Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

Talasalitaan

1.Quien vive- salitang Español na nangangahulugang "Sino ang nariyan?"

2.Punglo- bala

3.dumaplis- pasagi o pahaging ang pagtama.

4.Ampahilom - gamit para sa paggaling ng sugat.

5.sinunggaban- biglang dinakma o inagaw ang isang bagay

6.Yantok- galing sa isang uri ng palma na may mahahaba at magkakadugtong na sanga.

7.Ikinabuwal- natumba at napahiga

8.Tagapastol- tagapag-alaga ng hayop, gay ng tupa, kalabaw at kabayo.

9.Bulo- anak ng kalabaw o baka.

10.Sakristan Mayor- namumuno sa lahat ng sakristan

Aral

  • Lagi makinig sa opinyon ng iba.
  • Wag husgasan ang isang tao.
  • Huwag magpapaapi lalo na pagalam mong tama ka.
  • Kung kaya magpatawad, magpatawad.

Buod

  • Makikiusap si Basilio na tanggapin siya bilang tagapastol ng kaniyang baka at kalabaw. At si Crispin ay magaaral kay Pilosopo Tasyo.
  • Mabait naman daw si Don Crisostomo at baka bigyan pa si Basilio ng gatas na gustong-gusto ni Crispin o kaya'y isang bulo. Kapag maari na siyang mag-araro, siya ay magiging magsasaka.
  • Pumayag naman si Sisa sa balak ng anak. Napansin ng ina na sa balak ng anak ay hindi kasama ang kanilang ama.

Noli Me Tangere

Buod

  • Sandali pa lamang nakakatulog, nanaginip si Basilio na may hawak na yantok ang Kura. Nagtago si Crispin sa likod ng Sakristan Mayor subalit lalo pa siya inilantad. Hinampas siya ng Kura ng yantok. Hindi natiis ni Crispin ang sakit kaya kinagat niya ang kamay ng Kura. Napasigaw ang Kura ay nabitawan ang yantok. Sinunggaban ni Sakristan Mayor ang tungkod at pinalo sa ulo ng bata,dahilan ng ikinabuwal nito. Pinagtatadyakan siya ng Kura ngunit hindi na nakakilos ang bata.
  • Nagising si Sisa sa pag-iyak ni Basilio. Hindi niya sinabi kung ano ang napanigipan. Sa halip, sinabi niya na ayaw na niyang magsakristan. Sinabi niya rin na sunduin si Crispin at kunin ang kanyang sahod at isauli sa Kura at sabihin ayaw na niya magsakristan.

Kabanata 17: Si Basilio

Inihanda ni: Aira Dy Guaso

Buod

  • Dahil sa nangyari, nagkaroon ng hinanakit si Sisa sa mga guardia civil. Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at milagyan ng pampahilom.Hiniling ni Basilio sa ina na ilihim ang nangyari. Nangtanungin ng ina kung bakit hindi nakauwi si Crispin, sinabi niyang ito'y pinagbintangan nagnakaw ng dalawang onsang ginto. Ngunit nilihim niya ang pagpaparusa kay Crispin.
  • Hindi makapaniwala si Sisa sa bintang sa kanyang anak.Nang ibalita ni Sisa sa anak ang pagdating ng ama, napatingin si Basilio sa kamay at mukha ng kanyang ina at naintindihan ito ni Sisa. Naitanong ni Basilio kung mas mabuting silang tatlo nila Crispin ngunit walang naisagot si Sisa at napabuntung-hininga lamang siya.
  • Nang nakahiga na si Basilio, naglalaro sa isipan niya na si Crispin ay nasa madilim na sulok ng kumbento at takot na takot. Umuuasisa sa kanyang pandinig ang sigaw ng kapatid. Sa kapaguran ng isip at katawan, nakatulog din ito.

Buod

  • Nang buksan ni Sisa ang pintuan, bumagsak si Basilio sa kanyang bisig. Nanglamig si Sisa nang dumating si Basilio ng hindi kasama si Crispin at ang dugong umaagos sa noo ng anak. Natakot si Sisa, at napansin ito ni Basilio. Sinabi niya sa ina na naiwan si Crispin sa kumbento. Itinanong ni Sisa kay Basilio kung si Crispin ay buhay at sa titig na pinakita ni Basilio, nangangahulugan ito ng 'oo' at nawala ang pagaalala nito.
  • Naitanong din ni Sisa kung bakit siya may sugat. Sinimulan ni Basilio ang salaysay: "Ako'y nagtanan nang makita kong kinakaladkad si Crispin ni Sakristan Mayor at ayaw akong paalisin kundi ikasampu ng gabi. Nakasalubong ko ang ilang Guardia Civil at sinigawan ako ng quien vive, ako'y tumakbo. Pinaputukan nila ako at isang punglo ang dumaplis sa aking noo."

Tauhan

  • Basilio
  • Sisa

Tagpuan

  • Sa tahanan nina Sisa at Basilio

Balik-sulyap

  • Si Sisa ay nakapangasawa ng isang sugarol, palaboy at iresponsable. Nagkaroon sila ng anak sina Basilio at Crispin.
  • Isang gabi, malaki ang kinita ni Sisa kaya ipinaghanda niya ng hapunan ang kanyang anak. Tuyong tawilis at kamatis para kay Crispin at tapang baboy-ramo at hita ng patong-bundok para kay Basilio.
  • Ngunit, biglang dumating ang kaniyang asawa at kinain at inubos ang hapunan na para sa kanyang anak. Hinayaan niya lamang ito kahit hindi na kasya ang pagkain na natira para sa kanilang tatlo dahil pinagbubuhatan ito ng kamay.
  • Nang pagkaalis ng kanyang asawa, nagsaing at inihaw ang tatlong tuyong tawilis na natira. Nang matapos, nanalangin siya para sa kaligtasan ng anak.
  • Habang nagdarasal, narinig ni Sisa ang hangos na tawag ni Basilio. Kinilabutan si Sisa.
Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi