- Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon.
- Kailangang may sapat siyang kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di-berbal.
- Kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa iba't ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatuwiran.
- Kailangang alam mo ang paksa sa isang usapan.
- Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
- Kailangang may sapat ka ring kaalam sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
MGA PANGANGAILANGAN SA MABISANG PAGSASALITA
Tiwala sa sarili
- isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng isang tagapagsalita.Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan,inilalantad naman ng kanyang panginginig o paninigas o pag-iwas ng tingin,o labis na pagpapawis ang kakulangan niya o kawalan ng tiwala sa sarili.Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.
Kaalaman
Kasanayan
- Mahalagang alam ng isang tagapagsalita ang kanyang sasabihin sa kanyang kausap. Kung alam niya ang kanyang sinasabi, masasabing may laman ito o may kabuluhan.
- Kinakailangan angkinin ng tagapagsalita ang mga kasanayan tulad ng malinaw na pagsasalita, wastong pagbigkas ng salita, maayos na pagtayo sa entablado, pagkumpas ayon sa diwa ng sinasabi, diin at uri ng tinig.
designed by Péter Puklus for Prezi