Introducing
Your new presentation assistant.
Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.
Trending searches
Kasama nang pagkalungkot niya
sa pagiging mag-isa sa isang banyagang bansa, at ang tuluyang pagkaasim ng kaniyang relasyon kay Leonor, ang pag-ibig para kay Rizal
ay naging parang isang paraan ng pagkalimot o pagtakas sa kaniyang mga personal na problema at problema ng kanyang bayan.
Nakilala ni Jose Rizal si Gettie sa London habang sinusulat ang anotasyon ng librong Sucesos de las Islas Filipinas sa bahay ng pamilya Beckett kung saan siya nakatira.
Tinulungan niya si Rizal sa kaniyang pagpipinta at pag-iiskultura.
Biglang umalis at umiwas si Jose Rizal bago pa mas umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa. Bago umalis ay iniwan kay Gettie ang iskultura ng magkakapatid na Beckett.
Jose Rizal as "Pettie"
#1888
#London
#innocentpasttime #notreallove #sculpture
Pamangkin ng kasera ni Rizal sa Brussels, Belgium.
Maiksing ibigan dahil umalis si Rizal sa Brussels upang ipagpatuloy ang kaniyang paglalakbay
Umiyak si Suzanne sa pag-alis ni Rizal, at nagpatuloy pa ring sumulat kay Rizal, kahit na hindi na sinasagot ang kanyang mga sulat.
#unrequitedlove
#little bad boy Rizal
#1890
#Belgium
Nagbakasyon si Rizal sa Biarritz, France at nanirahan sa villa ng pamilya Boustead.
Dahil sa pagkabigo sa pag-ibig niya kay Leonor, sinubukan niyang makipaglapit muli sa iba pang kadalagahan.
Nagustuhan niya si Nellie dahil siya ay edukado, masayahin at matuwid sa moral.
May intensyon si Rizal na pakasalan siya.
Ngunit hindi natuloy
#1891
#France
#love triangle
#nagpakasal na si Leonor R.
#1884
#Madrid
#NoTears
#FriendshipOverLove
Nakilala ni Rizal habang nag-aaral siya sa Unibersidad Central de Madrid.
Maganda at masigla.
Hindi tuluyang niligawan
Ideal na babae ni Jose Rizal.
Nagsilbi niyang guide, interpreter, at guro sa kultura at wikang Hapon
Dahil sa hindi makasiya na relasyon niya kay Leonor Rivera at dahil sa tuluyang korupsyon sa Pilipinas, nahanap ni Jose Rizal kay Seiko ang iskape na kailangan niya.
Gusto na ni Rizal sanang manatili nalang sa Japan ngunit meron pa siyang dakilang misyon na kailangang tuparin.
#BayanMuna
#1888 march-april
#GreatLove?
#OneMonthLoveAffair
- sapilitang ipinakasal kay Henry Kipping
- namatay sa panganganak Aug 28,1893
- bago mamatay, hiniling na ilibing sa sayang sinuot niya nang siya at si Rizal ay nagkaroon ng kaunawaan, kasama ang mga abo ng mga sulat ni Rizal
18 taong gulang si Jose at 15 taong gulang naman ang pinsang si Leonor nang magsimula ang kanilang malalim na pag-iibigan. Lubos ang pagtutol ng mga magulang ni Leonor dito. Itinago ng ina ni Leonor ang bawat sulat ni Jose para sa iniibig. Sa 1887, bumalik si Rizal upang pakasalan si Leonor, ngunit hindi siya pinayagan ng kanyang ama, at dahil na rin sa pagtutol ng magulang ni Leonor.
*Kay Leonor hinubog ang karakter na si Maria Clara.
#1878-1890
#Long-distance Idealized Doomed Love
# walang happy ending
Ipinapahayag ni Jose ang kanyang pag-ibig kay Orang sa mga sulat gamit ang invisible ink.
Naging kapitbahay si Orang nang nag-boarding house siya sa bahay ni Doña Concha Leyva noong kanyang sophomore years sa UST.
Jose "Chengcoy" Cecillo -
ang naging dakilang wingman o energetic proxy ni Rizal
#1878
#secondlove?
#dahil sa pagbibinata lang ito
#dulot ng pang-aasar ni Chengcoy
Kasama ang kanyang lola, nakita ng 15 taong gulang na si Jose ang 14 taong gulang na si Julia habang siya ay naliligo sa isang ilog sa Laguna.
Isang guro sa Laguna, inibig ni Rizal si Miss L matapos ang kabiguan niya kay Segunda.
Ayaw ng mga magulang ni Rizal sa kanya sapagkat siya ay mas matanda kay Jose at kabibigo pa lamang ni Jose sa pag-ibig.
#mysteriousMissL
#mustmoveonfromsegunda
#kilig pa more
Sinasabing ang kanilang pag-iibigan ay love at first sight. Ngunit ang 14 taong gulang na Rosas ng Lipa, Batangas ay itinakda ng ikasal noon kay Manuel Luz nang una silang magkakilala ng 17 taong gulang na si Jose Rizal.
#1877
#puberty
#crush phase ni Rizal
Julia
Segunda
Miss L
Orang
Taimis
Consuelo
O-sei-san
Gettie
Suzanne
Nellie
Josephine
Pumunta sa Dapitan si Josephine at ang kanyang bulag na tatay upang magpagamot kay Rizal.
Ayaw ng mga kapatid ni Rizal sa kanya dahil maaaring espiya.
Nagpakasal sila pero walang basbas ng simbahan. Nagdalang-tao ngunit nakunan, nabuhay ang bata ng ilang oras , pinangalanang Francisco Mercado.
#Dapitan
#1895
Lubhang minahal ni Rizal si Josephine, ginawan niya ito ng bas relief, ginuhit, at bago siya mamatay ay inalay ang librong : To my dear and unhappy wife, Josephine
#the sweet stranger
#"married"
#Francisco
Leonor Rivera - idealized love reflected in Maria Clara's character. Tulad ng kanilang pag-iibigan, ang tambalang Maria Clara at Ibarra ay nakatakda ring mabigo.
Ayon kay Ambeth Ocampo (2000), sa tuwing mahuhulog ang loob ni Rizal sa isang babae, tinatakbuhan niya ang responsibilidad dahil alam niyang ang pagkakaroon ng karelasyon ay hahati ng kaniyang oras na dapat ay siyang nilalaan niya sa pagtatanggol ng kaniyang bayan. Isang patunay nito ang kaniyang pagpunta sa Espaniya sa kabila ng kaniyang pag-ibig kay Leonor Rivera. Bagama’t ninais ni Rizal na magpakasal kay Leonor Rivera, pinili niyang umalis ng bansa alinsunod na din sa utos ni Paciano upang ituloy ang kanilang adhikain. Ang isyung ito ay nagpapakita lamang na ang Pilipinas noong nasabing panahon ay nasa yugto ng destabilization kung saan ay mas pinili ni Rizal na unahin ang kaniyang pagkapilipino upang isulong ang kaniyang adhikaing pangreporma kaysa sa pagigiging Jose Rizal at bigyang-pansin ang babaeng tunay niyang iniibig.
Makikita din ang epekto ng pagiging kalaban ni Rizal ng simbahang Katoliko sa kaniyang buhay pag-ibig. Dahil nakilala si Rizal bilang awtor ng Noli Me Tangere at minamatyagan na ng mga prayle dahil sa kaniyang mga gawaing pangreporma, nakaapekto ito sa kaniyang relasyon kay Leonor Rivera. Si Rizal ay mahigpit na pinagbawalang lumapit kay Leonor Rivera sapagkat ito ay maaaring makasira sa reputasyon ng mga Rivera gawa nga ng pagiging mainit niya sa mga mata ng prayle (Ocampo, 2000).
PI 100 Group 2
Ocampo, A. (2000). Rizal without overcoat. Anvil Publishing, Inc. Philippines. pp. 143-144.
Flores, P. (2013). Rizal’s Loves: An Analyzed View. My Rizal 150 Years. Retrieved from http://www.myrizal150.com/2013/04/jose-rizals-loves-an-analyzed-revised-view/
Cuizon, A. (2008). Rizal’s affair with ‘la petite’ Suzanne. Inquirer Global nation. Retrieved from http://globalnation.inquirer.net/cebudailynews/news/view/20080621-143971/Rizals-affair-with-la-petite-Suzanne
http://www.joserizal.ph/lv01.html
Rizal and his Women. Retrieved from https://prezi.com/ctcdbavseg9u/rizal-and-his-women/
Ang pag-iibigang Rizal at Josephine Bracken ay nagpapakita din ng isyung sosyolohikal. Makikita ang malaking impluwensiya ng simbahang Katoliko sa pagbibigay ng pamantayan sa kung ano ang ideyal na babae noong panahon ng mga Kastila. Dahil hinihinalang espiya at mababang klase ng babae si Josephine Bracken, hindi sang-ayon ang pamilya ni Rizal lalo na ang kaniyang mga kapatid na babae sa kanilang pag-iibigan ni Bracken. Nakadagdag pa dito ang pagsasama nilang dalawa nang walang basbas ng simbahan.