Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Ang telekomunikasyon ay ang ekstensiyon o dugtong na pangkomunikasyon sa ibabaw ng malayong distansiya. Sa pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa proseso; dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng anyo ng distansiya at/o pagbabago ng orihinal na mga komunikasyon, kabilang ang radyo, telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong pangdatos at pagnenetwork ng kompyuter.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON:
Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling Pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang Komuninakasyong gamit ang kompyuter o Computer-Mediated Communication (CMC) sa Ingles ay anumang anyo ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng dalawa o higit pa na mga indibiduwal na mga tao na nakikipagusap at/o nagbibigay ng impluwensiya sa bawat isa sa pamamagitan ng magkahiwalay na mga kompyuter. Pansinin na hindi kabilang dito ang mga pamamaraan na kung saan nag-uusap ang dalawang kompyuter, sa halip kung papaano makipagtalastasan ang mga tao na gamit ang kompyuter.
Mas karaniwang tumutukoy ang CMC sa mga koleksiyon ng e-mail, video, audio o text na pagpupulong, mga bulleting board, mga list server, instant messaging, at mga multi-player video game.
Ang komunikasyong interpersonal ay isang uri ng komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitang ng dalawa o higit pang tao. Isa ito sa mga pangunahing sangay ng Komunikasyon. Ang simpleng pakikipag-usap sa ating mga guro, mga kagrupo o magulang ay mga halimbawa na ng komunikasyong interpersonal. Maaaring berbal, di berbal, pasulat o pakikinig ang interpersonal na komunikasyon at ang tatalakayin sa pahinang ito ay ang berbal na interpersonal na komunikasyon.
Ang pamimili (Ingles: marketing) ay tumutukoy sa pagbebenta o pagpapalitan ng mga produkto, serbisyo at/o salapi sa loob ng isang pamilihan. Malaki ang impluwensiya nito sa pagpapalago at pagpapalakad ng isang negosyo.
Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin o posisyon. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap ng mga paniniwala o kaya nng doktrina.
Ang kapakanang pampubliko, kapakanang pangmadla, o kapakanang pambalana (Ingles: public welfare) ay ang tulong na pampubliko, maaaring panandalian, o gawaing pangkawanggawa na natatanggap ng isang tao o mga tao na hindi makapaghanapbuhay upang kumita ng salapi, anuman ang dahilan. Dahil sa ganitong kalagayan, dito pumapasok ang pamamagitan at pagtulong ng mga programang pangtulong na pampubliko ng pamahalaan at serbisyong pampubliko.
Ang ugnayang pampubliko (Ingles: public relations, dinadaglat na PR) ay ang kasanayan ng paghahatid ng mga mensahe sa publiko sa pamamagitan ng media sa panig ng isang kliente, kasama ang intensiyon na baguhin ang mga kilos ng publiko sa pamamagitan ng pag-impluwensiya ng kanilang mga kuru-kuro. Madalas na inihahatid ang mensahe ng mga nagsasanay sa PR ang mga partikular lamang na seksiyon ng publiko ("taga-pakinig"), yayamang kadalasang ibinabahagi ng isang pangkat ng mga tao ang magkakaparehong palagay kaysa ng buong lipunan.
- Marketing
- Propaganda
- Kapakanang Pampubliko
- Ugnayang Pampubliko
- Komunikasyong Gamit ang Kompyuter
Ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alaala, at pagdama,
mga prosesong nagaganap sa internal nating
katauhan. Kapag ika'y napapabulong sa iyong
sarili, ika'y nakikipagtalastasang intrapersonal.
Ang komunikasyon para sa pagtatanghal o sa pagpapakilala sa isang bansa. Ito rin ang kakayahan na makipag-usap at umintindi gamit ang lingwuheng gamit ng ibang bansa.
Ang mensahe ay naipababatid sa pamamagitan ng mga galaw at paghipo, sa pamamagitan ng wika ng katawan o tikas, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mukha at pagtitinginan. Ang pagsasalita o pananalita ay naglalaman ng mga elementong hindi pasalita na nakikilala bilang paralengguwahe, kasama na ang kalidad ng tinig, grado o rate, tono o tinis (pitch), lakas o bolyum, at estilo ng pagsasalita, pati na mga katampukang prosodiko na katulad ng ritmo, intonasyon, at diin.
Ang komunikasyong hindi pasalita, komunikasyong hindi binibigkas o pakikipagtalastasang hindi pasambit (Ingles: nonverbal communication) ay kadalasang nauunawaan bilang proseso ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga palatandaan o hudyat na walang salita sa pagitan ng mga tao, na karamihan ay nakikita o napagmamasdan ng mata.
Ang pangunahing paraan upang mapanatili ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkaisa ng mga tao. Sa anumang larangan ng buhay, itoy daan sa walang humpay na pagpapayaman, pag-unawa at pagsulong ng iba't-ibang tao salandas na kinabibilangan.
Ito ay isang uri ng komunikasyong na nagsisimbolong pasulat lahat sa pamamagitan ng kilos at galaw ng ating katawan. maari itong magbigay diin, magpuri, ulit-ulitin,at kontrolin.