritoryo
- siguruhin ang kaayusang panlipunan
ang dignidad natin bilang tao ang pinagmumulan
ng ating mga karapatang pantao.
Ito ang pagkilala ng halaga ng pagkatao ng bawat isa sa atin
ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao
ang pamantayan ng isang buhay na may dignidad
Karapatang Pantao,
ipaglaban!
Ang Estado at
ang Karapatang Pantao
Inalienability at
universality
dahil sa iyong pagkatao,
hindi maiaalis sa iyo
ang iyong mga
karapatang pantao
at ito ay dapat
kikilalanin ninuman,
kahit kailan, kahit saan
Karapatang Pantao
Pantay-pantay (equality) at
non-discrimination
lahat ay may karapatang pantao,
dahil lahat tayo ay pantay sa dignidad
Magkakaugnay (inter-relatedness) at
di mapaghihiwalay (indivisibility)
wala dapat inuuna o hinuhuli
o ini-itsapuwera sa karapatang pantao
hindi dapat na itinatanong kung mas mahalaga
ang pagkain o ang kalayaan
dahil hindi tunay na malaya ang taong gutom
at walang katiyakan sa pagkain
ang taong hindi gutom
magkakaugnay ang mga karapatang pantao
at hindi ito maipaghihiwalay sa isa’t isa
Bagamat likas sa tao ang pagkakaroon ng karapatan
ay kinakailangan pa rin itong igiit
at ipaglaban upang makamit.
Karapatang sa buhay,
dignidad at pag-unlad
International Human Rights Day
Universal Declaration of
Human Rights (UDHR)
sa Paris, France noong
Disyembre 10, 1948, nilagdaan at
sinang-ayunan ng mga bansa na
kasapi ng kapulungan ng United
Nations (UN) kabilang ang
Pilipinas ang UDHR
Mga obligasyon ng Estado
sa Karapatang Pantao
Ang nararapat sa tao
“Ang mga karapatang
pantao ay nakatuon at
nakapatungkol sa ating
mga pangangailangan para
sa buhay at pangangatawan,
ang kilalanin bilang tao at
ang kasiguruhan ng ating
pag-unlad.”
Ang mga karapatang pantao ay nakaugat at
ibinunga ng mga “common values’ mula sa
iba’t ibang lugar, mga bagay na pinanghahawakan
na mabuti at nararapat para sa indibidwal at
pamayanan na makikita sa mga kultura ng daigdig.
Bakit kinakailangan pa
ng karapatang pantao?
Parang “golden rule” din ang karapatang pantao, kung ano ang pinapahalagahan mo sa sarili mo ay kinikilala at pinag-iingatan din natin para sa lahat.
Ang mga obligasyon ng estado sa karapatang pantao
ay hango pa sa “social contract” ng estado sa mamamayan nito,
pero bukod pa dito ay may mga obligasyon din mula
sa mga pinipirmahan at sinasang-ayunan nitong mga
kasunduang batas kaugnay ng karapatang pantao.
Ang nararapat sa tao
mga nararapat na pangtao
Ang Pandaigdig na Pahayag ng mga Karapatan ng Tao
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
Igalang
Ipagtanggol
Ipatupad
Kasi may nakakalimot na tao
na may
dignidad din ang iba.
Ang UDHR ay isang pahayag bagamat
sinasabing wala itong ngipin tulad ng isang
kasunduan ay naging sukatan ito sa
pagtataguyod ng mga estado sa mga
karapatang pantao ng kanilang
mamamayan.
Paglabag sa karapatang pantao
International Bill of Human Rights (IBHR)
Violation by commission
UDHR + ICCPR + ICESCR = IBHR
- Internasyunal na Kasunduan sa Karapatang Sibil at Pulitikal (ICCPR)
- Internasyunal na Kasunduan sa Karapatang Pangkabuhayan,
Panlipunan at Pangkalinangan (ICESCR)
Ang kasaysayan at
pakikibakang Karapatang Pantao
Violation by omission
Ang kasaysayan ng estado
ay kasaysayan din ng pakikibaka
ng mamamayan
laban sa pamahalaan na
nagkakait ng mga karapatang pantao.
- Kinikilala nito ang karapatang pantao bilang pundasyon ng kapayapaan, katarungan at kalayaan sa daigdig, pati na rin ang likas na karapatan ng mamamayan na mag-alsa laban sa anumang pamahalaan na lumalabag sa karapatang pantao.
Karapatang Sibil at Pulitikal
- Ito ay mga karapatang pantao tungkol sa buhay, kalayaan, pag-aari, integridad ng pangangatawan at magtamasa ng makabuluhang representasyon, pakikilahok at pagpapasiya ukol sa kapakanang pang-indibidwal at pamayanan.
Karapatang Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkalinangan
- Ito ay mga karapatang pantao tungkol sa pagtatamasa ng pinakamataas na pamantayan ng kalusugan, hanapbuhay, edukasyon, katutubo, paglinang sa sarili, pag-iingat at paggamit ng likas na yaman.
Karapatang pangkapatiran
- Nakasaad ang kolektibong mga karapatan sa sariling pagpapasiya, kalayaang paunlarin ang sarili bilang mga sambayanan, kapayapaan, kaunlaran, at pakikipagtulungan, na kinakailangan sa pagtatamasa ng karapatang pantao
Lumahok, kumilos
Kalasag laban sa pang-aabuso at sandata sa pakikibaka
Madaling malunod at mawalan tayo ng pag-
asa sa dami ng isyu at gawain.
Kailangan natin na mag-aral at magsuri hinggil sa karapatang pantao.
Pinakamainam na pumili tayo ng usaping malapit sa puso natin.
- Nagbibigay din ng obligasyon sa atin ang UDHR, pati na rin ng mga limitasyon sa paggamit natin ng ating mga karapatan. Ito ay nasa balangkas ng pag-iingat na hindi natin mayurakan ang karapatang pantao ng iba.
- Magagamit ang UDHR para sa pakikibaka sa tunay na pagsasakatuparan ng mga karapatang nakasaad sa mga batas na ito.
Lahat ng Karapatang Pantao para sa lahat!