Introducing 

Prezi AI.

Your new presentation assistant.

Refine, enhance, and tailor your content, source relevant images, and edit visuals quicker than ever before.

Loading…
Transcript

ACHIEVE!

MAKABANSA

Thank you!

1. PAKIKILAHOK SA PAMAMAHALA NG BANSA. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.

2. PAGTANGKILIK SA MGA PRODUKTONG PILIPINO. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino.

Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

MAPANAGUTAN

1. TAMANG PAGBABAYAD NG BUWIS. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa.

2. MAKIALAM. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho.

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan.

MAALAM

1. TAMANG PAGBOTO. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito.

2. PAGPAPATUPAG AT PAKIKILAHOK SA MGA PROYEKTONG PANGKAUNLARAN SA KOMUNIDAD. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

MAABILIDAD

1. BUMUO O SUMALI SA KOOPERATIBA. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad.

2. PAGNENEGOSYO. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

Learn more about creating dynamic, engaging presentations with Prezi