Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Maligayang Pasko

Kabanata 8 ng El Filibusterismo

Layunin

Pagkatapos ng isang oras, inaasahan ang mga mag-aaral na...

1. Nakakaunawa ng mga mahihirap intindihing salita.

2. Nakakapaglahad ng mga pangyayari sa kabanata.

3. Nakakaalam ng layunin ni Rizal sa pagsulat ng kabanatang ito.

4. Nakakapag-ungay ng kasaysayan sa nangyayari sa kabanata.

5. Nakakapag-ugnay ng nangyayari sa kasalukuyan sa nangyayari sa kabanata.

Tala sa Kasaysayan

Noong Disyembre 29, 1896, isa sa mga napag-usapan sa pulong ng grupong Magdalo at Magdiwang ng Katipunan ay ang pagliligtas kay Dr. Jose Rizal sa kamay ng mga Kastila.

Nakatakdang barilin si Rizal kinabukasan. Tinutulan daw ni Paciano Rizal ang nasabing plano sapagkat hindi papayag ang kanyang nakababatang kapatid na magbuwis ang napakaraming buhay para sa pagliligtas ng iisang tao lamang.

Talasalitaan

Paboritong inumin ng mga karaniwang Pilipino sa halip ng tsaa o kape. Ito ay dinikdik na luya, pinakuluan sa sapat na tubig at minamatamisan ng panotsa o asukal.

Nakapinid

Sinunong

(Leprosy). Sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam.

Sisidlan ng damit na yari sa buli o kawayan.

Ingay na likha ng priksyon; langitngit

Paglalahad

Nagising si Huli nang madilim pa. Naisip niya na baka nagmilagro ang Birhen at hindi na sisikat ang araw, at hindi na kailangang magtrabaho ni Huli. Ngunit nabigo si Huli nang unti-unting lumiliwanag ang paligid. Tiningnan rin niya ang may paa ng imahe ng Birhen kung may sapat na pera doon, ngunit wala rin.

Naghanda siya ng kanyang mga gamit. Araw ng Pasko ngayon; araw rin ito na magsisimula na siyang magtrabaho. Ngunit hindi na siya umiiyak. Nagtaka pa siya kung bakit siya'y lubos na nalungkot, gayong siya naman ay malapit lang at maaring dalawin ng lolo kailanman niya maibigan. Nasabi rin ni Basilio na magpapakasal na sila kapag naging doktor na.

Nakita ni Huli si Tandang Selo na nakaupo. Walang imik itong binasbasan ang apo. Kitang-kita ang lungkot sa kanyang mukha. Umalis na si Huli. Ngunit, nang pinagmasdan muli niya ang bahay na iiwan niya, saka niya naramdaman ang kalungkutan.

Ilang oras na nang makaalis si Huli at pinanonood ni Tandang Selo ang mga taong nakadamit pampiyesta na patungo sa simbahan upang magsimba. Ang Pasko ay para sa mga bata, sabi nila, ngunit, sa Pilipinas, ito ang kinatatakutan ng mga bata.

Sila'y ginigising ng maaga, pinapasuot ng bago at di kumportableng damit, pinapatiis ng init at sikip sa loob ng simbahan, at maya-maya'y pinasasayaw at pinakakanta sa harap ng mga kamag-anak. Kung hindi sila susunod, sila'y kukurutin. Ganito ang nangyayari sa Pilipinas tuwing Pasko.

Naalala ni Tandang Selo na wala man lang bati si Huli ng Maligayang Pasko sa kanya. Ito ba ay sinadya niya, o nakalimutan lamang?

Nang dumating naman ang mga kamag-anak ni Tandang Selo, hindi na siya makapagsalita. Pinilit niyang magsalita, ngunit nabigo siya. Isang impit na sutsot ang nagawa niya.

Nagkatinginan ang mga babae, at siyang sinabi: "Pipi...! Pipi!"

Nagsigawan sila, at ang lahat ay nagkagulo.

Mga Tauhan:

Huli - Siya ang apo ni Tandang Selo na napilitang magtrabaho kay Hermana Penchang para makalaya ang kanyang amang si Kabesang Tales.

Tandang Selo - Siya ang lolo ni Huli na, nang makita ang apo na nahihirapan, ay napipi dahil sa sama ng loob.

Hermana Penchang - Siya ang magiging amo ni Huli.

Mahahalagang Kaisipan

1. Itinuturo noon ng mga kura na ang pagtitiis ay isang mabuting katangian ng tunay na Katoliko. Dahil sa kanila rin, naging mapaniwala ang mga Pilipino sa mga milagro. Makikita ito nang walang bisang naghahanap ng milagro si Huli upang malutas ang kanyang problema. Ipinapakita ni Rizal dito na dapat kumilos rin ang mga tao, kaysa sa umasa na lang na lahat ay basta na lang ibibigay ng Diyos.

2. Ipinapakita na ang Pasko sa Pilipinas ay isang malungkot na okasyon. Pati ang mga bata, na dapat pinakamasaya sa araw na ito, ay ang siyang natatakot at nalulungkot sa Pasko.

Paglalahat

Pasko na, at unang araw na ng pagtatrabaho ni Huli bilang alila ni Hermana Penchang. Gumising siyang walang tigil na umaasa na magkamilagro upang hindi na niya kailangang magtrabaho. Nabigo siya at umalis na, na iniwan si Tandang Selo. Si Tata Selo naman ay nalungkot din ng lubos sa pagkaalis ni Huli. Napag-isip siya tungkol sa Pasko sa Pilipinas.

Hindi lamang sina Tandang Selo at Huli ang nalulungkot sa Paskong iyon. Maraming mga bata sa Pilipinas ang hindi masaya, at natatakot pa sa araw na ito. Ito'y dahil sila'y ginigising ng maaga, pinapasuot ng bagong damit, pinapatiis sa sikip at init sa simbahan, at pinapasayaw at pinapakanta kahit ayaw nila. Ang hindi sumunod ay makakaabot ng kurot. Ganito na ang naging kaugalian sa Pilipinas tuwing Pasko.

Nang dumating ang mga kamag-anak ni Tandang Selo, hindi na siya makapagsalita. Napipi na siya. Nang malaman ito ng mga bisita, nagkagulo.

Dito makikita ang sitwasyon sa Pilipinas noong panahon ni Rizal. Araw ng Pasko nga, ngunit malungkot pa rin ito sa maraming Pilipino. Merong, tulad ni Huli, ang mga magtatrabaho para lamang matulungan ang pamilya. Mayroon ring mga batang hindi nasisiyahan sa Pasko, kahit na ang araw na ito ay para sa mga bata.

Salabat

Nakasara

Alatiit

Ipinatong sa ulo

Tampipi

Ketong

Paghahambing

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi