Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

a.) Nakapagbibigay ng iba’t ibang pamamaraan ng paglalahad sa isang teksto, kung papaano ito babasahin at susulatin

c.) Sinusundan ng mga mambabasa ang mga pagpapaliwanag ng manunulat at sa pagsulat naman, mas pinagtutuunan ng manunulat ang paraan ng pagpapaliwanag sa paksa

Mga Bahagi ng Tekstong Ekspositori

" Maihahalintulad ang panimula sa display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mag mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang mga abeylabol na paninda o haylayt na paninda." –Bernales, et al

Mahalaga ang bahaging ito ng teksto sapagkat dito’y parang hinahatak mo ang iyong mambabasa ipang basahin ang iyong isinulat.

• Iba’t Ibang Pamamaraan ng Pagbibigay Introduksyon sa Teksto

Hal: Mukhang hindi yata ako siniswerte sa aking mga kapitbahay. Mababait naman sila, ngunit napakaingay lang talaga. Mayroong mga mahilig sa napakalakas na mga tugtog, mga kapitbahay na napakalakas ng boses kung mangusap at mga kapitbahay na reklamador. Bagamat mayroon silang pagkakaiba, sa palagay ko’y napag-iisa sila ng isang layunin – ang mang-inis sa akin.

Noong nasa Maynila ang aking kaibigang si Myrna, nabanggit niya sa akin kung gaano karumi ang tubig na kanilang gimagamit. “Alam mo bang sa sobrang rumi ng tubig dito sa amin, kinailangan kong bumili ng Mineral Water upang makapagsepilyo ng ngipin?” inis niyang wika sa akin. Ang sitwasyong ito ng aking kaibiga’y nagpapakita lamang kung gaano na kalala ang problemang kinakaharap ng ating lipunan sa kakulangan ng malinis na tubig.

Question

Pagbibigay katanungan sa panimulang bahagi upang maengganyo ang mga mambabasa.

Ano nga ba ang kahulugan ng tunay na pagmamahal? Ang kaligayahan ba ang natatanging basehan upang matukoy kung ikaw ay nagmamahal? O nasusukat ba ito ng iyong kakayahang magsakripisyo para sa ikaliligaya ng taong iyong sinisinta?

Definition

Pagbibigay kahulugan sa mga salitang may kinalaman sa iyong paksa

Ang CLASH of CLANS ay isang napakasikat na software game sa iPhone, iPad, iPod at Android. Ito ay ginawa ng Supercell, isang video game company na bihasang-bihasa talaga sa paggawa ng gaming platforms. Madaming bata ang inuubos ang oras nila sa paglalaro ng COC sa kanilang mga cellphone na malimit pagsimulan ng problema sa bahay at paaralan dahil na rin nakakalimutan na ng mga kabataan ang mga bagay na mas importante pa kaysa sa paglalaro ng COC.

PAANO BUMUO NG TESIS NA PANGUNGUSAP?

Mag-isip ng isang pangkalahatang paksa: problema, o sitwasyon na nais gawan ng teksto.

Humalaw ng isang higit na espisipiko at ideyang nais patunayan.

Matapos tiyakin ang partikular na interes at paksa, bumuo ng tesis na pangungusap.

Pangkalahatang Paksa:

Text Messaging

 Espisipikong Paksa:

Epekto ng Text Messaging sa Ugnayan ng mga Tao

 Tesis na Pangungusap:

Isang bagong wika ang nabubuo sa text messaging na lumilikha ng impersonal na ugnayan sa mga tao.

2.) Katawan ng Teksto

• Hal:

Kahit na anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala, pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling naipahayag sa pamamagitan ng wika.

o Lagom – Pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Inilalahad dito ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan (Bernales, et al.)

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intensyon, ang kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating ng sinuman.

o Kongklusyon – Inilalahad dito ang inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtalakay ng teksto.

Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

WAKAS

Ang Tekstong Ekspositori: Mga Katangian at Bahagi

1.) Panimula: Paksa at Tesis

b.) Gumagamit ng iba’t ibang awtoridad sa pagtalakay sa mga paksa

d.) Ginagamitan ng mga pantulong grapiko gaya ng grap, ilustrasyon at iba pa

Ano nga ba ang Tekstong Ekspositori?

3.) Wakas: Paglalagom at Kongkulusyon

o Ang tekstong ekspositori ay naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang abstrak na konsep na nasa isip lamang ng tao ay naiuugnay sa isang tiyak na termino

o Isinusulat ito upang magpabatid, maglarawan, magbigay ng impormasyon, gumanyak at iba pang gawaing pagpapahayag na nangangailangan ng malinaw na paliwanag.

• Tinaguriang pinakamalaki at pinakamahalagang bahagi ng isang teksto.

o Sinasagot nito ang mga tanong na: Ano ito? Ano ang kahulugan nito? Bakit nangyari ito? Anu-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nito? Ano ang sanhi nito? Ano ang bunga nito? Ano ang problema at papaano ito mabibigyan ng solusyon?

• Dito nakapaloob ang pinakamahalagang impormasyong nauukol sa tesis at paksa.

• Panghuling bahagi ng isang teksto

• “Ang nilalaman ang pinakakaluluwa ng isang teksto at ang estraktura naman ang pinakakalansay nito.” (Bernales, et al.) Samakatuwid, kailangang isaalang-alang ang mga kasanayang nabuo sa gramatika at pagsulat sa lohikal at malikhaing pamamaraan.

o "Sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na bahagi ng sinusulat at binabasa ng mga karaniwang tao." -Rubin

.

• Kailangang nakakatawag-pansin sa mga mambabasa sapagkat ito ang magsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa.

• Kailangang may dating ang wakas. Kumbaga sa boksing, ito ang huling suntok na magpapabagsak sa kalaban. (Bernales, at al.)

HALIMBAWA

Quotation

Pagbibigay ng isang linyang nasabi ng isang kilalang tao na tuwirang naglalarawan sa paksa ng iyong teksto

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,” ika nga ni Dr. Jose Rizal. Sa pag-usbong ng iba’t ibang problemang kinasasangkutan ng ating kabataan hinggil sa teenage pregnancy, premarital sex, drug abuse atbp, hindi natin maipagkakaila na marami pa rin sa ating mga kabataan ang dahan-dahang bumabangon mula sa pagkakalugmok upang ipakita sa lipunan na maari pa rin silang maging instrumento ng pagbabago.

Hal 1:

Iba’t ibang pamamaraan ng diskusyon sa ideya:

TESIS NA PANGUNGUSAP

Halimbawa: Sanhi at Bunga

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala. Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan.

• Ang tesis na pangungusap ay isa o dalawang pangungusap o pahayag sa iyong teksto na naglalaman ng pokus ng iyong sanaysay at nagbibigay ideya sa mga mambabasa sa magiging paksa ng iyong teksto.

o Depinisyon

o Pag-iisa-isa o Enumarasyon

o Pagsusunod-sunod o Order

o Paghahambing at Pagkokontrast

o Problema at Solusyon

o Sanhi at Bunga

Hal 2

• Sumasagot sa katanungang: “Ano ang pangkalahatang ideya na gustong sabihin ng [may-akda] ng teksto?”

Ano nga ba ang nangyayari sa ating mga kabataan? Dati rati’y sinasabing ang mga kabataan, sanhi ng angking kasiglahan, ang parating nangunguna sa pakikipagsapalaran sa pagtamo ng kalayaan. Maalalang ang magigiting na sina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio at Antonio Luna ay iilan lamang sa mga kabataang Pilipino na handang sumuong sa bingit ng kamatayan makamit lamang ang kalayaang minimithi ng karamihan. Karamihan naman sa mga kabataan ngayon ay nag-aaksaya ng panahon sa paggamit ng mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter atbp. Ang masaklap pa, bihira ka na lang makakakita ng kabataang may tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa wika at kulturang kinagisnan. Nakakalungkot isipin na sa patuloy na pag-usbong nga teknolohiya, nalilihis ang interes at atensyon ng ating mga kabataan sa mga walang kabuluhang bagay.

Dalawang uri ng pamahalaan ang umiiral sa kasalukuyan, ito ay ang presidensyal at parlyamentari. Ang pinakamataas na nanunungkulan sa presidensyal ay tinatawag na pangulo samantalang sa parlyamentari ay tinatawag na Praym Minister. Gayunpaman, parehong demokrasya ang pinaiiral ng dalawang uri ng pamahalaan. Ang karapatan ng mamamayan, kapayapaan at hustisya ay pangangailangan din sa dalawang pamahalaan.

Katawan ng Teksto

Wakas: Paglalagom at Kongkulusyon

Sources:

Mga Miyembro ng Group 6

https://www.wattpad.com/7961393-pag-ibig-short-essay

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/12/tagalog-na-sanaysay-tungkol-sa-wika.html

http://web2.uvcs.uvic.ca/courses/elc/Sample/Advanced/unit1/u1_l1b_1.htm

http://onlinecpgame.blogspot.com/2015/04/clash-of-clans-nauusong-laro-ng-kabataan.html

https://prezi.com/ur1eeckympfj/ang-tekstong-ekspositori-mga-katangian-at-bahagi/

Kobayashi

Juliano

Peñaloga

http://wikpinoy.blogspot.com/2012/03/ekspositori.html

https://prezi.com/m7znc0awyno7/mga-tekstong-ekspositori/#_=_

https://prezi.com/bpdsbayxg7tb/uri-at-katangian-ng-tekstong-expositori/

https://www.translate.com/english/ang-thesis-pahayag-na-pangungusap-o-dalawang-sa-iyong-teksto-na-naglalaman-ang-focus-ng-iyong-sanays/3891048

https://prezi.com/eef7bzuxe4el/pagbuo-ng-tesis-na-pangungusap/

http://grammar.ccc.commnet.edu/grammar/composition/thesis.htm

Mga Katangian ng Tekstong Ekspositori

Panimula: Paksa at Tesis

Funnel

Nagsisimula sa pangkalahatang ideya at dahang-dahang hinihimay ang pagkalahatang detalyeng ito upang makarating sa tesis na pangugusap.

Anecdote

Isang maikling kwentong naglalarawan sa paksa ng iyong teksto.

Education

Interests

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi