Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago.

Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang China ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak.

Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.

Upang maparami ang kanilang maaring itanim bawat taon, ang mga sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka.

Maliban sa kahalagahan nito sa pagsasaka, ang Nile ang nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong iyon.

Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang ng ilog.

Samantala, ang katimugang hangganan ay mula sa baybayin ng Honduras s Atlantic hanggang sa gulod o slope ng Nicaragua sa Pacific at sa tangway ng Nicoya sa Costa River.

Sa Panahong Neolitiko, ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga magsasaka sa lambak-ilog. Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim.

Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High Dam upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba't ibang bahagi ng rehiyon.

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya

Ang Kabihasnan sa Mesoamerica

Noon pa mang unang panahon, ang Egypt at tinawag na bilang The Gift of The Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.

Ang Kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.

Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang nakalilipas.

Maraming siyentista ang naniniwalang may mga pangkat ng mga mangangaso o "hunter" ang nandayuhan mula sa Asya patunging North America, libong taon na ang nakararaan.

Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon.

Noong ika-13 siglo B.C.E, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America---ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulanng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba't ibang bahagi ng America.

Heograpiya ng Huang Ho

Ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3000 milya.

Pabago-bago ang panahon sa rehiying ito. Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China.

Ang mga magsasaka ay kaagad na nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na Delta.

Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.

Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maari ring gamitin ang tubig mula rito para s mga lupang sakahan.

Sa kasalukyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.

Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala.

Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino.

Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito.

Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E at nakapagpatuloy sa loob na halos tatlong milenyo.

Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Heograpiya ng Mesoamerica

Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang "gitna". Ito ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America.

Ang Mesoamerica o Fronseca sa katimugan ng El Salvador.

Heograpiya ng Egypt

Ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa

Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaang ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.

Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt.

Naniniwala ang mga Tsino na sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino.

Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China.

Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya.

Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula ang kabihasnan sa Lambak ng Nile.

Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito.

GRADE 8-ADELFA

BATCH 2016

Aro, John Eric

Balderian, Ariane Kurtly

Betita, Claude Daniel

Beronio, Jean Lorenz

Acol, Shanelle Grace

Abiog, Christine Angelie

Baylon, Liana Andrea

Bombase, Karen Jabez

Bernardo, Annwyl Joey

Bacosa, Diethna Rose

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi